,

Lunes, Mayo 1, 2017

DAHILAN KUNG BAKIT GOOD SA HEALTH ANG PANONOOD NG SPORTS, ALAMIN!

Ayon sa malikhaing pag-iisip ng mga mananaliksik, ang panonood ng sports sa TV ay mabisang paraan para mag-improve ang iyong kalusugan.

Ang katamaran ang pinakamalalang sakit ng tao na tila walang lunas. Kung hindi mo kasi paglalabanan ang iyong katamaran ay siguradong hindi mo magagawang tuparin ang anumang naisin mo.

Paano ka magkakaroon ng magandang buhay kung hindi ka magsusumikap? Paano ka magkakaroon ng mataas na sahod kung hindi ka nagtatrabaho ng mabuti? Paano mo makakamit ang magandang katawan na iyong pinapangarap kung hindi ka mag-eehersisyo.

Hay, nakalulungkot isipin na may mga taong pati ang lanyang kalusugan ay kanyang pinababayaan dahil lang sa kanyang katamaran. O, hindi ba, kapag ililinga mo lang ang iyong tingin ay makikita mo na may mga taong hindi kaaya-aya ang timbang. Ang dahilan, mas gusto pa nilang umupo at mahiga maghapon para mapagbigyan nila ang kanilang katamaran.

Ikaw, tamad ka rin bang mag-ehersisyo?

Hindi nga ba kaaya-aya ang timbang mo?

Naku, bago pa mahuli ang lahat, makabubuting mag-ehersisyo ka na para naman kahit paano ay bumaba ang iyong timbang.

Ngunit, kung talagang inaatake ka ng katamaran at ayaw mong maglakad o mag-jogging man lang kahit ilang minuto, makabubuting basahin mo ang artikulo na ito. Sa pamamagitan kasi nito ay malalaman mong maaari ka rin palang makapag-ehersisyo kahit nakaupo ka lang maghapon at nanonood ng TV. Iyon nga lang, ang dapat mong panoorin ay tungkol sa sports.

Sa bagong pag-aaral ng mga mananaliksik sa  University of Western Sydney  na kapag nanonood ka ng sports ay tumataas ang iyong heart rate.  Kinakabahan ka kasi. Kaya naman bumibilis ang tibok ng iyong puso. At sa pag-aaral din ay napag-alaman na ang katumbas ng panonood ng sports ay para ring pag-eehersisyo.

Oh, hindi, kapag may laban si Manny Pacquiao ay abot-abot ang kabang nararamdaman mo kada round. Kung nasusuntok niya ang kanyang kalaban ay hindi mo rin mapigilan ang mapahiyaw.

Kung ang ASKALS ay nakaka-goal, hindi ba sobra kang nai-excite kapag nakikita mong makaka-goal na sila?

Kung ang paboritong team mo naman sa basketball ang nakakapuntos ay hindi mo rin maiwasan ang mapatalon.

O, hindi ba kapag natapos kang manood ng sports, ay nararamdaman mo rin na hinihingal ka?

Ito ay dahil nga ang muscle sympathetic nerve mo ay gumagalaw kapag nanonood ka ng palabas na may physical activity gaya ng boxing, football, basketball at kung anu-ano pang paborito mong sports.

Gayunman, kailangan mo pa ring tandaan na mas maigi pa rin kung mag-eehersisyo ka. Maaari mo naman kasing sabayan ng pag-eehersisyo kapag nanonood ka ng sports, hindi ba? Sa pamamagitan pa noon ay mai-inspire ka na maging katulad ng iyong iniidulo kahit man lang ang ganda ng katawan nila ay magaya mo.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento