,

Miyerkules, Mayo 3, 2017

TIPS PARA MALAMN KUNG SIYA NA ANG 'DA ONE

BAWAT babae ay nais na magkaroon ng perfect guy para maipaglaki niya ito sa kahit sino. Ngunit, kadalasan, ang basehan lamang niya ay ang pisikal na anyo ng isang lalaki, kaya naman madalas ay umuuwi lang siyang luhaan.

Uy girls, hindi lang pisikal na anyo ang dapat mong maging basehan. Kailangan din ay alam mo kung paano nga ba siya sa’yo ay makitungo. Sa pamamagitan noon ay masasabi mo sa’yong sarili na ‘yes, siya na ang lalaki para sa akin.’

Heto bibigyan kita ng tips para malaman mo na siya na talaga ang ‘da one’ para sa’yo. Dahil ganito ang mga lalaki na tunay na nagmamahal kaya lagi mong isaksak sa malikhaing pag-iisip mo. .

1.May tiwala siya sa’yo – Hindi naman siyempre lagi kayong magkasama. May pagkakataon pa rin na kalian ninyong maghiwalay. Siyempre, kapag uuwi na kayo sa kanya-kanya ninyong bahay, kung mayroon kang kailangang lakarin na hindi siya kasama. Kung talagang mahal ka niya, hindi niya iisipin na makikipag-flirt ka sa iba kapag wala siya.

2.Sinusuportahan ka niya – Siyempre, tiyak naman na mayroon kang pangarap sa’yong buhay. Kaya, kung talagang mahal na mahal ka ng iyong boyfriend, bawat naisin mo ay nandiyan lang siya sa tabi mo para palakasin ang iyong loob.

3.Ipinapadama niya lagi sa’yo ang kanyang pagmamahal – Hindi lang siyempre dahil sa gusting-gusto niyang niyayakap ka o hinahalikan. Kahit naman walang halong kamanyahkan ay maipapadama pa rin niya sa’yo ang kanyang pagmamahal. Paano niya magagawa iyon, aalalayan ka niya lagi, mararamdaman mo ang mga pag-aalala niya.

4.Updated siya lagi sa nangyayari sa buhay mo – Kahit naman may kanya-kanya kayong responsibilidad sa buhay, kailangan ay may time pa rin siya na makipagkuwentuhan sa’yo. Kahit once o twice a week lang ay lumabas kayo at mag-bonding. Sa pamamagitan noon ay mararamdaman mo na mahal na mahal ka pa rin niya kahit sankaterba na ang kanyang ginagawa.

5. Marunong siyang tumupad sa kanyang pangako – Dapat kahit na anong mangyari, hangga’t sa makakaya niya ay magagawa niyang panindigan ang pangakong bitiwan niya sa’yo. Ang tunay na lalaki, hindi nagbibitaw ng pangako kundi niya kayang panindigan.

6. Hindi niya gugustuhing makita kang umiyak – Kungganoon, hindi siya gagawa ng rason para paiyakin ka. Ang tanging magagawa lamang niya ay iyong makipakita at maiparamdam niya sa’yo kung gaano ka niya kamahal.

7. Hahayaan niya na magdesisyon ka para sa’yong sarili – Kahit naman kasi magkarelasyon kayo, hindi ka pa rin niya maaaring kontrolin dahil hindi iyon senyales na minamahal ka niya.

8. Siya siyempre ang iyong magiging tagapagtanggol – Kung talagang mahal ka niya, hindi ka niya hahayaan na masaktan ninuman. Siya ang magiging knight in shining armour mo.

9.Never ka niyang babastusin – Sa salita o sa gawa, hindi siya lalagpas sa inyong limitasyon. Ganoon ang lalaking nagmamahal, hindi nagti-take advantage. Kahit sa kanyang sarili, magagawa ka pa rin niyang protektahan.

10. May pangarap siya para sa inyong dalawa – Siyempre, ngayon pa lang ay dapat nasasabi na niya kung ano ba ang nakikita niyang future ninyo. Doon ay mararamdaman mo na talagang seryoso siya sa’yo.



O, ganoon ba ang boyfriend mo sa’yo?

1 komento:

  1. Hindi porke pogi siya na, kailangan ay alamin mo rin kung seryoso siya sa'yo. Kapag inalok ka niya ng kasal, doon mo malalaman kung seryoso siya sa'yo.

    TumugonBurahin