Lunes, Mayo 8, 2017

DEODORANT, SANHI NG BREAST CANCER

AYON sa malikhaing pag-iisip ng mga eksperto, ang paggamit ng deodorant ay sanhi ng tumor.

Kung dati ay kuntento na ang mga tao sa paglalagay ng tawas para hindi mangamoy, sa paglipas ng mga taon ay maraming naiimbento at isa na nga rito ang deodorant. May iba-iba pang scent kaya naman mas naging mabili ito.

Ngunit, alam mo bang sa Switzerland ay ipinagbabawal ang paggamit ng deodorant? Ang dahilan, maaari raw kasing maging sanhi ito ng pagkakaroon ng breast cancer.

Ang aluminium salts daw kasi na inilalagay sa deodorant ay maaaring maging dahilan ng paglabas ng tumor sa ating katawan. Siguro naman ay alam mong ang pangunahing dahilan kaya gumagamit ka ng deodorant ay para hindi ka pagpawisan at mangamoy. Kaya, kailangan niyang pigilan ang paglabas ng pawis sa'yong katawan para manatili kang fresh.

O, hindi ba kapag ang isang bagay kapag pinigilan mong makaalpas ay naghahanap pa rin ng dahilan kung paano siya makakalabas. Iyon ang dahilan kaya nagkakaroon ng bukol ang ating katawan.

Kung susuriin mo, sa panahon ngayon ay marami ang nagkakaroon ng cancer. Ang mga babae ay kalimitang nagkakaroon ng breast cancer. kaya, ingat din sa pagpili ng deodorant na gagamitin dahil baka mamaya ay super tapang pala 'yan. 

O, gugustuhin mo bang magkaroon ng cancer?

Kung hindi naman, magagawa mo bang hindi gumamit ng deodorant?

Kung ganoon, handa ka bang mangamoy?

1 komento:

  1. Kaya, pala may kakaiba akong nararamdaman sa may kili-kili ko. Hindi ko lang pinapansin.

    TumugonBurahin

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...