Lunes, Mayo 1, 2017

PARAAN PARA MAWALAN NG GANA KUMAIN, ALAMIN!

AYON sa malikhaing pag-iisip ng mga scientist, ang paggamit ng pulang plato ay paraan para mabawasan ang gana mo sa pagkain.

Siguro naman ay umaayon ka kung sasabihin kong kaya tayo tumataba ay dahil hindi natin mapigilan ang pagkain ng marami lalo na kung masarap ang ulam. Dahilan, kaya naiisantabi natin ang pagdidiyeta. So, nanganganib na naman ang ating figure at hindi ito nararapat.
Mahirap maging mataba! Ito ang sigaw ng matataba. Dahil kasi dito, nahihirapan silang kumilos ng mabilis at kapag napapagod sila ay dumadagundong ang kanilang dibdib. Parang nakikipaghabulan sa monster.
So, gusto mo na bang pumayat?
Tiyak na oo ang isasagot mo kaya nga lang mahihirapan kang gawin ito kung maraming pagkain sa inyong ref o kaya naman marami pang perang pambili ng pagkain. Tapos, gusto mo pa doon sa unlimited rice o kaya sa one to sawa ang pagkain.
So, kung ganoon nga ang ginagawa mo, paano ka papayat? Siyempre, kakalimutan mo muna ang pagda-diet mo dahil masarap nga ang kumain. Pero, sa isang bahagi ng iyong isipan, alam kong gugustuhin mo na rin ang pumayat.
Kung ganoon, kailangan mong malaman ang technique kung paano ka mawalan ng gana kumain.
Kaya sa pagsasaliksik ni Dr. Charles Spence, professor ng Experimental psychology ng University of Oxford, ang paggamit daw ng red plate o pulang plato ay paraan para konti lang ang makain natin. Samantalang ang paggamit naman ng puting plato ay parang tinatawag tayong kumain nang kumain ng dessert.
Ikaw ba, hindi mo ito napapansin?
Maging mapagmatyag ka at malalaman mo rin ang pagkakaiba ng gana mo kapag gumagamit ka ng pula o puting plato.

1 komento:

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...