,

Lunes, Mayo 8, 2017

PAGMA-MASTERBATE SA WORK, 'DA BEST WAY PARA MALABANAN ANG STRESS

AYON sa malikhaing pag-iisip ng mga psychologists, ang pagma-masturbate ay epektibong panlaban sa stress.

Naku po, tiyak na narami na naman magkaka-interes sa artikulo natin para sa araw na ito. Marami kasing tao ang mahilig...magpa-stress.
O, kinabahan ka, ano?
Siyempre, bawat isa sa atin ay gustong magkaroon ng magandang buhay kaya naman nagtatrabaho tayo ng husto. May mga pagkakataon nga lang na masyado nating dinidibdib ang ating pagtatrabaho kaya naman hindi natin namamalayan na masyado na tayong nai-stress. Kaya, nakakaramdam na tayo ng matinding panlalambot.
Kung kung nais mong takasan ang tensyon na iyong nararamdaman, pagma-masterbate daw ang solusyon. Ito ang sinabi ni Mark Sergent, isang psychology lecturer sa Nottingham Tent University.
Kung nabigla ka sa sinabing ito, mas ikabibigla mo ang sumunod niyang sinabi. Hindi mo na raw kailangang paabuin ng gabi ang pagma-masterbate mo. Mas epektibo raw na mawala ang tensyon na nararamdaman mo kung gagawin mo ito habang ikaw ay nai-stress. Kaya, maaari mo itong magawa habang ikaw ay nagtatrabaho.
Sabi ng malikhaing pag-iisip ni Dr. Cliff Arnall, life coach na nakabase sa Hay-on-Wye, Wales. "Kapag ikaw ay nagma-masterbate, asahan mong mas makapagku-concentrate ka sa'yong pagtatrabaho. Dahil doon, mas marami ka pang magagawa at lagi kang nakangiti."
O, gusto mo bang mapuri ni bossing? Try mo 'to!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento