Lunes, Pebrero 15, 2016

prutas at gulay, PAMPALAKAS NG SEX APPEAL


AYON sa pagsasaliksik ng malikhaing pag-iisip ng mga mananaliksik, ang pagkain ng  prutas at gulay,  araw-araw ay mabisang paraan para  mas maging kaakit-akit ka sa paningin ng kalalakihan o mga kababaihan.
 
Sa panahon ngayon, para raw mas gumanda o gumuwapo ka, mas makabubuti kung magpa-facial ka o magparetoke. Sa pamamagitan daw nito ay magiging maganda o kaakit-akit ka sa paningin ng iyong mahal. Ngunit, kung totoo ito? Bakit marami rin namang magagandang babae na hinihiwalayan ng kanilang mister o kasintahan. Karamihan pa nga sa mga ito ay artista o beauty queen pa.
Maaaring ang sagot, hindi lahat ay maidadaan lang sa ganda. Siyempre, importante rin ang ugali. Kung ang isang tao ay masama ang ugali sa kanyang karelasyon, tiyak na hindi ito tatagal sa kanya.
Pero, mayroon din naman siyempre na kahit sobrang bait ng kanyang asawa ay nagagawa pa niya itong lokohin. Ang dahilan, naglalaho na ang ganda ng kanyang asawa. Napakahirap magpaganda kung alam mong wala kang salapi para suportahan mo ang iyong pagpapaganda. Hindi lahat ng tao ay biniyayaan ng kabigha-bighaning hitsura.
Ikaw ba ay ibig mong magkaroon ng magandang hitsura?
I’m sure ‘oo’ ang iyong isasagot ngunit hindi mo lng alam kung paano gagawin ito. Siyempre, wala kang kakayahang mag-magic.
Hey, hindi mo kailangang maging magikero. Hindi mo rin kailangang gumastos ng malaki para lamang maging maganda ka. Ang kailangan lang, kumain ka palagi ng fruits and vegetables. 
Sabi nga sa pagsasaliksik, kung lagi kang kumakain ng prutas at gulay, mas magiging kaakit-akit ka kaya naman mas mapapansin ka at marami ang manliligaw sa’yo. Ang mga tao nga raw na mahilig sa prutas at gulay ay magkakaroon ng golden glow o may kakaibang aura. Bukod pa sa tataas ang iyong sex appeal, magkakaroon ka pa ng malusog na pangangatawan.
Siyempre, masusustansiyang pagkain ang prutas at gulay kaya sigurado na hindi ka tatablan ng kung anu-anong sakit kung ang mga pagkaing ito ang hilig mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...