Ipinapakita ang mga post na may etiketa na about psychology. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na about psychology. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Marso 9, 2016

MGA TAONG SINUNGALING, BUKING SA KANILANG KILOS AT PANANALITA



EYES are the window of the soul.  Sabi, tumingin ka lang sa mata ng isang tao at malalaman mo na kung siya ba ay nagsisinungaling o hindi.  Kung hindi ito makatingin ng diretso, tiyak na mayroon itong itinatago.  Kaya naman, ang agad nating iisipin ay hindi siya nagsasabi ng totoo.  Ngunit, sa panahon ngayon, mahirap ng malaman kung ang isang tao ay sinungaling o hindi. 

May mga taong nadu-dugu-dugo gang. Ibig sabihin, naloloko. Sa pagtitig kasi nila sa mga mata ng taong ito ay nagagawa niyang maging sunud-sunuran dito. Kaya naman, ang ending, sila ay nananakawan o nahu-hold up. Kaya nga lang, walang makakaalam na nasa ganoong sitwasyon pala sila dahil sa nasa ilalim sila ng kung anong kapangyarihan. Nahi-hypnotize kasi sila.
Ikaw, nagagawa mo bang magsinungaling?
Hay naku, napakahirap naman talaga para sa isang tao na sabihin kung siya ba ay sinungaling o hindi kung minsan kahit nagsisinungaling siya, nagagawa pa rin niyang idikdik sa kanyang sarili na nagsasabi siya ng totoo.  Kaya. sa malikhaing pag-iisip mo, tandaang kapag ang isang tao ay mayroong autism o Alzheimer’s, hindi nila nagagawang paghiwalayin ang katotohanan sa gawa-gawa lang.
Gayunman, kung gagamitin mo lang ang iyong talino ay makukuha mong malaman kung ang kaharap mo ba ay nagsisinungaling. Ang kailangan mo lang gawin ay pakinggan ang kanyang tinig. Kapag nahimigan mong ang boses niya ay may kalangkap na pang-uuyam, tiyak na siya ay nagsisinungaling , May mga pagkakataon kasi na ibig lang niyang makapagyabang.
Kaya naman para makatulong ang Montreal researchers, nagpakita sila ng videos kung saan madi-detect mo talaga ang mga tao na nagsisinungaling. Kaya para hindi ka maloko, tandaan mo ang ilang detalye na ito. Sa hitsura pa lang kasi ng isang tao, kahit kapani-paniwala ang kanyang sinasabi ay makikita mo na kung siya ay nagloloko o hindi. Siyempre, tumitirik-tirik ang kanilang mga mata at pangisi-ngisi siya. Samantalang ang taong seryoso sa kanyang sinasabi, mararamdaman mo kanyang katapatan.
Kaya kung ayaw mong mabiktima ng mga taong manloloko, kailangan ay pagmasdan mo rin kung paano siya kumilos at magsalita. Kahit na gaano pa siya kagaling magsinungaling, tiyak na mabubuking mo siya.
O, ikaw, liar ka ba? 

PAGSABI NG ‘WAIT’ SA BATA, HINDI NAKAKATULONG SA PAG-IMPROVE NG KANILANG SELF CONTROL




AYON sa pagsasaliksik, hindi nakakatulong sa bata‘yong iyong pagpapahintay o iyong pagsasabi lagi ng 'wait'. 
Sa wikang ingles, sinasabing patience is a virtue. Sa tagalog naman, kapag may tiyaga ay may nilaga. Ibig sabihin, lahat ng bagay ay makakamtan natin sa tamang panahon tulad nina Alden at Yaya Dub kaya mas matamis ang tagumpay ng kanilang lovestory dahil katakot-takot ang kanilang pinagdaanan. Kung hindi kasi nagtiyaga ng husto si Alden sa mga ‘pagpapahirap’ sa kanya ni Lola Nidora, siguradong hindi bebenta ang kanilang lovestory.
Ngunit, bakit nga ba sinasabi sa pag-aaral na hindi naman daw nag-i-improve ang self-control ng mga bata kapag sinasabi natin na maghintay sila ng right time? Heto ang sagot ng mga mayroong malikhaing pag-iisip na talaga namang nagsaliksik para makamit natin ang kasagutang ating hinahanap. Kung minsan kasi ay nakakaramdam pa ng hinanakit ang bata kapag hindi agad ibinigay sa kanila ang mga bagay na kanilang nagustuhan. Ang iisipin pa niya ay kinakawawa siya. Kaya naman sa halip na maghintay na lang siya tulad ng nais mong ipagawa sa kanya, gugustuhin niyang tumakbo na lang o magdamdam.
Sa pagsasaliksik na isinagawa ng University of Colorado Boulder, kaya madalas na sabihin ng mga magulang sa kanilang anak ang katagang ‘wait’ dahil sa gusto nilang mag-improve pa ang self-control ng mga ito. Naniniwala kasi sila na kung makapagtitiyagang maghintay ang kanilang anak, madali na silang matututunan ang pagtitiyaga.
Ngunit, bilang mga magulang, alam mo rin dapat kung effective nga ba ang gusto mong ipagawa sa kanya dahil kalimitan ay maaari ka ring sumablay.
Hindi naman kasi porke inawat mo siya sa pagkain ng chocolate o ‘di kaya naman sa panonood ng tv at magbibigay ka sa kanya ng takdang oras kung kailan ka lang dapat na manood ay magiging matiyaga na siyang maghintay. Kung makakakita kasi siya ng pagkakataon ay maaari rin niyang suwayin ang iyong gusto. Samantalang kung ang gagawin mo ay ipapaliwanag sa kanya ang dahilan mo kung bakit kailangan mo siyang paghintayin, magagawa ka rin naman niyang sundin. Kaya kung nais mong maging maayos ang lahat, makabubuting kausapin mo ng mabuti ang iyong anak. Mas magiging responsable kasi  siya kung ipapaliwanag mo sa kanya ng husto ang kabutihang magagawa sa kanya kapag nagawa niyang magtiyaga.

Linggo, Agosto 10, 2014

Mga sinungaling na karelasyon… BUKING, KAPAG MATAGAL MAG-REPLY

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


AYON sa pagsasaliksik, mabubuking mo ang iyong asawa, BF o GF na nagsisinungaling siya sa’yo kapag matagal siyang mag-reply sa’yong text.
O, hindi ba, napakadali lang naman sumagot ng yes or no. Ngunit, para sa ibang tao, partikular na sa isang karelasyon, tila hirap na hirap siyang sagutin ang simpleng tanong. Ang rason, maari kang kapag sinagot niya ang iyong tanong ay maaaring magwakas ang inyong relasyon o kaya naman ay mabuking ka niyang mayroon kang ginagawang kalokohan.
Sabi ng marami, para raw malaman mo kung nagsasabi ng totoo ang isang tao ay titigan mo siya sa mga mata. Ngunit, paano naman kung hindi mo siya kaharap? Na ang komunikasyon lang ninyo ay text, paano mo malalaman kung nagsisinungaling siya? Sa artikulo na ito ay isinasaad na kapag matagal mag-reply ang iyong ka-text ay maaaring nagsisinungaling siya.

Sabi ng mga mananaliksik sa US, para ma-detect mo kung nagsisinungaling ang iyong ka-text, tingnan mo kung gaano siya ka-tagal mag-reply. Kung maaari nga raw ay bilangin mo ilang Segundo o minuto siya bago mag-reply.
Ang mga taong  walang itinatago, diretso kung sumagot, ngunit kapag mayroon siyang ipinagkakaila, sigurado na hindi pa siya makapagre-reply agad. Ang dahilan, nag-iisip pa sila ng sasabihin. Kailangan kasing piliin nila ang mga katagang bibigkasin sa text.
Kaya naman kung susuriin ninyo, kapag may gustong ilihim sa inyo ang iyong karelasyon ay hindi siya nagpapakita. Nagte-text lang siya para sabihin o magpaliwanag kung bakit hindi siya nakasipot sa inyong usapan. Napakahirap naman kasi kung ipapakita niya sa’yo ang kanyang mga mata, tiyak na mabubuking mo agad ang pagsisinungaling niya. Samantalang kung magti-text lang siya ay hindi mo siya mabubuking lalo na’t dire-diretso ang kanyang pagpapaliwanag.
Kaya naman, para malaman mo kung nagsasabi siya ng totoo o hindi, kailangan ay orasan mo kung gaano siya katagal mag-reply.
Sasabihin niyang lowbat siya o kaya nama walang load. Hah, huwag mong bilhin ang katwiran na ito. Kung talaga kasing gusto niyang ipaalam kung ano ang tunay na nangyari, gagawa agad siya ng dahilan para makapagpaliwanag. Siyempre, ang agad niyang iisipin ay hindi niya gusto na magduda ka sa kanya.
O, gaano ba katagal mag-reply sa text mo ang iyong ka-relasyon?


Huwebes, Agosto 7, 2014

PAGLALARO NG ACTION GAMES, NAKAKATULONG PARA MABAWASAN ANG GALIT NA NARARAMDAMAN

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


HINDI naman pala lahat ng action games ay makasasama sa ating anak. Basta ang kailangan lamang ay piliing mabuti kung ano ang laro ang makabubuti para sa ating mga anak. Kung mayroong PSP, Xbox o kung anumang game console an gating anak, tiyakin mo lang na ang lalaruin niya ay makabubuti rin sa kanya.

Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko na ang larong Grand Theft Auto at Mortal Kombat ay hindi nakapipinsala sa ating anak. Sa halip ay  nakagagaling pa ito, lalo na sa mga taong mayroong hyperactivity disorder (ADHD) or depression.
Kung ang mga bata kasi ay nakakaranas na ma-bully sa eskuwelahan ay ito ang paraan para maibuhos nila ang inis at galit na kanilang nararamdaman. Sa pamamagitan ng mga laro na ito ay iisipin nila na ang kanilang mga kalaban ay ang mga umaapi sa kanila. Sa pamamagitan noon ay magagawa na nilang mailabas ang sama nbg loob na kanilang nararamdaman.
Ang mga tao na kinikimkim lang ang sakit na nararamdamanan ay karaniwang nagtatamim ng sama ng loob. Ngunit, kung may pagbubuhusan sila ng galit na kanilang nararamdaman ay unti-unting mawawala ang sakit na kanilang pinagdaraanan.
Kaya, huwag mong isipin na kapag ang anak mo ay naglalaro ng bayolenteng laro sa computer , ay magiging bayolente na sila dahil may mga pag-aaral na isinagawa na nagsasabi na hindi naman makakaapekto ang mga ganitong laro.
Sabi nga nila na ang killer sa Connecticut ay naglalaro ng bayolenteng games sa kanyang kuwarto ng maisip niyang umalis at pagpapatayin ang mga tao sa kanyang paligid, ngunit, tiyak naman na may mas malalim na dahilan kaya niya nagawa iyon at iyon ay dahil sa matinding galit.
Kaya nga, makabubuti kung ang galit na nararamdaman natin ay ating papawiin, at sabio sa pag-aaral, ang paglalaro ng video games ay nakakatulong para mawala ang galit na iyong nararamdaman.
Ah, mas maigi pa rin talaga kung ang mga magulang ay magkakaroon ng oras sa kanilang mga anak. Sila ang maaaring magsabi sa kanilang anak na hindi dapat magtanim ng galit sa kanilang kapwa. 
O, masama ba ang loob ng iyong anak?
Sa tingin mo ba ay mayroon siyang depresyon?
Kung ganoon, bakit hindi mo siya samahan maglaro ng video games?


Martes, Agosto 5, 2014

DADDY, NAWAWALAN NG GANA SA SEX KAPAG NAGKA BABY

ANG pagkakaroon ng anak ang importanteng bagay na kukompleto sa  dalawang taong nagmamahalan. Kaya naman ang mag-asawang biniyayaan ng anak ay siguradong magiging happy sa pagkakaroon ng baby.
Oh, hindi ba habang pinagmamasdan mo ang iyong anak, parang gusto mong kumanta nang kumanta upang maging mahimbing ang kanyang tulog.
Dahil naman sa sabik na sabik si Tatay, Daddy o Papa sa bagong dating na si baby, bumababa ang kanyang sex drive, kaya sana ay huwag munang magdamdam si misis kung sa tingin niya ay nanlalamig ang kanyang mister. Kung minsan kasi ay nakakaramdam siya ng panlalata dahil maaaring lumagpas ang tatlong buwan na hindi siya ka ginagalaw ng iyong mister.
Huwag kang OA, ano? Hindi naman porke hindi ka ginagalaw ng iyong mister ay hindi ka na niya mahal. Talaga lang dumadating ang point ng isang lalaki partikular na ang mga bagong tatay na mawalan muna ng gana sa sex. Ang gusto kasi niya ay maglaan muna ng panahon sa kanyang baby kaya huwag mo muna iyon masyadong ipagdamdam, okay.
Ayon kasi sa aking pagsasaliksik, kaya bumababa ang libido ni mister kapag bagong panganak ang kanyang misis ay dahil ang atensyon niya ay natutuon muna sa kanyang misis na nanganak at sa sanggol na isinilang. Ang nais kasi niya ay mabigyan muna ng magandang buhay ang kanyang mag-ina kaya naman kontento na lang muna siya sa pag-yakap sa kanyang mag-ina at sa pag-aalaga sa kanyang anak. Dahil sa stress, nakakalimutan muna niya ang tungkol sa sex. Siyempre, kailangan niyang kumayod ng husto para maalagaan ang kanyang mag-ina.

O, misis, huwag ka magdamdam sa mister mo kung hindi ka muna niya ‘pinagnanasaan’. Gayunman, kailangan mong isipin na hindi porke nawawalan ng gana sa sex ang iyong mister ay gusto na niyang ipahiwatig na hindi ka na niya mahal. Talaga lang dumadating sa isang tao na nag-iiba ang kanyang priority lalo na’t nadadagdagan na ang kanyang responsibilidad. 

Sabado, Oktubre 19, 2013

Read ninyo ito Mommy at Daddy… Mga batang nababagok, may tendensiya na maging kriminal

MGA batang nabagok ang ulo ay may posibilidad na maging kriminal sa kanilang pagtanda, sabi sa pag-aaral.
Kidnapping, Robbery , homicide at Murder – ito ang kalimitang krimen na nangyayari nsa ating kapaligiran. Kaya naman kung minsan ay nakakatakot nang lumabas ng bahay o kaya ay mamasyal ng gabi. May pangamba na kasing namamahay sa ating dibdib. Baka kasi sa paglabas mong iyon ay makasalubong mo si Kamatayan. Maamo man ang mukha ng taong masasalubong mo ay hindi ka pa rin nakatitiyak kung mabuti siyang tao. Malaki rin kasi ang posibilidad na may hawak siyang baril o patalim at bigla na lang niyang maisipang undayan ka ng saksak.
Siguro naman ay madalas kang magbasa ng diyaro, makinig ng radio at manood ng telebisyon. Sa pamamagitan noon ay malalaman mo na marami talagang krimen na nangyayari sa ating bansa at kung minsan ay may mga kabataan pa ang sangkot sa paggawa ng krimen.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ito ang wika ni Dr. Jose Rizal. Sa palagay ko naman ay may katotohanan ang kanyang ipinahayag. Tingnan mo nga, maraming ng gadgets ang naimbento at kung anu-ano pang kagamitan na talagang kapaki-pakinabang. Ngunit, may mga kabataan pa ring pasaway at pasimuno ng krimen.
Kung minsan nga ay hindi mo rin maiwasan ang magtaka. Siya naman ay mula sa mabuting pamilya subalit tila nawawala sa kanyang isipan ang mga kabutihang naituro sa kanya at pinili na lamang gumawa ng masama.
Sa tingin mo ba ay pasaway ang iyong anak? Kung wala ka pang anak, nanaisin mo bang maligaw siya sa landas? Tiyak kong hindi hindi kaya kailangan mong gawin ang lahat ng paraan upang hindi siya mapariwara. Nakagigilalas lamang na malaman na maaari rin palang maging kriminal ang isang bata sa kanyang paglaki kapag nabagok ang kanyang ulo.
Ang pinsalang natamo ng taong nabagok ay maaaring maging dahilan upang mawalan ka ng pasensiya o kaya naman ay maging pabigla-bigla ka sa’yong ginagawa. Kapag nadala mo ang maling attitude na ito sa’yong paglaki, tiyak na ikaw ang taong madaling mapikon. Kung minsan nga ay hindi mo na magagawa pang makapag-isip ng tama. Ang gugustuhin mo lamang ay makapanakit sa taong nanakit sa’yo o madali mong makuha ang bagay na iyong gustuhin.
Kaya naman, habang bata pa ang iyong anak, kailangan mo siyang pangalagaang mabuti upang hindi siya matulad sa mga naging criminal ngayon. Sa pagsasaliksik nga ay napagtanto na ang mga naging criminal ay mayroong iisang pagkakapareho, nabagok ang ulo nila noong kanilang kabataan.
Ngayon, nanaisin mo pa bang pabayaan ang iyong anak?




Hindi lahat tinatablan ng hipnotismo… TAONG MAPAGDUDA, HINDI MABIBIKTIMA NG BUDUL-BUDOL

HINDI lahat ng tao ay tinatablan ng hypnoticism, ito ang napag-alaman ng mga scientist.
Mag-ingat sa budul-budol! Ito ang lagi mong tatandaan lalo na’t mayroon kang dalang malaking pera. At kapag may estranghero na lumapit sa’yo ay huwag kang basta titingin sa kanyang mga mata dahil maaari ka niyang ma-hipnotismo. Kapag nagawa niya iyon ay magiging sunud-sunuran ka sa bawat sabihin at ipag-uutos niya.
Nais mo bang mangyari sa’yo iyon?
Kung ayaw mong mawalan ng pera o alahas, hindi mo gugustuhing mahipnotismo lang ng kung sino. Kaya, kinakailangan mo ring maging matalino sa kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Okay lang sana kung ang  isang espesyalista ang maghihipnotismo sa’yo. Siguradong  matutulungan kang malabanan ang anumang sakit na iyong nararamdaman. Ngunit, alam mo bang hindi naman pala lahat ng tao ay tinatablan ng hipnotismo.
Ayon nga sa mga scientist sa Stanford University , U.S.A., ang mga taong mabilis gumawa ng desisyon ay ang madaling tablan ng hipnotismo samantalang ang mga taong mapanghusga naman ay hindi tinatablan ng hipnotismo. Hmmmm, bakit nga ba? Ang sagot ay mababasa sa artikulo na ito.
Sabi nga ni Dr. Spiegel at ang mga kasamahan niyang namamaliksik, wala naming pagkakaiba ang structure ng brain ng mga tao. Nagkakaroon lang sila ng pagkakaiba sa uri ng kanilang pagdedesisyon at napagtanto nga nila na ang madaling mahipnotismo ay iyong mga tao na nagku-concentrate sa kanilang mga ginagawa. Samantang ang taong mapanghusga ay hindi tinatablan ng hipnotismo dahil ang utak nila ay hindi nakatuon lang sa isang bagay.
Ikaw, madali ka bang ma-hipnotismo?
Bagamat nakakairita nga sa isang tao iyong masyadong mapanghusga, maaari naman itong makatulong upang hindi sila maloko ng ibang tao. Kung minsan kasi ang mga taong nakatuon lang sa isang bagay tulad ng pag-unlad ay maaaring ma-hipnotismo ng kung sino lang.
Kung ikaw ang aking tatanungin, mas gusto mo bang mahipnotismo o kikilalanin mo muna ang ng husto ng isang tao bago ka magtiwala? Alalahanin mo, may mga taong kahit kakilala mo na at pinagkakatiwalaan, nagagawa pa rin niyang mang-hipnotismo upang makuha ang kanyang gusto.









Miyerkules, Setyembre 4, 2013

PAG-EEHERSISYO, PAMPAALIS NG PAG-AALALA AT DEPRESYON

SA aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko na kapag pinipilit ka palang mag-ehersisyo ay nakatutulong ito para mabawasan ang iyong pag-aalala at depresyon.
Lahat naman ng tao ay dumaraan sa matitinding pagsubok kaya hindi dapat na sumuko. May mga tao kasing tila nagpapadaig sa problema. Ibig wakasan ang kanilang buhay dahil sa problemang kanilang pinagdaraanan.
Well, nakasasakit naman talaga ng ulo kung sunud-sunod ang problema na darating sa’yong buhay. Parang napakahirap huminga kapag may mga magsasabi na ‘bayaran mo nga ang utang mo’ o kaya naman ‘umalis ka na sa aking bahay kung hindi ka makababayad ng upa’.
Bagamat, hindi naman talaga tamang sumuko sa anumang problema, hindi pa rin natin magagawang masisi ang mga taong nagdedesisyon na wakasan na lang ang kanilang buhay. Sa sobra kasing bigat ng nararamdaman nila sa dibdib, dinadapuan sila ng matinding ag-aalala at depresyon na nagtutulak sa kanila para magpakamatay.
O, masyado ka bang nag-aalala? Pakiramdam mo ba ay nadi-depress ka na?
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang pag-eehersisyo ay nakatutulong para mawala ang pag-aalala at depresyon na narearamdaman ng isang tao. Ngunit, mas epektino ito kung ikaw ay pipilitin ng isang tao na mag-ehersisyo.
Sabi nga ng mga scientist sa University of Colorado Boulder sa US, kapag ang tao ay nararamdaman na napupuwersa siya na mag-ehersisyo ng nai-eliminate ang kanyang sense of control. Sa pamamagitan noon ay maibabaling niya rito ang kanyang pansin at hindi na niya gaanong mapagtutuunan ng pansin ang kanyang problema.
Sa eskuwelahan ay laging napupuwersa ang mga estudyante na mag-ehersisyo. Sa military school ay lagi rin silang pinag-eehersisyo.
O, hindi ba kapag may nagagalit sa’yo ay hindi mo na mapagtutuunan ng pansin ang iyong problema. Naiinis ka dahil nagagalit siya sa’yo.Dahil sa ayaw mo nang sigawan ka pa niya ay pinagbubuti mo na lang ang iyong ginagawa.
O, mag-ehersisyo ka na para huwag ka na makaisip ng kung ano.




IYAK NI BEYBI SA MADALING ARAW, SANHI NG HIWALAYAN

ANG pag-iyak ng baby sa gabi ay dahilan kaya nagkakaroon ng broken marriages, ayon sa pagsasaliksik.
Alam na alam natin na ang bawat tao ay kailangan ng 5 hanggang 6 na oras na tulog, kaya naman kahit na abala tayo sa trabaho ay kailangan pa rin nating huminto at matulog ng sapat. Kung hindi kasi natin gagawin ito ay sigurado na makakaramdam tayo ng panlalata. Mawawalan din tayo ng gana na kumilos kahit maraming tambak na trabaho sa ating harapan.
Sige nga, paano gagana ang iyong utak kung hindi sapat ang tulog natin para makapag-isip tayo ng maayos?
Iyon nga lang, kahit na gustung-gusto mong matulog ng may sapat na oras ay hindi mo magagawa kung may maliliit kang anak, partikular na iyong mga baby ka pa lang. Kahit kasi madaling araw ay nagigising ito at bigla na lamang pumapalahaw ng iyak. Siyempre, nararamdaman nitong nag-iisa lang ito sa  kuna o kaya naman ay nagugutom ito.
Bilang magulang ay kailangan mong tumayo at patahanin ang iyong anak. Ngunit, kung minsan dahil pagod na pagod ang ina ay hindi na niya magawa pang bumangon. O kaya naman kahit nagising na siya at hindi pa rin siya tatayo. Gusto niya kasing hayaan ang kanyang mister na tumayo at ito naman ang magpatahan sa kanilang anak.
Kung ganoon, sigurado ngang mapupuyat si mister at dahil nga hindi siya nakatulog ng maayos ay magiging mainit ang ulo niya kinabukasan. Tiyak din na hindi niya palalampasin na sitahin si misis kung bakit hindi ito bumangon. At iyon na ang simula ng kanilang away.
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na maraming mag-asawa ang naghihiwalay kapag ang kanilang anak ay parating umiiyak sa madaling araw.
Sa pagsasaliksik ay napagtanto ng mga USD scientist na kapag ang mag-asawa ay may maayos na tuloy ay hindi mag-aaway ng sobra. Kung mayroon man silang hindi pinagkakasunduan ay magagawa nilang pag-usapan ng maayos.
O, nakakatulog ba kayong mag-asawa nang maayos?

Kung kaya rin lang kasi ng budget ng mag-asawa, makabubuti kung mayroong yaya na mag-aalaga sa kanilang anak. 

BABAE, PATATAS LANG ANG ALAM KAININ

Phobia ang tawag sa takot na ating nararamdaman sa isang bagay o isang pangyayari. Sabihin man ng isip natin na hindi natin kailangan na matakot, hindi natin magawang pigilan an gating sarili. Maisip pa lang natin ang mga bagay na ating kinatatakutan tulad ng gagamba o ahas, ay nanginginig na tayo. Pakiramdam natin ay nananayo na an gating mga balahibo. Kaya naman kung makakaharap pa natin ang mga bagay na ating kinatatakutan, natitiyak ko na mas magiging malala pa ang epekto nito sa atin.
Ikaw, may kinatatakutan ka ba?

Sa aking pagsasaliksik tungkol sa mga bagay na kinatatakutan, hindi ko maiwasan ang matigilan at mamangha sa kakaibang phobia mayroon ang 34 taong gulang na si Claire Jones dahil ang bagay na kanyang kinatatakutan ay ang pagkain ng mga nilulutong pagkain tulad ng karne, fried chicken at kanin. Feeling kasi niya ay magkakasakit siya kapag kumain siya ng mga iyon . Hayun tuloy, sa tuwing makikita niyang may nakahaing pagkain  ay nakakaramdam na siya ng panic. Bawat himaymay ng kanyang kalamnan ay nakakaramdam ng takot na hindi niya mawari kung saan nanggagaling.
Maarte, iyon ang kalimitang naiisip ng mga tao na nakakabatid ng kakaiba niyang takot. Ngunit, kahit naman ano ang sabihin sa kanya ay hindi niya talaga makayang kumain ng  mga nilulutong pagkain.  Pakiwai nga niya ay bumabaligtad na ang kanyang sikmura kapag naaamoy niyang nagluluto na ang kanyang ina o kapit-bahay. Kaya ang ginagawa niya ay tumatakbo na lang siya sa kanyang silid upang hindi na lumala pa ang kanyang karamdaman. Pakiwari niya talaga ay magkakasakit siya kapag ganu’ng pumapasok sa kanyang ilong ang amoy ng  niluluto.
Gayunman, hindi naman maaaring lumipas ang maghapon na wala siyang kakainin dahil siguradong magkaka-ulcer siya. Kaya naman  may  paborito rin siyang kinakain at ito ay ang jacket potatoes o patatas na hindi binalatan. Inilalagay niya iyon sa salad at hinahaluan niya iyon ng   cheese at coleslaw. Bukod sa ganu’n lang ang kanyang kinakain ay iisang brand lang ang kinukuhanan niya ng patatas at cheese. Kung malalasahan niya na ibang produkto iyon ay hindi na siya kakain pa.
Kung sa palagay mo ay okay lamng na kumain siya ng ganu’ng uri ng pagkain dahil mas lalo niyang nababantayan ang kanyang  kalusugan, ay nagkakamali ka. Sabi nga, lahat ng sobra ay masama lalo na sa kaso ni Claire na iyon lang ang alam na patatas o jacket potatoes lang ang alam kainin. Dahil kasi sa kanyang mga kinakain ay madali siyang pasukan ng impeksyon at mayroon din siyang anemia.
Kahit naman kasi paminsan-minsan ay kumakain din siya ng tinapay, sausage at burger, hindi pa rin sapat iyon para siya’y magkaroon ng napakalusog na katawan. Sabi ni Claire, ‘Nagsasawa na nga rin ako sa pagkain ng jacket potatoes ngunit talagang hindi ko kaya na kumain ng ibang pagkain. Kaya sa huli ay bumabalik din ako sa pagkain ng jacket potatoes.”At para nga raw hindi siya magsawa sa patatas ay minsan ay nagbi-baked potato siya.
Ikaw, ano ang kinakain mo? 


Martes, Setyembre 3, 2013

MGA EMPLEYADO, MADALING MAGKASAKIT

SABI sa bagong pag-aaral, apatnapung porsiyento ng office workers ay madaling magkasakit.
Bawal ang magkasakit! Ito ang kalimitang sinasabi ng mga magulang sa kanilang sarili. Gusto kasi nilang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak kaya naman lahat ng hirap ay kanilang titiis para kumita ng malaki. Sa pamamagitan nito ay magagawa nilang pag-aralin sa magandang eskuwelahan ang kanilang anak.
Ngunit, kailangan natin tandaan nakung ang cellphone ay nalu-lowbat, maaari ring manghina an gating katawan lalo na’t marami tayong trabaho. Ngunit, kung minsan ay hindi naman tayo nanghihina dahil lang sa tambak ang trabaho natin. Mas nakakaramdam ng panghihina ang mga nagtatrabaho kung marami silang iniisip. Ang kalimitan ngang pinuproblema ng mga nagtatrabaho ay kapag ang mga kasamahan niya ay incompetent o palpak sa trabaho, kung hindi binabayaran ang kanyang overtime at kung masyadong mataas ang tingin sa kanya ni bossing.
Hay, talaga ngang labis na mag-aalala ang isang empleyado kung alam niyang ang kasamahan niya sa trabaho ay madalas na pumalpak, siyempre, kapag nagkamali ito sa trabaho ay maaaring pati siya ay madamay. Alam naman natin na sa isang kompanya o departamento, ang bumubuo nito ay kinakailangang magtulung-tulong para maging maayos ang kanilang produkto.
Ngunit, bilang manggagawa na nagpapakahirap na magtrabaho ng lagpas sa kanyang oras o nag-u-overtime, dapat lamang na makakuha siya ng bayad para sa kanyang effort. Kung minsan kasi ay may mga employer na binabalewala ang effort na ipinapakita ng kanilang mga empleyado.
At kung minsan naman ay labis na natitensyon ang mga empleyado kapag nariyan na ang kanilang bossing. Siyempre, ang empleyado ay takot na pumalpak dahil maaarng ma-disappoint sa kanya ang kanyang boss.
Ah, ang labis na pag-aalala ay talagang makakaapekto sa kalusugan ng mga empleyado, kaya, naman sana ang mga bossing ay maging sensitive din sa pangangailangan ng kanyang empleyado. Hindi naman porke binabayaran niya ang araw nito ay maaari na niyang sigawan ang kanyang empleyado sa lahat ng oras na kanyang magustuhan. Kailangan din naman niyang alalahanin na hindi magiging matagumpay ang kanyang kompanya kung wala ang mga empleyado na nagpapakakuba para maibigay ang ‘the best’ niya sa kanilang pagtatrabaho.
Sana sa mga bossing na naririyan ay magkaroon din sila ng panahon na basahin ang artikulo na ito para naman, mabagbag ang kanilang kalooban para magkaideya sila kung paano labis na naghihirap ang kanilang mga empleyado.
Sabi nga ni Phil Sheridon ng recruitment firm Robert Half UK, na nagsagawa ng pagsasaliksik na ito. “Kahit na sinong empleyado ay makakaranas ng ganito”

Kaya kung ayaw mo na masyadong maapektuhan ang iyong kalusugan ay kailangan mo rin namang mag-relax. At kung ikaw naman ang bossing na may malambot na puso, ipadama mo naman sa’yong mga empleyado ang kanilang kahalagahan. 

EMPLEYADONG MASYADONG STRESS, SANHI NG PAGSU-SUICIDE

AYON sa eksperto, kaya raw maraming umiinom, nagdu-droga at nadi-depress ay dahil sa sobrang stress sa trabaho.  
Kung hindi dahil sa ating trabaho ay hindi tayo kakain ng tatlong beses sa isang araw at hindi natin magagawang ibigay sa ating pamilya ang kanilang pangangailangan. Ah, dapat talaga nating mahalin ng husto ang ating trabaho. Kung mayroon man tayong problemang nararanasan sa ating trabaho, kailangan nating maghagilap ng solusyon kung paano ‘yun malalagpasan. Baka kasi kapag hindi natin nagawa ang ating trabaho o kaya naman ay pumalpak tayo ay maaari tayong ma-suspend o ma-terminate.
Napakahirap maghanap ng trabaho at kung malalaman ng kompanya nang pag-a-apply-an mo na may masama kang record sa kompanyang iyong pinanggalingan, ay madi-decline o mari-reject lang ang application mo. Paano ka nga naman kasi pagkakatiwalaan kung marami kang nagawang kapalpakan sa pinanggalingan mong kumpanya.
Nakaka-stress talaga ang pagtatrabaho lalo na kung marami kang dapat gawin. O, hindi nga ba, parang napakahirap huminga kapag nakita mong patung-patong ang mga papeles na dapat mong tapusin. Nakaka-pressure, ‘di ba?
Kung ganu’n karami ang iyong trabaho ang iyong gagawin at alam mong imposible mong matapos sa opisina ay iuuwi mo pa ito sa bahay.
Kung minsan ay nahihirapan kang mag-concentrate sa’yong gawain kung wala kang ibang napaglilibangan. Sa puntong ito ay pumapasok ang pag-inom at pagdudroga. Umiinom ka bilang pakikisama sa’yong kasamahan at nagdu-droga ka naman kung kinakailangan mong magpuyat. Kung ikaw naman ay pumapalpak sa’yong mga gawain ay may tendensiya na labis kang ma-depress.
Sa akin ngang pagsasaliksik, ang numero unong problema ng tao ay ang kanyang trabaho. Mas dinadamdam kasi ng mga tao ang kanilang trabaho kaysa sa problema sa pera at kalusugan.
Kaya naman 6/10 na empleyado ang umiinom ng alak pagkatapos ng trabaho. Kalimitan kasi ay nagkakaroon sila ng problema at nais nilang makalimot.
Ikaw, nagpapa-stress ka bas a trabaho?
Kailangan mong malaman na kapag ang isang tao ay masyadong stress sa kanyang trabaho ay may tendensiya na magkaroon siya ng suicidal tendency. Pakiwari kasi nila ay wala na silang masusulingan pa kung sapin-sapin na ang kanilang problema.
Kaya, easy ka lang. Huwag kang masyadong sa’yong trabaho at baka kung ano ang maisipan mong gawin.




Sabado, Agosto 31, 2013

MGA BATANG PINALAKI NG GAY PARENTS, MAS MALUSOG AT MABABAIT

AYON sa pag-aaral, kapag daw ang bata ay mayroong gay parents, sila’y mas malusog at mabait.
Problema! Ito agad ang sasabihin natin kapag ang isang bata ay mayroong gay parents. Kung ang mga magulang niya kasi ay parehong lalaki o babae, agad siyang magtatanong. Paano siya nabuo? Dahil sa maraming tsismosa’t intregero sa paligid, ang agad papasok sa kanyang utak ay  isa siyang ampon o ‘di kaya’y anak siya sa pagkadalaga o pagkabinata ng isa sa kanyang magulang.
Iniisip mo ba na kapag mayroon siyang gay parents ay magkakaroon na siya ng miserableng buhay?
Mali ka!
Sa pag-aaral na isinagawa pa sa Australia, mas malulusog ang mga bata na mayroong gay parents kaysa sa mga heterosexual parents. Sabi nga ni Dr. Simon Crouch, lead researcher, ang mga gay parents ay mas nakikipagkomunikasyon sa kanilang anak. Dahil doon ay natatalakasi nila kung mayroon bang nambu-bully sa kanilang anak o may nang-aasar dito. Dahil doon ay nagagawang payuhan ng gay parents ang kanilang anak kung ano nga ba ang dapat nilang gawin.
Kung inyong mapagmamasdan, kapag ang mag-asawang lalaki at babae ay nag-away ay  tila wala na silang pakialam sa kanilang paligid. Kaya naman kahit kaharap nila ang kanilang anak ay hindi nila inaalintana. Sabi nga, kapag nakikita ng anak na nag-aaway ang kanilang magulang ay nagiging malulungkutin sila. Para rin pagtakpan ang sakit na kanilang pinagdadaanan ay nagiging salbahe sila. Kung minsan kasi, ito lang ang alam nilang paraan para malimutan ang kanilang problema. O, hindi ba ang kadalasang pinag-aawayan ng mag-asawa ay ang third party?
Samantalang ang  gay parents ay tunay na nagmamahalan, kaya naman hindi sila gaanong nag-aaway. Kung nag-aaway man, siguradong mahinahon palagi ang kanilang pag-uusap. Napaka-supportive pa nila sa kanilang ‘anak’. Dahil sa malawak na atensyon na ipinapakita ay nagiging mabait ang kanilang anak. Dahil din sa mga payo na madalas nilang ibigay sa mga ito ay hindi nagiging palasagot ang bata. Sa pamamagitan nu’n ay nagiging malusog ang bata, hindi lang sa pisika pati na rin sa emosyonal at ispiritual.
Kaya, kahanga-hanga ang mga gay parents.




Para sure na hindi mabibinat o makakahawa… 24 oras pang pahinga matapos mawala ang lagnat, kailangan

MASAMA ang iyong pakiramdam, bakit pumasok ka? Ito ang karaniwang tanong ng isang empleyado sa kanyang kasamahan.
“Okay na ako,” sasabihin  naman niya sabay ngiti. Ibig niyang ipakita sa kanyang kasamahan na okay na okay na siya kahit ang totoo ay nanlalata pa siya.
Kapag nawala na ang ating lagnat, maaari na tayong maglaro o magtrabaho, ito ang lagi nating sinasabi sa ating sarili. Kaya, naman madalas tayo ay nabibinat. Ang lagnat na nawala ay bumabalik kapag  pinuwersa natin ang ating sarili na magtrabaho o maglaro. Siguro naman ay alam na natin ang kahihinatnan natin kung babalikan tayo ng sakit ngunit may mga matitigas na ulo lang sa atin kaya pinipiling magbakasakali na hindi mabibinat.
Ikaw, ganoon ka ba? May katigasan ng ulo?
Kung ikaw ay isang empleyado, hindi kita masisisi kung nanaisin mong pumasok agad. Siyempre, ayaw mo ng mabawasan pa ang iyong sasahurin. Nakahihinayang din naman kasing talaga. Sa mahal ng bilihin ngayon, tiyak na kakapusin ka kung hindi ka magtitipid. Ngunit, makatitipid ka nga ba kung pumasok ka agad kahit hindi pa okay ang iyong pakiramdam.
Hindi, ito ang sigaw ng mga dalubhasa. Bukod sa maaari ka nang balikan ng lagnat, maaari ka pang makahawa.
Sa pagsasaliksik kasi ay napag-alaman kong kapag pinilit mong pumasok o maglaro kahit hindi ka pa magaling, may tendensiya na makahawa ka lamang.
Kaya naman, sinasabi ng mga mananaliksik sa University Pittsburgh, mas makatitipid ang kompanya kung hahayaan na lamang nila ang empleyado na magpahinga na lamang sa kanilang bahay.
Kung papasok pa kasi ang empleyado kahit masama pa ang kanilang pakiramdam, may posibilidad na lumaganap lang ang virus sa paligid. Kung mangyayari iyon, siguradong hindi lang ikaw ang magkakasakit.
O, nanaisin mo pa bang magkasakit? Ibig mo bang makahawa o mahawahan?

Sabi ng mga espesyalista, maiging kapag nawala na ang iyong lagnat ay saka ka pa lang bumilang ng 24 oras. Kapag nakapagpahinga ka na ng husto, siguradong kinabukasan ay magiging masigla ka na. 

TEENAGERS NA MAYROONG SURROGATE MOTHER, MAY ATTITUDE PROBLEM

AYON sa pagsasaliksik, ang mga baby na dinala ng surrogate mother ay kalimitang emosyonal at may attitude problem.
Nakalulungkot isipin na ikinasal ka sa lalaking mahal na mahal mo ay hindi ka pa rin nakasisiguro na magiging masaya na ang inyong buhay pamilya. Tiyak kasing magkakaroon kayo ng mga pagsubok. Hindi porke matagal kayong naging magkasintahan ay kilala na ninyo ng lubos ang isa’t isa. Kailangan din namang mag-adjust kayo sa isa’t isa. Ang pinakamatinding pagsubok ng mag-asawa ay ang hindi nila pagkakaroon ng anak.
Alam naman natin na kung mababa ang matris ng babae, hindi siya maaaring ma-stress, kaya , kailangang magpahinga siya ng husto para makabuo. Ang problema nga lang, kung may career ang isang babae, hindi niya basta-basta maiiwan ang kanyang trabaho. Iyon nga lang, may posibilidad na manlamig ang pagsasama ninyong mag-asawa,
O, handa ka bang i-give up ang iyong career para sa pamilya?
Kung sasabihin mong ‘hindi ka sure’, may isa pa namang paraan para magkaroon kayo ng anak na hindi ka naghihirap. Kailangan lamang ay maghanap ka ng isang babae na papayag na siya ang magdadalantao para sa’yo. Sa pamamagitan nito ay hindi ka makararamdam ng paghihirap. IYon nga lang, kailangan mong itanim sa’yong isip na kung may babaeng magdadalantao para sa’yo, hindi magiging perpekto ang iyong   anak.
Kung ang isang babae ay magbubuntis lang para sa’yo ay hindi mo rin magagawang kontrolin ang kanyang emosyon. Tila hindi rin niya pinahahalagahan ang kanyang dinadala. Ang importante lang kasi sa kanya ay ang perang iyong ibabayad.
Hindi man sa kanya ang egg cell na nasa kanyang katawan, my bahagi pa rin na makukuha ang iyong anak sa kanyang surrogate mother. Iyon ay ang kanyang ugali, ang kanyang pagiging emosyonal.
Kapag ang tunay na ina ang nagdala sa kanyang anak, hindi niya gugustuhin na magalit o malungkot dahil alam niya na makakaapekto ito sa kanyang anak. Ngunit, ang surrogate mother ay walang pakialam. Ang importante lang sa kanya ay magawa niya nang maayos ang kanyang trabaho. Palalakihin niya sa kanyang sinapupunan ang anak ng ibang tao. Ngunit, hindi niya ito magagawang alagaan ng buong puso.
O, ikaw, nanaisin mo bang hayaan na dalhn ng kung sinong babae lang ang iyong anak?
Hindi bam as maigi kung ikaw ang magbubuntis para mas maramdaman mo ang pagiging ina.
Kung hindi kasi, maaaring ang inyong anak ay magkakaroon ng attitude problem. Ang mga teenager na mayroong surrogate mother ay pabagu-bago ang ugali. Tila hindi sila marunong magpasensiya kaya sila ay palaaway.








Para bumaba ang bilang ng nagpapakamatay… Paggamit ng social networking sites, the best na solusyon

SABI sa aking pagsasaliksik, maaawat ang mga teenager sa kanyang pagpapakamatay kung lagi siyang gumagamit ng FB, Twitter at kung anu-ano pang social networking sites.

Wala naman ‘yang ginawa kundi mag-FB at mag-Twitter, ito ang kalimitang reklamo ng mga magulang sa kanilang anak, sabay iling. Kung minsan kasi dahil sa maghapon nilang pagbababad sa computer ay nakakalimutan na nilang mag-aral mabuti. Kaya, kalimitan ay nagsisipagbabaan ang kanilang mga marka. Ngunit, kahit ganoon, may kabutihan pa ring dulot ang pag-i-FB o pagtu-Twitter. Sa pamamagitan kasi nito ay hindi na maiisipan pa teenager ang pagpapakamatay.
Alam na alam natin na ang sa pamamagitan ng social media sites ay nagagawa nating mailabas ang galit at sama ng loob natin. Maging an gating mga kabiguan. Sa pamamagitan noon ay mababawasan ang paghihirap ng kalooban natin. Iyon nga lang kapag sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman natin, hindi natin maiwasan na maisipan na tumalon na lamang sa tulay o kaya ay mag-suicide.
Kung minsan kasi ay sobra tayong nagiging emosyonal. Pakiramdam natin ay hindi na masosolusyunan pa ang ating problema. Kaya naman, ibig na lang natin itong takasan. At kung minsan ay pagpapakamatay na lang ang naiisip nating solusyon. Pero, sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa Ohio state University, in Columbus, U.S.,, ang paggamit daw ng social media sites ay nakakatulong para mabago ang isip ng teenagers na magpakamatay.
Dahil nga magagawa mong maisigaw sa Wall mo ang iyong nararamdamang galit at sakit, at ang plano mong pagkakamatay, siguradong marami ang magku-comment sa’yong post. Karamihan sa mga ito ay magsasabing walang mangyayari kung sasayangin mo ang iyong buhay sa isang walang kuwentang problema. 
Ang karaniwan naman kasing problema ng teenagers ay lovelife, financial at family problem,, kaya naman agad siyang mapapayuhan ng friends niya sa mga social networking sites, sigurado na unti-unti siyang makakaramdam ng paglilinaw ng isip. Kaya, makabubuti rin na naibubulalas ng isang teenager ang kanyang nararamdaman. At least sa pamamagitan nito ay malalaman natin na mayroon taong kapamilya o kaibigan na sobrang down na down.




MGA NAKAPUWESTO SA GAWING BINTANA, MAS ALERTO AT MASAYAHIN

AYON sa pag-aaral, ang empleyado na nasa tabi ng bintana ay mas alerto at masayahin kaysa sa nasa gitnang bahagi ng opisina.
Importante sa bawat empleyado na ituon ang kanyang 100% sa pagtatrabaho.  Posible kasing kapag nawala ang atensyon niya rito ay pumalpak na rin ang kanyang trabaho. Kung mangyayari iyon ay maaari ring  mawala ang tiwala ni bossing.  Kaya, kailangan mong mahalin ng todo ang iyong trabaho.
Paano mo nga ba ito magagawa?
Sapat na nga ba iyong nakatuon ka palagi sa’yong ginagawa?
Hindi.
Importante rin siyempre na marunong kang makisama. Kung hindi ka man lang ngumingiti sa mga kasamahan mo sa trabaho, siguradong kaiinisan ka nila. Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na may kinalaman din pala ang puwesto mo sa’yong opisina. Kung ikaw daw ay nakaupo sa may bintana ay mas masayahin ka at mas alerto kumpara sa mga co-employees mo na nakapuwesto sa gitnang bahagi ng inyong opisina. Kalimitan nga sa mga nakaupo sa gitnang bahagi ng opisina ay laging nakasimangot at hindi kumikibo.
Alam mo ba ang dahilan nu’n?
Ang mga nakapuwesto sa gitnang bahagi ng opisina ay laging nakatuon sa kanyang computer kaya  kadalasan ay nananakit ang kanilang mata at ulo dahil sa radiation. Ang liwanag lang na nakukuha nila ay nagmumula sa ilaw samantalang ang mga nakaupo naman sa gawing bintana ay natatamaan ng init na nagmumula sa sinag ng araw. Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na kapag naaarawan ka ay nakakatulog ka ng mahimbing, gaganda ang iyong mood at ang bawat ginagawa mo ay sisikapin mong maging ‘the best’. Kung maganda ang iyong mood, sigurado ako na makukuha mo pang makipagkuwentuhan sa mga kaibigan mo kapag breaktime. Samantalang ang nasa gitnang bahagi ng inyong opisina ay wala halos sa mood dahil hirap silang makatulog sa gabi dahil artificial light lang ang tumatama sa kanya. At labis din iyong nakakaapekto sa kanyang trabaho at pakikisama, kalimitan kasi sa mga taong wala lagi sa mood ay mahirap biruin kaya pirming iniiwasan.
Sabi nga ng Oxford University neuroscientist na si Russell Foster, ang tao ay nagkakaroon ng happy hormone kapag siya ay nasinagan ng araw.
Sa mga pumapasok sa opisina, hindi na sila halos tinatamaan ng init ng araw dahil karaniwang alas-otso ang kanilang pasok. Kung malayo ang kanilang bahay sa kanilang opisina, siguradong maagang-maaga ang kanilang biyahe kaya bago pumutok ang araw ay nasa loob na sila ng kompanya na kanilang pinagtatrabahuhan. Sabi nga sa mga pag-aaral, maganda sa katawan ng tao ang pang-umagang init ng araw. Kung kahit katiting ay hindi na sila nasisinagan ng init ng araw, tiyak na mahihirapan din silang makatulog.
Hirap ka bang makatulog? Subukan mong maglakad ka ng kahit kalahating oras sa umaga para matamaan ka ng init ng araw. Iyon nga lang, papayag ba si bosing na ma-late ka?
Kaya, masasabing, napakalaki ng advantage na nakapuwesto ka tabi ng bintana.
O, saan ka ba nakapuwesto?


Linggo, Agosto 11, 2013

BINU-BULLY NOONG KABATAAN, MAY TENDENSIYA NA MAGING KRIMINAL

AYON sa pagsasaliksik, ang taong nag-aalala parati, madaling ma-depress at madalas magtangkang magpakamatay ay parating inaapi noong kabataan nila.
Hindi lahat ng bata ay behave, ito ang katotohanan na hindi maitatatwa kahit pa sabihing ang mga batang ito ay nagmula sa kilala at mayamang pamilya. Ilan kasi sa kanila ay pilyo at pilya. Sila ay iyong tinatawag na spoiled brat. Tila siyang-siya sila kapag sila ay nakakapang-asar .
Ikaw, mahilig ka bang manakit ng damdamin?
Kung ikaw ang tipo ay nakakaramdam ng kakaibang kasiyahan kapag nakikitang may lumuluha, kailangan mong basahin ang artikulo na ito. Baka sakaling makonsensiya ka  kapag nalaman mo ang nangyayari sa mga kabataan na madalas mong tudyuhin.

Ilang buwan na ang nakakalipas nang mabalitaan natin ang isang teenager na pinatay ang ina at nagawa pang pumunta sa eskuwelahan para patayin ang isang buong section ng kindergarten. Hindi rin niya pinatawad ang guro at principal.
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang teenager na ito ay naging biktima rin ng pambu-bully sa kanya noong kanyang kabataan. Bagamat tinatanggap niya ang pang-aasar sa kanya ay hindi ibig sabihin ay okay lang iyon sa kanya. Sabi nga ay maaaring maging pilat ang pangyayaring iyon. Lilipas man ang mga taon ay hindi pa rin mabubura sa kanyang alaala ang mapait na nakaraan.
Ah, mistulan iyong multo na laging nakasunod sa kanya. Kaya naman sa oras ng kanyang pag-iisa ay maaaring manumbalik ang masasama niyang pinagdaanan. Ang mga nabiktima ng pambu-bully ay iyong mga taong laging inaalala nab aka mali ang kanyang desisyon, madaling ma-depress kapag sila ay nabibigo at laging naghahagilap ng mga pangkitil ng kabilang buhay.
Kung ang is among kapamilya ay ganito, kailangan lagi mo siyang gabayan at ipadama sa kanya na mahalaga siya sa’yong buhay. Kung hindi mo ito gagawin ay baka isang araw ay malaman mo na lamang na sira na ang kanyang buhay at marami na rin siyang buhay na nasira.
Sa naging pag-aaral nga sa US ay napagtanto na ang mga binu-bully ay nagkakaroon ng masama o matinding epekto sa kanilang pag-iisip. Bagamat mayroon nga autism ang teenager na kumitil ng maraming buhay, tiyak pa rin na isa sa dahilan kaya siya nagkaganoon ay dahil sa mapapait niyang karanasan noong kanyang kabataan. Maaaring inisip niya ng mga sandaling iyon na ang mga batang kanyang pinatay ay ang mga umaapi sa kanya noong bata pa lamang siya.
Kung ikaw ang tipo ng tao na mahilig mang-asar, makakaya mo bang tanggapin na ang batang inaasar o inaapi mo noon ay magiging ganito ang buhay? Magagawa mo bang matahimik kapag nalaman mong may mga inosenteng nadamay dahil sa’yong kagagawan.
Kay asana, bago ka manakit ng damdamin, ay mag-isip ka muna ng maraming beses. Dahil mahirap kalaban ang konsensiya. Baka dumating ang araw ay hindi ka niya patahimikin dahil sa mga kasamaang iyong nagawa.


Dahil sa mga diktador na magulang… MGA ANAK NADI-DEPRESS KAPAG NABIBIGO

PARATING nag-aalala ang batang dinidiktahan ng kanyang mga magulang at sila rin  ay madalas na ma-depress kapag sila ay nabibigo, ayon sa pagsasaliksik.
Mother’s knows best, ito ang madalas sabihin ng mga ina kapag sinasabihan nila ang kanilang mga anak kung ano ang dapat nilang gawin.  Dahil sa rami ng kanilang karanasan, alam na nila kung ano ang dapat gawin ng kanilang anak para hindi na maulit pa ang kanilang pagkakamali.
Ang mababait na anak ay karaniwang sumusunod sa bawat sabihin ng kanyang mga magulang. Ang mga magulang naman ay tuwang-tuwa kapag ang tanging sinasabi ng kanilang anak ay ‘yes, mommy’ at ‘yes,daddy’.
Ikaw, ganoon ka ba sa’yong anak?
Nakatutuwa talaga na sinusunod ng iyong anak ang bawat sabihin mo ngunit hindi ibig sabihin noon ay makabubuti sa kanya. May masamang epekto kasi sa bata kapag ang magulang ay nagiging diktador.
Kapag daw kasi ang bata ay masyadong nadiktahan ng kanilang mga magulang ay nawawalan na sila ng tiwala sa kanilang sarili. Iniisip kasi nila na hindi nila makakayang solusyunan ang problema kapag wala ang kanilang mga magulang. Kung sakaling nagdesisyon sila sa kanilang sarili na hindi kumokunsulta sa kanyang mga magulang at nabigo siya, siguradong daramdamin niya iyon. Ang agad kasi niyang isiisipin ay wala siyang kuwenta.
Kaya naman, makabubuting huwag nating diktahan ang ating mga anak. Hayaan natin sila na magdesisyon para sa kanilang sarili. Makabubuting magbigay ka na lang ng opinion kung ano ang maaaring mangyari kapag ganoon ang kanyang ginawa.
Kaya naman nang magsaliksik ang mga mananaliksik sa University of Mary Washington  sa US ay kumuha sila ng 297 na estudyante na nasa pagtan ng  18 hanggang 23. Doon ay mapagtatanto  kung sino nga ba ang mga kabataan na kinukontrol ng magulang at iyong hinahayaan nilang magdesisyon para sa kanilang sarili.
At sa pagsasaliksik na iyon ay napagtanto na ang mga estudyanteng kinokontrol ng kanilang mga magulang ay iyong mga  laging nag-aalala kapag may kailangan nilang magdesisyon on the spot at iyong labis na nagdaramdam kapag sila ay nabibigo.
O, ibig mo bang magkaroon ng magandang buhay ang iyong anak?
Kung nais mo, kailangan ay hayaan mo siyang magdesisyon para sa kanyang sarili.



Biyernes, Agosto 9, 2013

Depresyon, nakahahawa!

AYON sa pag-aaral, ang depresyon ay nakahahawa.
‘Tell me who your friends are and I will tell you who you are.’ Ito ang kalimitang naririnig natin. Hindi naman daw kasi magkakasundu-sundo ang isang grupo kung iba ang paniniwala at hilig ng bawat isa. Nakararamdam tayo ng tuwa kapag nakita nating nagsasama-sama ang isang grupo na nagpapakita ng kanilang talento at kakayahan, hindi naman natin maiwasan ang kabahan kapag nakasasalubong tayo ng isang grupo na tila walang direksyon ang buhay. Sila iyong tipong madilim ang tingin sa paligid kaya walang ginawa kundi manigarilyo, uminom ng alak at magdroga.
Ikaw, sino ang kaibigan mo?
Kung minsan, kahit hindi mo naman talaga matatawag na kaibigan ang isang tao, parang nakukuha mo pa rin ang kanilang gawi, naiisip o nararamdaman basta mabigyan kayo ng pagkakataon na magsama sa isang lugar. Halimbawa, kapag nagkaroon ka ng roommate na madaling ma-depress, may tendensiya na mahawa ka rin sa kanyang pagiging negatibo.
Sa pagsasaliksik ay napagtanto na kapag ang tao ay negatibo agad ang tingin sa taong mayroong depresyon, nahahawa  rin siya sa nakalipas na anim na buwan. Ito ay base sa pag-aaral, ha. Hindi porke punung-puno ng sama ng loob ang isang tao ay makikiiyak ka na lang sa kanya. Mas maigi siyempre kapag pinayuhan mo siya. Sabihin mo sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin. Kung hindi kasi ganito ang iyong gagawin, kawawa ka, siguradong ikaw ang labis na maaapektuhan.
Kapag ang isang tao kasi ay mayroong ‘cognitive vulnerability’ ay tiyak madaling maengganyo ang isang tao sa damdamin ng isang taong depress. Kahit wala siyang problema, siguradong makararamdam pa rin siya ng sakit. At sa paglipas ng ilang buwan ay tiyak na makakaramdam na rin siya ng depresyon.



My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...