Lunes, Pebrero 15, 2016

Madalas na pag-i-FB, dahilan kaya nagkakaroon ng anorexia


AYON sa pagsasaliksik, ang mga taong madalas mag-open ng FB  account ay nagkakaroon ng  anorexia.
 
Ang anorexia ay isang eating disorder. Ang taong maroon nito ay kakaunti lang ang kinakain at pagkaraan ay isinusuka pa. Paano, ang tingin niya sa kanyang sarili ay mataba kahit hindi naman.
Sa pag-aaral ay napag-alaman na ang karamihan sa mga nag-i-FB ay nagkakaroon ng sakit na anorexia. Kung minsan kasi ay wala silang ginawa kundi tumitig na lang sa mga larawan na naroroon. Kung makikita nila na mas sexy sa kanila ang mga ito, ang iisipin nila ay mataba na sila.
Kadalasan ay nangyayari ito sa mga teenagers na mahilig mag-FB. Dahil kasi sa immature sila at madaling ma-insecure ay negatibo ang tingin nila sa kanilang sarili. Hindi nila malagay sa malikhaing pag-iisip nila na may sarili silang ganda na dapat na ipagmalaki. 
O, hindi ba, ang mga teenager ay masyadong emosyonal. Sa mga edad kasi nila ay umuusbong ang crush o first love. Kaya, kung makikita nila na may ibang nagugustuhan ang kanilang hinahangaan ay may tendensiya na magdamdam sila ng husto. Sa sobra nilang pagdaramdam ay maiisip nila na mayroong mali sa kanilang hitsura.
Sa pag-aaral nga ng mga mananaliksik sa American University na matatagpuan sa Washington ay napag-alaman na ang 103 dalagita na palaging nag-i-FB ay bumagsak sa psychological test na may kinalaman sa tingin nila sa kanilang sarili. Kahit hindi naman sila katabaan ay pakiramdam nila ay napakataba na nila.
Sabi naman ng mga mananaliksik na sina Evelyn Meier at James  “Okay lang naman na matagal kang nakatutok sa FB at nakikipag-chat. Ang masama ay kung titingnan mo pa ang larawan ng taong iyong kinaiinggitan. Doon kasi magsisimula ang iyong insecurity.”
O, nakikita mo bang laging nakatitig ang iyong anak sa FB lalo na sa mga larawan ng kaedad niyang babae o lalaki,
Kung sa tingin mo ay nakakaproblema siya sa kanyang pagkain dahil sa madalas niyang pagtitig sa larawan  ng kung sinu-sinong kinaiinggitan niya, makabubuti siguro kung siya ay iyong kakausapin at pagsasabihan. Sa pamamagitan nito ay baka maipaunawa mo sa kanya na hindi siya dapat magkaroon ng insecurity sa iba dahil bawat tao naman ay may kanya-kanyang katangian.


2 komento:

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...