AYON sa
pagsasaliksik, kapag kulang sa tulog ang lalaki ay maaari siyang mabaog.
Para sa isang lalaki,
ang anak ay isang trophy. Pakiramdam niya ay may silbi siya sa mundong ito kung
magkakaroon siya ng junior o prinsesa. Kaya naman kung minsan kahit anak lang
nila ito sa pagkabinata ay mahal na mahal pa rin nila ito. Maliban na lang
siguro kung ang isang lalaki ay masasabing walang kuwenta, na walang ibang
mahal kundi ang kanyang sarili. Gayunman, sa pagdating ng tamang panahon ay siguradong
mari-realize din nila ang kanilang pagkakamali.
O, gusto mo bang magkaanak?
Hindi naman kasi porke gusto mong magkaanak ay magkakaanak
ka na. Siyempre kailangan mo rin munang magplano. Sino ba ang magiging ina ng
iyong anak? Handa ka na ba talagang maging ama? Nakalulungkot lamang isipin na
kahit na gustung-gusto mong maging ama, pupuwedeng hindi ito matupad kung
parati kang magpupuyat.
Sa pag-aaral kasi ay napagtanto na kapag kulang sa tulog
lalaki ay maaaring bumaba ang kanilang spermcount. Kaya naman kung ang isang
binatilyo ay mahilig magpuyat dahil nais nilang parting magkaroon ng kanilang
night life o mayroon silang insomia, maaaring manganib ang kanilang sperm
count. Sa pamamagitan noon ay mapupurnada ang ambisyon nilang magkaroon ng kung
ilang anak.
O, mahilig ka bang magpuyat?
Kung nais mo na magkaroon ng malusog na katawan,
hinding-hindi mo nanaisin na magpuyat. Kung sa palagay mo ay hindi ka
makatulog, makabubuti na ipikit mo na lamang ang iyong mga mata ay mahiga.
Tiyak naman na darating din ang oras na makakatulog ka.
Samantalang kung babangon ka sa’yong higaan at manonood ng TV,
mahihirapan ka na talagang makatulog. Kung ganoon ka parati, aba, magkakaroon
ka na ng unhealthy life style. Kung masasanay kasi nang masasanay ang katawan
mo na kulang ka sa tulog, tiyak na kahit
gustuhin mong matulog ng maaga ay hindi mo na magagawa.
Sabi nga, hindi naman porke ngayon ka nagtanim ay ngayon ka
rin aani. Siyempre, magbibilang ka pa ng mahabang panahon bago mo ma-realize na
mali
ang ginawa mong pagpupuyat.
O, nagpupuyat ka ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento