AYON sa pag-aaral,
ang labis na pag-inom ng gatas at matatamis ay nakaka-acne.
Yak, hindi natin mapigilan ang mapangiwi kapag nakikita
natin na ang isang tao ay mayroong sandamakmak na pimples. Ibig kasing sabihin
nito ay mayroon siyang acne kaya naman ang balat niya ay pulang-pula at may
malalaking tagyawat. Pakiwari nga natin minsan ay isa siyang monster dahil sa
tingin natin ay napakapangit niyang nilalang. Ang mga tao naman na mayroong acne
ay tila hindi na makatingin ng tuwid sa mga tao dahil alam nila na marami ang
nandidiri sa kanila. Pakiwari kasi nila ay mayroon silang sakit na nakakahawa.
Kung iyong pagmamasdan, ang kalimitang nagkakaroon ng acne
ay ang mga teenagers. Kaya naman, nawawalan sila ng self-confidence. Sa
kanilang hitsura kasi ay tila napakaimposible na magustuhan pa sila ng kanilang
crush.
Pero, bakit nga ba may mga tao na tinutubuan ng ganitong
sakit gayung ang mga magulang naman nila ay makikinis. Maging ang kanilang mga
nakakatandang kapatid at mga pinsan ay okay naman ang hitsura.
Ayon sa pagsasaliksik, ang mga taong tinutubuan ng ganitong
sakit ay iyong mahihilig na uminom ng gatas at kumain ng iba pang matatamis na
pagkain.
Kapag nakikita natin na namamapak ng asukal at panay ang
kain ng chocolate at cake ang isang tao,
ang agad nating sasabihin sa kanya ay maaari silang magkaroon ng diabetes. Wala
sa hinagap natin na maaari rin palang maging dahilan ito para magkaroon sila ng
acne.
Sa 50 taon na pag-aaral ay napagtanto na ang mga pagkain na
may high glycaemic index ay maaaring maging dahilan para magka acne ang isang
tao.
O, ayaw mo bang magkaroon ng acne?
Kung ayaw mo na magkaroon ng nakakarinding hitsura,
kinakailangan mong bawasan ang pagkain ng matatamis. Kapag kasi an gating kutis
ay nagkaroon ng maraming sebum ay maaaring ma-build up ang mga dead skin cells.
Dahil doon ay maaari iyong bumara sa
ating balat. Kungganoon ay mata trap ang mga pawis sa ating pisngi na magiging
dahilan upang mangati ang ating pisngi. At ang magiging resulta noon ay
magkakaroon ng acne ang isang tao o sandamakmak na pimples.
Hindi natin gugustuhin na ang anak natin ay magkaroon ng
ganitong problema sa balat. Sigurado kasing bababa ng husto ang kanilang
self-confidence, magkakaroon pa sila ng depresyon kapag nakaranas sila ng
insulto buhat sa ibang tao o sa mga nagugustuhan nila. Kungganoon, mawawalan
sila ng tiwala sa kanilang sarili na magiging dahilan pa para sila ay mabigo.
Kaya, bilang magulang, kailangan mong awatin ang iyong anak
sa labis na pag-inom ng gatas at pagkain ng matatamis dahil maaaring maglaho
ang kanilang kaguwapuhan o kagandahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento