Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
AYON sa pag-aaral, ang mga inuming nasa lata ay nakapagpapataba!
Tubig na may kulay, ito ang aking sasabihin sa Daddy ko kapag
tinatanong niya kung ano ang masarap na inumin. Ang ibig sabihin sabihin nu’n
ay gusto ko ng softdrinks. Dahil nga isa akong spoiled brat, agad siyang
maglalabas ng pera para makabili ako ng tubig na may kulay for our lunch or
snack or dinner. Siyempre, sa isang araw ay isang beses lang kami maaaring
mag-softdrinks. Hindi lang dahil sa maaari kaming magka-diabetes kundi dahil
ang number one sa dictionary ng parents ko ay ang salitang pagtitipid.
Kaya naman, ang softdrinks na nakaugalian kong inumin ay
‘yung nasa bote. Sabi ng parents ko, higit na mas mura ang nasa bote at mas
marami pang laman. Totoo naman ‘yon kaya mas pinipili kong bumili ng nakaboteng
softdrinks.
Ikaw ba ay umiinom ng softdrinks o juice in can?
Kung sasabihin mong ‘oo’ , kailangan mong basahin ng maigi
ang artikulo natin ngayon. Ibig ko kasing mabalaan ka. Ayon kasi sa mga
mananaliksik, ang pagtaba ng mga tao partikular na ang mga bata at teenagers,
ang pag-inom ng softdrinks at juice na nasa lata ay nakakataba.
Base sa pag-aaral, ang bisphenol A o BPA ay matatagpuan sa
mga aluminium cans, kaya naman ang tao ay maaaring maging matabang-mataba.
Dahil doon ay mas malaki ang tsansa na magka-diabetes agad ang bata at
teenagers.
Maaari ngang lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng diabetes,
lalo na’t mahilig siya sa matatamis, ngunit, kung inyong mapapansin, ang mga
sakit ng tao ay lumalabas kapag sila ay matatanda na. Samatalang sa panahon na
ito, pabata nang pabata ang mga taong nagkakaroon ng diabetes. Kaya naman,
talagang maaaring may kinalaman ang pag-inom ng softdrinks at juice na nasa
lata.
Sa mga bata at teenagers na nagpasuri, napag-alaman na sa
kanilang urine test ay mayroong phthalate, ito ay karaniwan lamang na
matatagpuan sa plastic o lata ng softdrinks at juice. Para
kasi maging maayos ang pagsasara ng softdrinks ay may kemikal silang ginagamit
upang ma-close itong tuluyan. Kung mabibili na ang softdrinks na nasa lata ay bubuksan
na ito at tutunggain. Kaya naman, talagang makukuha ng umiinom ang sangkap na
ginamit para maisara ang lata.
Ayon sa Centers for Disease Control and Protection, one of
six US
children ay masasabi ng obese at ang tinuturong dahilan ay ang pag-inom ng
softdrinks sa lata.
Ikaw, hahayaan mo bang maging lumba-lumba ang inyong anak? Aba kung ayaw mo, paganahin mo rin ang iyong malikhaing pag-iisip mo para maitaktak mo sa isipan mo kung bakit pataba ka ng pataba.
Naku, mahilig pa naman akong mag-coke in can. Patay!
TumugonBurahinKaya, hinay-hinay lang, okay?
Burahin