Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
AYON sa malikhaing pag-iisip ng mga mananaliksik, mas effective sa mga may katabaan ang pagi-exercise ng kalahating oras kaysa patagalin pa nila ito ng isang oras.
Para sa mga babaeng determinado na manatili silang seksi,
maiging nag-eehersisyo sila ng isang oras upang tuluyang ma-burn ang kanilang
taba. Kayang-kaya naman nilang kontrolin ang kanilang sarili sa pagkain. Kung
mapapagod nga sila ay mas gugustuhin pa nila ang magpahinga kaysa kumain. At
kung kakain man sila, sisiguraduhin nila na masusuntansiya ang kanilang
kakainin. Ibig nila na magkaroon ng magandang katawan at kaakit-akin na kutis
kaya naman, prutas at gulay ang karaniwan nilang kinakain.
Samantalang, ang mga sanay na kumain naman, ay agad
naghahanap ng ref at restaurant kapag natapos silang mag-ehersisyo. Pakiramdam
kasi nila ay hinang-hina sila at ang paraan lang para makabawi sila ng lakas ay
kumain nang kumain. Kaya naman, nawawalan ng bias ang pag-eehersisyo nila ng
isang oras. Samantalang kung 30 minutes lang silang mag-eehersisyo ay hindi
sila makakaramdam ng sobrang pagod.
Kaya naman sa pagsasaliksik na isinagawa ng mga mananaliksik
sa University of Copenhagen , ay napag-alaman na kapag mas maikli ang
pag-eehersisyo ay mas epektibo. Mas masaya pa ang mga nag-exercise dahil hindi
sila gaanong napagod kaya naman, nagagawa pa nilang makapag-smile ng husto.
Sabi ni Professor
Bente Stallknecht, ng University Department of Biomedical Sciences, ang sobrang
katabaan ay isang problema na kung hindi ka magiging disiplinado ay hindi ka
magiging matagumpay sa layunin mong magpapayat.
Kaya, makabubuti
talaga kung hindi ka magpapakapagod sa pag-eehersisyo. Kapag naramdaman mo kasi
na nawawalan ka ng lakas, siguradong maghahagilap ka agad ng pagkain.
Kungganoon ang gagawin mo, para ano pa at nag-ehersisyo ka.
Slowly but
surely, ito ang pinakamabuting gawin ng mga gustong magpapayat. Partikular na
iyong mga nag-uumpisa pa lamang mag-ehersisyo. Ngunit, kailangan kapag 30
minutes na ehersisyo ang iyong gagawin ay gagawin mo ito araw-araw. Para naman ang mga kinain mo moong nagdaang araw ay
tuluyang mawala.
O, exercise na?
Promise, 30 minutes lang ang kailangan mo at siguradong papayat ka pagkalipas
ng isang buwan. Basta, huwag ka madaya, okay?
kaya pala hindi epiktib ang pagpapapyat ko kasi lagpas isanh oras ang pag eexercise ko❗
TumugonBurahinKapag daw kasi mas matagal, mas marami ring makakain.
TumugonBurahin