Biyernes, Agosto 9, 2013

PAGPUPUYAT, NAKAKABAOG

OH my Gulay, kapag pala kulang sa tulog ang mga lalaki, maaari silang mabaog. Naku po, siguradong bad news ito sa mga guys na mahilig sa nightlife.
Para sa  mga  lalaki lalo na sa mga may asawa, ang anak ay  parang trophy. Pakiramdam nila ay may silbi sila sa mundong ito kung magkakaroon siya ng junior o prinsesa. Kaya naman kung minsan kahit anak lang nila ito sa pagkabinata ay mahal na mahal pa rin nila ito. Maliban na lang siguro kung ang isang lalaki ay masasabing walang kuwenta, na walang ibang mahal kundi ang kanyang sarili. Gayunman, sa pagdating ng tamang panahon ay siguradong mari-realize din nila ang kanilang pagkakamali.
O, gusto mo bang magkaanak?
Hindi naman kasi porke gusto mong magkaanak ay magkakaanak ka na. Siyempre kailangan mo ring magplano. Sino ba ang magiging ina ng iyong anak? Handa ka na ba talagang maging ama? Nakalulungkot lamang isipin na kahit na gustung-gusto mong maging ama, pupuwedeng hindi ito matupad kung parati kang magpupuyat.
Sa pag-aaral kasi ay napagtanto na kapag kulang sa tulog lalaki ay maaaring bumaba ang kanilang sperm count. Kaya naman kung ang isang binatilyo ay mahilig magpuyat dahil nais nilang parting magkaroon ng kanilang night life o mayroon silang insomia, maaaring manganib ang kanilang sperm count. Sa pamamagitan noon ay mapupurnada ang ambisyon nilang magkaroon ng kung ilang anak.
O, mahilig ka bang magpuyat?
Kung nais mo na magkaroon ng malusog na katawan, hinding-hindi mo nanaisin na magpuyat. Kung sa palagay mo ay hindi ka makatulog, makabubuti na ipikit mo na lamang ang iyong mga mata ay mahiga. Tiyak naman na darating din ang oras na makakatulog ka.
Samantalang kung babangon ka sa’yong higaan at manonood ng tv, mahihirapan ka na talagang makatulog. Kung ganoon ka parati, aba, magkakaroon ka na ng unhealthy life style. Kung masasanay kasi nang masasanay ang katawan mo na  kulang ka sa tulog, tiyak na kahit gustuhin mong matulog nang maaga ay hindi mo na magagawa.
Sabi nga, hindi naman porke ngayon ka nagtanim ay ngayon ka rin aani. Siyempre, magbibilang ka pa ng mahabang panahon bago mo ma-realize na mali ang ginawa mong pagpupuyat.
Sana ang teenagers ngayon ay hindi balewalain ang ganitong pag-aaral, tiyak kasi na sa huli ay pagsisisihan din nila ang masyado nilang pagpupuyat. Makabubuti talagang may oras sa pagtulong para fresh lagi ang iyong utak at pakiramdam.
O, nagpupuyat ka ba?
Kung gusto mong magkaanak pagdating ng takdang araw, matulog ka ng maaga.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...