Lunes, Mayo 1, 2017

MGA BULLY, MAHILIG MAGPARETOKE

AYON sa malikhaing pag-iisip ng mga mananaliksik, ang mga nagpaparetoke ay ang mga taong mahilig mam-bully.
Sa mga estudyante, hindi nawawala iyong mga mahilig mang-asar at mang-away lalo na kung alam na alam nila na sila ay biniyayaan ng good looks.
Ngunit, bakit nga ba may mga taong mahilig mang-away mo mam-bully? Ang sagot diyan, ibig nilang pagtakpan ang sarili nilang kahinaan at gusto nilang isaksak sa isipan ng mga tao na superior ang dating nila.
Iyon nga lang, kailangan nilang panindigan ang pagiging bully nila. Kailangan sa mata ng lahat ay manatili silang superior, iyon bang tipong walang maipipintas sa kanilang anyo kaya naman ayon sa pagsasaliksik na aking isinagawa, napag-alaman ko na ang mga mahihilig mam-bully riyan ay laging sumasailalim sa pagpaparetoke. Ito ay pinatunayan ng lead author na si Prof. Dieter Wolke ng Warwick University.
Dahil siyempre bully siya noong kabataan niya, hindi niya hahayaan na sa kanyang pagtanda ay siya naman ang mabu-bully. Kaya naman lahat ng paraang alam niya ay gagawin niya para mapanatili ang kanyang ganda. Mas gusto niya kasing hangaan siya kaysa pintasan.
Ikaw, bully ka ba?
O, magparetoke ka na dahil baka kapag nagkita kayong muli ng taong binu-bully mo at matuklasan niyang mas maganda na siya sa'yo ay bumalik sa'yo ang lahat ng ginawa mo rabi. Sabi nga, mabilis lang ang karma.

1 komento:

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...