,

Lunes, Mayo 1, 2017

DAHILAN KAYA MAS SAKITIN ANG PANGANAY KAYSA SA BUNSO, ALAMIN

 HATING magkapatid, ito ang laging  sinasabi mayroong pagkain na dapat paghatian lalo na ang magkakapatid. Dapat talagang pantay para walang pagseselosan ang isa. Ngunit, kahit kailan at kahit saan, hindi talaga maaaring magpantay ang dalawang tao. Tuwina ay mayroong nakalalamang at ito ang aking napatotohanan.

Ang panganay ay may mabigat na responsibilidad sa kanyang mga gawaing bahay at mga kapatid, ang pangalawa o panggitna naman ay nagsisilbing tagaawat kapag nag-aaway ang kanyang mga kapatid at ang bunso naman ang binigyan ng karapatan na maging pasaway (hehehe  -- obvious ba kung saan ako riyan?)

Sabi ng malikhaing pag-iisip ng marami, pantay-pantay lamang ang pagmamahal ng mga magulang sa kanyang mga anak. Hmmm, maaari pero kahit na pagbali-baliktarin mo ang katotohanan, mayroon pa ring mas nakalalamang., Siyempre, mas malapit ang mga magulang sa mabait na anak dahil nakikita nila rito na ito ang kanilang maaasahan sa kanilang pagtanda.

At ito ay gaya rin ng hindi maaaring isilang ng mommy na ang anak niya ay may pantay-pantay na kakayahan. Siyempre, ang kanyang mga anak ay isinilang sa iba’t ibang panahon at sitwasyon, kaya mayroon sa kanilang may malakas na pangangatawan at mayroong maraming karamdaman.

Sa artikulo natin ngayon ay hindi ko maiwasan ang  magsabi ng good news para sa mga bunso at bad news naman para sa panganay at maaaring sa susunod pa nilang magkakapatid dahil sa kanilang kalusugan.

Sa pagsasaliksik kasing isinagawa ay napag-alaman na ang bunso ay may maliit na tsansa lamang na magkaroon asthma, tonsillitis at sipon. Samantalang ang panganay naman ay ang madalas na nakakakuha ng kung anu-anong sakit.

Pero, hindi porke bunso ka ay labis na ang katuwaan ang mararamdaman mo, ah. Ilan lang naman kasi ‘yan sa advantage ng bunso. Subalit, ang npagkakaroon ng diabetes at ADHD ay pare-pareho ang transa ng mga anak. Kaya nga lang ang respiratory infection ay kalimitan na ang panganay ang nagdurusa.

Ang mga mananaliksik sa Karolinska Institutet sa Sweden ang gumawa ng pagsasaliksik na ‘yan at ginawa nila ito sa 300,000 na bata na ipinanganak sa pagitan ng 1996 at 2002.

Doon nga napag-alaman na ang mga panganay o ang nag-iisang anak  ang kalimitang may problema sa kalusugan. Bakit nga ba ganoon? Dahil sa first time pa lamang na nagbubuntis ang kanyang ina kaya naman kung anu-ano pang medical advices ang kanyang hinihingi dahilan kaya mas prone siya sa kung anu-anong sakit. At kaya wala na halos sakit ang kanyang bunso ay dahil sa marami na siyang karanasan sa kung anu-ano ang dapat niyang gawin at iwasan para hindi maging sakitin ang kanilang magiging bunso.

O, ano ka ba, panganay o bunso?











Walang komento:

Mag-post ng isang Komento