Ipinapakita ang mga post na may etiketa na about science. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na about science. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Agosto 10, 2014

PAGPUNTA SA MARS, MAS MAINAM KAYSA MAGPAKAMATAY

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin


MARAMI man tayong kinakaharap na problema, kailangan pa rin nating tandaan na masarap mabuhay. Nagagawa nating gawin ang mga nais nating gawin at nakakaramdam tayo ng kasiyahan. Iyon nga lamang, may pagkakataon na kailangan nating umiyak. Gayunman, hindi ito dahilan para tayo’y sumuko. Dapat nga ay maging  dahilan iyon para tayo ay maging matapang.
Nakalulungkot lang isipin na may mga tao na nawawalan ng pag-asa kapag sila ay nagkakaproblema. Karamihan pa nga sa kanila ay nababaliw o naiisipang magpakamatay. Ang dahilan nila, ibig nilang takasan ang kanilang problema. Ngunit, magagawa nga ba nila itong takasan? Hah, sure ako na hindi. Kahit naman kasi mawala na sila sa mundo na ito, alam kong hindi pa rin sila matatahimik. Sabi nga, hindi makakapasok sa pintuan ng langit ang mga nagpakamatay.
Ikaw, paano mo solusyunan ang iyong problema?

Sana ay huwag mong gayahin ang mga taong nagpapatiwakal. Kailangan ay labanan mo ang lahat ng problemang dumarating sa’yong buhay. Sabi nga, lahat naman ng problema ay mayroong solusyon. Kaya, ang problema ay iyong solusyunan. Kung sakali na gusto mo talagang tumakas sa mundong ito, makabubuting basahin mo ang artikulo na ito. Sa pamamagitan kasi nito ay mabibigyan kita ng ideya kung saan lugar maaaring pumunta.
Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko na maaari ka palang bumili ng ticket papunta sa Mars. Katunayan, mayroon ng 200,000 katao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nag-apply para makarating sa Red Planet.
O, hindi ba, mas okay na umalis ka na lang sa mundo na ito ng buhay kaysa naman magpakamatay ka. Aba, ang buhay mo ang pinakamagandang regalo ni God sa’yo kaya huwag mong balewalain. Mahiya ka naman sa mga tao na mayroong kapansanan at matinding karamdaman pero nagpipilit pa rin lumaban para madugtungan ang kanilang buhay. Sana rin ay maisip mo ang pamilya mo na labis na nagmamahal sa’yo at nasasaktan dahil hindi mo sila pinahahalagahan. Gayunman, buhay mo ‘yan, kaya ikaw ang magdesisyon para sa’yong sarili.
O, nais mo bang magpunta sa Mars?
Kung talagang ayaw mo ng makita ang mga taong nagmamahal sa’yo at nagsasawa ka ng mabuhay sa ating mundo, maiging magpunta ka nga sa Mars. Iyon nga lang, kailangan mong tandaan na kapag umalis ka na sa ating mundo ay hindi ka na makababalik pa. Ang mga tao kasing maaaprubahan na makapunta sa Mars ay hindi na makababalik pa dito. Dahil mananatili ka na roon hanggang sa’yong kamatayan.
Huwag mo na rin alalahanin pa ang mga tao na iyong maiiwan dahil kahit wala ka naman sa mundong ito ay makikita ka pa rin nila.
Ang 24 to 40 tao na maaaprubahang makarating sa Mars ay ipapalabas sa TV kaya naman pati ang kamatayan mo ay masasaksihan din nila.
O, handa ka na bang gugulin ang buong buhay mo sa Mars. Alalahanin mo, ang init doon ay nasa 150 C.
Ngayon kung ready ka na talaga, magkakaroon ng 7 year training program na mag-uumpisa sa 2015. Pagnakapasa ka na roon ay magkakaroon ka ng interview sa mga miyembro ng Mars One, sila iyong magpapadala ng mga tao sa Mars. At pagkatapoos ay may iba’t ibang challenge kang kakaharapin kasama ang ilan pang napili.
O, handa ka na bang makipagtunggali sa iba pang tao na sabik ding iwanan an gating mundo?



MICROSCOPIC LENS, NASA CP NA!

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin


WOW, maaari ng magkaroon ng microscope ang iyong cellphone, sabi sa pagsasaliksik.
Bagamat mayroong camera ang ating cellphone, hindi pa rin ito sapat para mapagmasdan mo ng mabuti ang isang bagay. O ang isang napakaliit na bagay. Kaya, wala kang ideya kung gaano nga ba iyong karumi o kaliit. Kaya naman naisipan ng isang graduate na mag-imbento ng isang microscopic lens at ilagay sa cellphone.
Naniniwala siya na marami ang magkakainteres sa lens na ito. Likas naman naman kasi sa mga tao ang maging mapagtuklas at karamihan sa atin ang naniniwala na sadyang makakatulong ang microscopic lens na ito sa pagtuklas natin sa mga bagay-bagay.

Kung titingnan mo ang isang barya ay tila isang ordinaryong bagay lang. Bagamat alam natin na marumi ang pera, parang hindi naman natin ito gaanong pinaniniwalaan. Kung minsan nga ay enjoy na enjoy pa tayo sa paghawak ng barya o kaya ay pagbibilang ng barya. Paano, ang ibig sabihin nito ay marami tayong mabibili.
Kaya naman, marami ang madalas magkasakit. Wala kasi silang ideya kung gaano karumi ang kanilang mga hinahawakan. Kahit naman kasi kunan mo ng camera ang isang bagay, hindi mo makikita roon ang mga germ na madali mong makita kung ang gamit mo ay isang microscopic lens.
O, nais mo bang magkaroon ka ng microscopic lens na ito sa’yong cellphone?
Kung nais mong makita ang lahat ng dumi na nasa isang bagay, makabubuting lagyan mo ng ganito ang iyong cellphone. Tiyak na sa pamamagitan noon ay magdadalawang-isip ka na kung patatagalin mo pa ang paghawak sa barya kung agad mong makikita na super nakakadiri ito. Ang Micro Phone Lens na ito ay inimbento ng 22 taong gulang na si Thomas Larson, taga-Seattle. Tapos na siya ng Mechanical Engineering sa University of Washington.
Kung nais mong magkaroon nito sa’yong cp, ang presyo nito ay nasa P600. Maaaring sa ibang tao ay may kamahalan nga ito subalit kung susuriin mo namang mabuti ay malaki ang maitutulong niyon sa’yo. Kung makikita mo agad na napakarumi ng isang bagay, siguradong hindi mo na kukunin. At kung kukunin mo man, siguradong maghahagilap ka agad ng tubig at sabon o kaya ay alcohol para matiyak mong mapupuksa nito ang germs na nasa iyong kamay.
Ang lens naman na ito ay mayroong platinum catalyzed silicone, isa itong sticky material na maaaring hugasan ng sabon at tubig. Huwag kang mag-alala, hindi ito masisira sa sabon at tubig kaya talagang kapaki-pakinabang ito.
O, gugustuhin mo bang magkaroon nito?




Huwebes, Agosto 7, 2014

LASER TOYS, NAKABUBULAG!


Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

IBIG natin na mapasaya ang ating mga anak, kaya naman lahat ng gusto nila ay aking ibinibigay. Kung kaya rin lang natin siyempre. Sabi nga, minsan lang maging bata ang tao kaya naman lahat ng laruan ay gusto nating ibigay sa kanila. Sa pamamagitan kasi noon ay magagawa nilang masiyahan.

Ngunit, hindi dapat lahat laruan ay ipagkaloob natin sa kanila. May mga laruan kasi na makasasama sa kanila. Kaya, kung sobra kang nag-aalala sa’yong anak, kailangan mong alamin kung anong laruan ang hindi dapat na ibigay sa kanila.
Sa pag-aaral kasi ay napag-alaman na ang mga umiilaw na laruan na mayroong laser toys  o umiilaw ay makasasama sa kanila. Maaari raw kasi silang mabulag.
Sabi nga ng US Food and drug Admisnistration (FDA) ang mga laruan na mayroong lightsabers at spinning tops (trumpo) ay  mayroong p[owerful lasers na maaaring makapinsala sa ating mata.
O, hindi ba, kapag tinititigan mo ang espadang umiilaw, baril-barilan na umiilaw at kung anu-ano pang umiilaw na laruan ay nakakaramdam ng kakaibang sakit ang iyong mga mata. Hindi natin iyon gaanong pinapansin subalit maaari iyong makabulag.
Isipin mo na lamang, kung ikaw na sandali lang napatitig sa mga laruang iyon, paano pa ang mga bata na nakatutok ang mata sa umiilaw nilang laruan.
Sabi nga ni Dan Hewett, health promotion officer ng FDA Center for Devices and Radiological Health, hindi dapat tingnan ng tao o  hayop ang umiilaw na laruan ng diretso.

Sana sa pamamagitan ng artikulo na ito ay nagawa kong maipamulat sa ilang magulang na hindi dapat na laging bigyan ng umiilaw na laruan ang anak lalo na’t hindi pa ito marunong sumunod. Okay lang sana kung ang laruan ay may sapat na proteksyon para hindi mapinsala ang kanilang mga mata. Kung may isip na naman ang bata, ipaliwanag mo na lang sa kanya na hindi porke maganda ang ilaw ng kanyang laruan ay dapat niyang laging titigan. Siguro naman ay magagawa rin niyang makaunawa kung sasabihin mo na masama sa mata ang labis na pagtitig sa umiilaw na laruan. 

APPLICATION SA IPHONE, MALALAMAN MO KUNG GAANO KA KAGALING SA KAMA

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.

SA sampung taong kong pagiging manunulat, alam kong ang favorite topic  ng ating mga kababayan ay tungkol sa dyug. Oh, aminin! Bawal ang plastik. He-he-he.  Anyway, ito ang topic natin for today.


Dahil sa in na in  na ngayon ang Iphone kung anu-ano ng application na rin ang naida-download sa Iphone. Hindi lang naman kasi businessperson ang gumagamit nito, maging ang ordinaryong empleyado at mga estudyante. Ooopps, huwag ka ng magtaka kung pati ang mga empleyado na hindi naman kalakihan ang sahod ay nakabibili nito, siyempre, mayroon namang credit cards. Saka, sa panahon ngayon ay hindi na rin kamahalan ang Iphone dahil nga marami ng bagong gadgets ang lumalabas.
Ang gusto kong sabihin, sa rami ng gumagamit ng Iphone, kailangan magkaroon lagi ng bagong software para naman masiyahan ang mga gumagamit ng Iphone. Iyon nga lang, may mga software sa Iphone na kailangang bayaran. Sabi nga, sa panahon ngayon, bihira na ang libre.
Kung ikaw ay isang Iphone User, mag-iisip ka muna ng maraming beses kung karapat-dapat bang i-download sa phone mo ang software na iyon. Sa hirap naman kasi ng buhay ngayon, siguradong kailangan mo munang pag-isipan ang lahat, bago ka mag-purchase. Ngunit, kung ikaw ay may asawa, mahilig sa sex at gustung-gusto mong mapasaya ang iyong partner o kaya naman ay ibig mong marinig ang iyong halinghing. Opps, excuse me for the word pero iyon ang bagong application ngayon sa Iphone ay malalaman mo kung gaano ka kagaling sa kamay. Ang Iphone application na ito ay tinatawag na Spreadsheet.
‘Oh’, ‘ah’ ang madalas na winiwika kapag nakikipagtalik. Ngunit, para sa iyong partner, mas malakas na halinghing ay mas okay. Sa pamamagitan kasi nito ay mas gaganahan ka sa pakikipag-dyug. Kaya naman kung ikaw ay misis na nais mong mapaligaya ang iyong mister, kailangan mong siguraduhin na malakas ang iyong halinghing. Siyempre, nais mo ngang mapaligaya ng sobra-sobra si mister, di ba?
Sa application na ito ay malalaman mo kung gaano katagal ang inyong pagniniig, kung gaano ka napapahiyaw sa bawat galaw ng iyong partner. Sa pamamagitan nito ay magagawa mong malaman kung gaano mo siya napapasaya. Kung hindi ka naman satisfied sa performance mo sa kama ay magagawa mo itong pagbutihin sa susunod. Iyan, ay kung talagang gusto mong mag-imporove ha.
O, nais mo bang mapaligaya ang iyong partner?
Kung nais mo, grad mo na ang opportunity na ito. Kung nais mo nga lang maaman kung paano mo mapapaligaya ang iyong partner, try mo na ang Spreadsheet. Mas okay ito kaysa naman i-record pa ninyo ang pakikipagtalik mo sa’yong partner. Sige ka, may tendensiya pa na kumalat ang iyong sex video.



MISIS, NAGAWA PANG MABUNTIS NG YUMAONG MISTER

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

OH my Gulay, hindi ko talaga napigilan ang labis na mamangha ng mabasa ko ang artikulo na ito kaya naisipan kong ibahagi sa inyo. Isang British woman ang dumayo sa Europe para sa IVF. Nais kasi niyang mabuntis muli  kaya kailangan niyang ilagay sa kanyang katawan ang sperm ng yumao niyang mister.
Kung mayroon kang minamahal, hindi ba siya lang ang naiisip mong makasama sa habambuhay. Siya lang din ang tanging tao na gugustuhin mo na maging ama o ina ng iyong magiging anak. Iyon nga lang kung minsan mapaglaro ang kapalaran. Tulad ng businessman na si  Diane Blood, na-coma  ang kanyang mister na si Stephen at hindi niya iyon matanggap. Ngunit, kahit naman ano ang pagngawa ang gawin niya ay hindi na  muli pang magigising ang kanyang asawa.
Bigla tuloy  naisip niya n asana ay magkaroon pa sila ng isa pang anak. At alam niyang magagawa niya iyong matupad dahil sa tulong ng IVF. Kaya naman habang hindi pa humihinto ang tibok ng puso ng kanyang mister ay naisipan niyang kumuha ng sperm sa katawan nito.

Against man sa UK law  ang kumuha ng sperm cell sa katawan ng lalaki na wala itong written consent para gamitin sa IVF, nagawa rin makakuha ng consent si Diane at naaprubahan iyon sa kanilang bansa. Bukod kasi sa asawa naman niya ang lalaking kukuhanan niya ng sperm cell ay makikita ang determinasyon niya na magkaroon pa sila ng isa pang anak.
Ang Human Fertilization and Embryology (HFEA) ay hindi na nagawang kontrahin ang gusto ni Diane. Marahil ay nakikita rin nila sa mata ng babae ang labis na pagmamahal sa kanyang asawa.
Iyon nga lang, hindi naipangako ng doctor na mabubuntis siya ng ng hundred percent dahil  nang kuhanin sa katawan ng mister niya ang sperm na iyon ay nasa coma na ito. Gayunman, nanalig pa rin siya na masusundan pa ang kanilang panganay. At himala ngang nagawa pa niyang mabuntis matapos siyang IVF.
Ah, talaga ngang maraming kakaibang nangyayari sa mundo na ito talagang kamangha-mangha ngunit dahil sa tulong ng siyensiya ay nagkakaroon ito ng katuparan. Marahil nga ay ipinagkaloob na rin ni God na mabigyan pa siya ng ikalawang anak gamit ang sperm cell ng  ng kanyang  yumaong asawa. Nabuntis kasi siya matapos mawala ng tuluyan si Stephen sa mundong ito.




My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...