Miyerkules, Setyembre 28, 2022

Teaser: Mister ng Utangera ang Mafia King

Utang ang dahilan kaya napapayag ni Dr. Storm Davis si Judith Dimaculangan na magpanggap na fiancee niya. Ang Lola Anastacia kasi niya gusto siyang mag-asawa na gayung hindi siya naniniwala sa pag-ibig kaya't para matigil na ang pangungulit sa kanya ng kanyang lola, naisipan niyang ipakilala rito si Judith bilang soon to be mapapangasawa niya. Ngunit, hindi niya goal na magustuhan ng lola niya si Judith kundi para sabihin ng lola niya ba 'ayoko sa kanya para sa'yo'. 



Ngunit, kabaligtaran ang nangyari. 
"I like you, iha," wika ng kanyang Lola Anastacia. 
Pero, hindi pa doon nagtapos ang pagkabigla niya. 
"I like you para sa apo kong si Jiwan."
"No way," mariin niyang sabi nang marinig ang pangalan ng kapatid sa ina. Hinding-hindi makukuha ni Jiwan sa kanya si Judith, papakasalan na niya ito ASAP. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...