Ipinapakita ang mga post na may etiketa na about mental health. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na about mental health. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Mayo 8, 2017

Alamin ang mabisang paraan para labanan ang stress

AYON sa malikhaing pag-iisip ng mga psychologists, ang pagma-masturbate ay epektibong panlaban sa stress.



Naku po, tiyak na narami na naman magkaka-interes sa artikulo natin para sa araw na ito. Marami kasing tao ang mahilig...magpa-stress.

O, kinabahan ka, ano?

Siyempre, bawat isa sa atin ay gustong magkaroon ng magandang buhay kaya naman nagtatrabaho tayo ng husto. May mga pagkakataon nga lang na masyado nating dinidibdib ang ating pagtatrabaho kaya naman hindi natin namamalayan na masyado na tayong nai-stress. Kaya, nakakaramdam na tayo ng matinding panlalambot.

Kung kung nais mong takasan ang tensyon na iyong nararamdaman, pagma-masterbate daw ang solusyon. Ito ang sinabi ni Mark Sergent, isang psychology lecturer sa Nottingham Tent University.

Kung nabigla ka sa sinabing ito, mas ikabibigla mo ang sumunod niyang sinabi. Hindi mo na raw kailangang paabutin ng gabi ang pagma-masterbate mo. Mas epektibo raw na mawala ang tensyon na nararamdaman mo kung gagawin mo ito habang ikaw ay nai-stress. Kaya, maaari mo itong magawa habang ikaw ay nagtatrabaho.

Sabi ng malikhaing pag-iisip ni Dr. Cliff Arnall, life coach na nakabase sa Hay-on-Wye, Wales. "Kapag ikaw ay nagma-masterbate, asahan mong mas makapagku-concentrate ka sa'yong pagtatrabaho. Dahil doon, mas marami ka pang magagawa at lagi kang nakangiti."
O, gusto mo bang mapuri ni bossing? Try mo 'to!

Lunes, Mayo 1, 2017

MGA BULLY, MAHILIG MAGPARETOKE

AYON sa malikhaing pag-iisip ng mga mananaliksik, ang mga nagpaparetoke ay ang mga taong mahilig mam-bully.
Sa mga estudyante, hindi nawawala iyong mga mahilig mang-asar at mang-away lalo na kung alam na alam nila na sila ay biniyayaan ng good looks.
Ngunit, bakit nga ba may mga taong mahilig mang-away mo mam-bully? Ang sagot diyan, ibig nilang pagtakpan ang sarili nilang kahinaan at gusto nilang isaksak sa isipan ng mga tao na superior ang dating nila.
Iyon nga lang, kailangan nilang panindigan ang pagiging bully nila. Kailangan sa mata ng lahat ay manatili silang superior, iyon bang tipong walang maipipintas sa kanilang anyo kaya naman ayon sa pagsasaliksik na aking isinagawa, napag-alaman ko na ang mga mahihilig mam-bully riyan ay laging sumasailalim sa pagpaparetoke. Ito ay pinatunayan ng lead author na si Prof. Dieter Wolke ng Warwick University.
Dahil siyempre bully siya noong kabataan niya, hindi niya hahayaan na sa kanyang pagtanda ay siya naman ang mabu-bully. Kaya naman lahat ng paraang alam niya ay gagawin niya para mapanatili ang kanyang ganda. Mas gusto niya kasing hangaan siya kaysa pintasan.
Ikaw, bully ka ba?
O, magparetoke ka na dahil baka kapag nagkita kayong muli ng taong binu-bully mo at matuklasan niyang mas maganda na siya sa'yo ay bumalik sa'yo ang lahat ng ginawa mo rabi. Sabi nga, mabilis lang ang karma.

PARAAN PARA MAWALAN NG GANA KUMAIN, ALAMIN!

AYON sa malikhaing pag-iisip ng mga scientist, ang paggamit ng pulang plato ay paraan para mabawasan ang gana mo sa pagkain.

Siguro naman ay umaayon ka kung sasabihin kong kaya tayo tumataba ay dahil hindi natin mapigilan ang pagkain ng marami lalo na kung masarap ang ulam. Dahilan, kaya naiisantabi natin ang pagdidiyeta. So, nanganganib na naman ang ating figure at hindi ito nararapat.
Mahirap maging mataba! Ito ang sigaw ng matataba. Dahil kasi dito, nahihirapan silang kumilos ng mabilis at kapag napapagod sila ay dumadagundong ang kanilang dibdib. Parang nakikipaghabulan sa monster.
So, gusto mo na bang pumayat?
Tiyak na oo ang isasagot mo kaya nga lang mahihirapan kang gawin ito kung maraming pagkain sa inyong ref o kaya naman marami pang perang pambili ng pagkain. Tapos, gusto mo pa doon sa unlimited rice o kaya sa one to sawa ang pagkain.
So, kung ganoon nga ang ginagawa mo, paano ka papayat? Siyempre, kakalimutan mo muna ang pagda-diet mo dahil masarap nga ang kumain. Pero, sa isang bahagi ng iyong isipan, alam kong gugustuhin mo na rin ang pumayat.
Kung ganoon, kailangan mong malaman ang technique kung paano ka mawalan ng gana kumain.
Kaya sa pagsasaliksik ni Dr. Charles Spence, professor ng Experimental psychology ng University of Oxford, ang paggamit daw ng red plate o pulang plato ay paraan para konti lang ang makain natin. Samantalang ang paggamit naman ng puting plato ay parang tinatawag tayong kumain nang kumain ng dessert.
Ikaw ba, hindi mo ito napapansin?
Maging mapagmatyag ka at malalaman mo rin ang pagkakaiba ng gana mo kapag gumagamit ka ng pula o puting plato.

Miyerkules, Marso 9, 2016

MGA TAONG SINUNGALING, BUKING SA KANILANG KILOS AT PANANALITA



EYES are the window of the soul.  Sabi, tumingin ka lang sa mata ng isang tao at malalaman mo na kung siya ba ay nagsisinungaling o hindi.  Kung hindi ito makatingin ng diretso, tiyak na mayroon itong itinatago.  Kaya naman, ang agad nating iisipin ay hindi siya nagsasabi ng totoo.  Ngunit, sa panahon ngayon, mahirap ng malaman kung ang isang tao ay sinungaling o hindi. 

May mga taong nadu-dugu-dugo gang. Ibig sabihin, naloloko. Sa pagtitig kasi nila sa mga mata ng taong ito ay nagagawa niyang maging sunud-sunuran dito. Kaya naman, ang ending, sila ay nananakawan o nahu-hold up. Kaya nga lang, walang makakaalam na nasa ganoong sitwasyon pala sila dahil sa nasa ilalim sila ng kung anong kapangyarihan. Nahi-hypnotize kasi sila.
Ikaw, nagagawa mo bang magsinungaling?
Hay naku, napakahirap naman talaga para sa isang tao na sabihin kung siya ba ay sinungaling o hindi kung minsan kahit nagsisinungaling siya, nagagawa pa rin niyang idikdik sa kanyang sarili na nagsasabi siya ng totoo.  Kaya. sa malikhaing pag-iisip mo, tandaang kapag ang isang tao ay mayroong autism o Alzheimer’s, hindi nila nagagawang paghiwalayin ang katotohanan sa gawa-gawa lang.
Gayunman, kung gagamitin mo lang ang iyong talino ay makukuha mong malaman kung ang kaharap mo ba ay nagsisinungaling. Ang kailangan mo lang gawin ay pakinggan ang kanyang tinig. Kapag nahimigan mong ang boses niya ay may kalangkap na pang-uuyam, tiyak na siya ay nagsisinungaling , May mga pagkakataon kasi na ibig lang niyang makapagyabang.
Kaya naman para makatulong ang Montreal researchers, nagpakita sila ng videos kung saan madi-detect mo talaga ang mga tao na nagsisinungaling. Kaya para hindi ka maloko, tandaan mo ang ilang detalye na ito. Sa hitsura pa lang kasi ng isang tao, kahit kapani-paniwala ang kanyang sinasabi ay makikita mo na kung siya ay nagloloko o hindi. Siyempre, tumitirik-tirik ang kanilang mga mata at pangisi-ngisi siya. Samantalang ang taong seryoso sa kanyang sinasabi, mararamdaman mo kanyang katapatan.
Kaya kung ayaw mong mabiktima ng mga taong manloloko, kailangan ay pagmasdan mo rin kung paano siya kumilos at magsalita. Kahit na gaano pa siya kagaling magsinungaling, tiyak na mabubuking mo siya.
O, ikaw, liar ka ba? 

IBA’T IBANG PARAAN PARA HINDI MAKAKAIN NG MARAMI



SINABI ni Prof. Brian Wansink, mula sa Cornell University, na ang pagtaba natin ay nakadepende sa mga nakalagay sa kusina. Kaya, kahit gustuhin nating mag-diet, mahihirapan tayong gawin ito kung santambak ang pagkain na nakahain sa'yong harapan. 
Napabayaan kasi siya sa kusina. Ang mga katagang ito ang agad na papasok sa ating utak kapag nakita natin na ang isang tao ay mataba.
Talaga namang kapag marami kang nakakain ay sigurado na hindi magiging pang-Miss Universe ang iyong katawan dahil hindi mo mapipigilan ang kumain. Maliban na lamang kung mabilis ang iyong panunaw. Ngunit, hindi naman siyempre lahat ng tao ay mabilis bumaba ang kinain. 

Kung ikaw ay tabain, kailangan ay magawa mo talagang kontrolin ang iyong sarili upang hindi ka maging lumba-lumba. Huwag kang mag-alala, kahit na maraming pagkaing nakaimbak sa’yong kusina, magagawa mo pa rin namang magdiyeta kung gugustuhin mo. Ang kailangan mo lang ay gawin, isaksak sa malikhaing pag-iisip mo ang ilang tips sa pagda-diet na sasabihin ko.

Una, ilayo mo ang pagkain sa’yong paningin. Kung ilalagay mo ito sa lalagyan, hindi mo ito makikita. Natural sa atin na kapag pirmi mong nakikita ang isang pagkain, gustung-gusto mo itong kainin. Kaya kung iyon ay nakatago, iisipin mo na lang na walang pagkain. Kung iyon naman ay nakalagay pa sa lata ng biscit, iisipin mo muna kung gugustuhin mo nga bang buksan iyon. Karaniwan, sasabihin mo sa’yong sarili na makabubuti kung sa ibang araw mo na iyon kakainin.

Pangalawa, kung kakain ka, tiyakin mong magkakontra ang kulay ng iyong plato at ng iyong kakainin. Kaya kung spaghetti ang iyon kakainin, kumuha ka ng putting plato. Kung carbonara raw kasi ang kakainin mo at gagamit ka ng puting plato, hindi mo raw mamamalayan na marami kang nakakain. Samantalang, kung magkaiba ang kulay ng iyong plato at kinakain, kahit kakaunti pa lang ang iyong kinakain, pakiramdam mo ay nakarami ka na ng kain.

Pangatlo, magpatugtog ka ng soft music habang kumakain. Kapag raw kasi, mabagal ang musica, mas mari-relax ang iyong utak. Sa pamamagitran noon ay kakaunti lamang ang iyong makakain. Samantalang kung rock ang trip mong tugtog, mas gaganahan ka sa’yong ginagawa. Kungganoon, mas gaganahan ka sa pagkain at hindi ito ang dapat na mangyari.

Pang-apat, ilagay mo pa sa mesa ang mga sobrang pagkain at tiyak kong mapapabilis ang iyong pagkain. Siyempre, dahil hindi mo na nanaisin pang matukso. Kailangan nga lang, matindi ang iyong pagpipigil. 

O, magagawa mo bang gawin ang mga ito?
Kung sasabihin mong ‘oo’ pagkalipas ng ilang lingo o buwan, tingnan mo kung magiging effective ba ang iyong ginagawa. Saka sabi nga, kapag-inilagay mo sa malikhaing pag-iisip mo ang iyong nais, magagawa mo ito ng walang kahirap-hirap. 



MGA NASA GRAVEYARD SHIFT, NAGKAKAROON NG SAKIT SA PAG-IISIP



AYON sa pag-aaral, ang mga taong nasa graveyard shift ay maaaring magkaroon ng Alzheimer’s. 
 
Sabi ng mga malikhaing pag-iisip ng mga scientists, nagawa nilang patunayan na kapag binago mo ang nakaugalian ng iyong katawan, maaaring maging dahilan ito para maapektuhan ang iyong alaala at kalaunan ay maaaring maging dementia.
Sa eksperimento kasing isinagawa, napag-alaman na kapag gabi nagtatrabaho ang tao ay palagi silang inaantok at nakakaramdam sila ng panlalata o pakiramdam niya ay lagi siyang mayroong sakit.
Ang karaniwan naman kasi talagang pagtatrabaho ng tao ay sa umaga, 8 am to 5 pm. Sa pamamagitan nito, lahat ng energy na na-restore sa’yong katawan nu’ng matulog ka, ay magagamit mo. Kaya lang may mga taong hindi normal ang kanilang pasok. Sila ay iyong mga panggabi. Kung titingnan natin sila, ang agad na papasok sa isipan natin ay malakas sila dahil nagawa nilang sumabak sa puyatan. Kahit kasi gustuhin nilang makatulog, hindi nila magagawa lalo na’t kung nakabantay ang kanilang boss o may mga dapat silang bantayan.
Kaya kung may pagkakataon lang, mas piliin mong magtrabaho sa umaga dahil mas malaki ang benepisyo na makukuha mo rito. Siguro naman ay mapapansin mo na kapag ikaw ay sa umaga nagtatrabaho, maayos ang takbo ng utak mo. Pakiramdam mo ay fresh na fresh ang utak mo kaya nagagawa mong mag-isip ng tama at maayos. Kung ikaw naman ay panggabi, kahit pa sabihin mong nakatulog ka ng mahaba sa umaga, pagdating ng gabi, makakaramdam ka pa rin ng antok.
Sabi nga ng marami, iba raw kasi talaga kapag sa gabi ka natulog ng mahaba.
Ikaw, nasa graveyard shift ka ba?
Kung ‘oo’, alam mo bang bumababa ang level ng iyong key brain antioxidant na tinatawag na glutathione. Dahil dito, maaari kang magkaroon ng Alzheimer’s.
Sabi ng mga mananaliksik, kung kulang na kulang ang iyong tulog, maaari ka talagang dapuan ng sakit sa pag-iisip. Ito nga ay ang pagkakaroon ng dementia at Alzheimer’s.
Kung ikaw ay nagtatrabaho sa gabi, kailangan mong malaman na sa pamamagitan noon ay masisira ang iyong immune system, kaya malaki ang tendensiya na ikaw ay magkaroon ng Alzheimer’s.
Nanaisin mo bang mangyari iyon? Well, ayaw man kitang takutin pero ito ay ayon sa pag-aaral. Kung nagtatrabaho ka nga sa gabi siguro naman ay nararamdaman mong parang hindi gumagana ng mahusay ang iyong utak dahil tila inaantok ka. Kaya, kung pipilitin mong gumising, para mo na ring inaawat ang utak mo. Kaya sa halip na makaalala siya lagi, agad niya iyong nakakalimutan.

PAGSABI NG ‘WAIT’ SA BATA, HINDI NAKAKATULONG SA PAG-IMPROVE NG KANILANG SELF CONTROL




AYON sa pagsasaliksik, hindi nakakatulong sa bata‘yong iyong pagpapahintay o iyong pagsasabi lagi ng 'wait'. 
Sa wikang ingles, sinasabing patience is a virtue. Sa tagalog naman, kapag may tiyaga ay may nilaga. Ibig sabihin, lahat ng bagay ay makakamtan natin sa tamang panahon tulad nina Alden at Yaya Dub kaya mas matamis ang tagumpay ng kanilang lovestory dahil katakot-takot ang kanilang pinagdaanan. Kung hindi kasi nagtiyaga ng husto si Alden sa mga ‘pagpapahirap’ sa kanya ni Lola Nidora, siguradong hindi bebenta ang kanilang lovestory.
Ngunit, bakit nga ba sinasabi sa pag-aaral na hindi naman daw nag-i-improve ang self-control ng mga bata kapag sinasabi natin na maghintay sila ng right time? Heto ang sagot ng mga mayroong malikhaing pag-iisip na talaga namang nagsaliksik para makamit natin ang kasagutang ating hinahanap. Kung minsan kasi ay nakakaramdam pa ng hinanakit ang bata kapag hindi agad ibinigay sa kanila ang mga bagay na kanilang nagustuhan. Ang iisipin pa niya ay kinakawawa siya. Kaya naman sa halip na maghintay na lang siya tulad ng nais mong ipagawa sa kanya, gugustuhin niyang tumakbo na lang o magdamdam.
Sa pagsasaliksik na isinagawa ng University of Colorado Boulder, kaya madalas na sabihin ng mga magulang sa kanilang anak ang katagang ‘wait’ dahil sa gusto nilang mag-improve pa ang self-control ng mga ito. Naniniwala kasi sila na kung makapagtitiyagang maghintay ang kanilang anak, madali na silang matututunan ang pagtitiyaga.
Ngunit, bilang mga magulang, alam mo rin dapat kung effective nga ba ang gusto mong ipagawa sa kanya dahil kalimitan ay maaari ka ring sumablay.
Hindi naman kasi porke inawat mo siya sa pagkain ng chocolate o ‘di kaya naman sa panonood ng tv at magbibigay ka sa kanya ng takdang oras kung kailan ka lang dapat na manood ay magiging matiyaga na siyang maghintay. Kung makakakita kasi siya ng pagkakataon ay maaari rin niyang suwayin ang iyong gusto. Samantalang kung ang gagawin mo ay ipapaliwanag sa kanya ang dahilan mo kung bakit kailangan mo siyang paghintayin, magagawa ka rin naman niyang sundin. Kaya kung nais mong maging maayos ang lahat, makabubuting kausapin mo ng mabuti ang iyong anak. Mas magiging responsable kasi  siya kung ipapaliwanag mo sa kanya ng husto ang kabutihang magagawa sa kanya kapag nagawa niyang magtiyaga.

Huwebes, Agosto 7, 2014

PAGGAMIT NG DEODORANT, DEADLY!

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


AYAW nating ma-turn-off ang ating mga crush kaya lahat ng paraan ay gagawin natin para always smell good tayo. Iyon nga lang, hindi lang pabango ang solusyon para maging aprub palagi ang amoy. Mababalewala siyempre ang mamahalin nating pabango kung mayroon naman tayong B.O.
Yuck! Ito ang agad nating ibubulalas kapag naamoy natin na mayroong masangsang na amoy ang ating crush. Siyempre, agad tayong mati-turn off sa kanya. O, hindi ba nagkakagusto lang naman tayo sa tao dahil sa mga positibo niyang katangian? Kaya kung makakakita tayo ng negative sa kanya, malaki ang posibilidad na maglaho ang paghanga natin sa ating crush.
O, ibig mo bang ma-turn off sa’yo ang iyong crush?

Kung hindi mo gusto ng malikhaing pa-iisip mo na  ma-turn off sa’yo ang iyong crush, dapat ay magkaroon ka ng proper hygiene. Kailangan ay lagi kang mabango. Maging regular ang iyong paliligo. Kung alam mo na mayroon kang deadly BO. Kailangan  siguro kung gagamit ka ng deodorant. Sa pamamagitan nito ay makokontol ang iyong nakaririmarim na amoy.
Sa panahon ngayon ay karaniwan na sa mga tao ang gumagamit ng deodorant. Mapapropesyunal man o mapa-teenager, pinipiling magpahid o mag-spray ng deodorant. Wala naman siyempreng tao na gustong pandirihan dahil sa kanyang amoy. Ngunit, hindi naman lahat ng deodorant  ay makapagdudulot ng kabutihan sa’yo. Maaari ngang mababawasan nito ang amoy mo ngunit may disadvantage rin ito sa tao partikular na sa mga teenager.
May mga  deodorant kasi na mayroong sobra-sobrang aerosol chemicals  kaya naman kung ipapahid o ii-spray ito sa’yong katawan, tiyak na makasasama ito sa’yong kalusugan. Maaari kang magkaroon ng allergy , asthma at mahihirapan ka ring huminga. Ang tinatarget nga nito ay ang puso.
Sabi nga ni Maureen Jenkins, director of clinical services at Allergy, kaya marami ang mayroong asthma, rhinitis o eczema ay dahil sa matapang na pabango.
Kaya naman kung gagamit ka ng deodorant, huwag masyadong marami at baka hindi pa natatapos ang araw ay isugot ka na sa ospital dahil nagkaroon ka ng allergy o hindi ka makahinga. Ang pananakit din ng ulo matapos mag-spray o magpahid ng deodorant ay isang paraan para malaman mo na may matinding kemikal ang deodorant na iyong ginagamit.
Kaya paalala sa mga teenager, huwag masyadong gagamit ng deodorant.





My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...