Miyerkules, Setyembre 28, 2022

My Hot Billionaire Husband teaser



Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito sa kuwarto nito kasama ang mortal niyang kaaway. Dahil sa gusto niyang makalimot ay nagpunta siya sa bar at inalok ang sarili sa lalaking natipuhan. 

Naisip niya kasi na kung magpapakasal siya sa lalaking hindi pa nga niya nakikita, maiging ibigay na lang niya ang kanyang virginity sa lalaking nagustuhan niya. Hindi naman niya ito kilala kaya't alam niyang hindi na magtatagpo pa ang kanilang landas pero mali pala siya ng akala sapagkat kilala pala siya ng estrangherong kanyang nakatalik. 

Siya si William Arguelles III, ang anak ng pakakasalan sana niya. At dahil sa ayaw nitong pakasalan niya ang ama nito ay pinakasalan siya nito sa mataktikang paraan. So, hahayaan na lang ba niyang kasal siya sa lalaking walang ibang maipapangako kundi ang painitin lagi ang kanyang katawan?







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...