KAPAG ang buntis ay natutulog ng patagilid, may tendensiya
na siya ay makunan. Ito ay ayon sa mga mananaliksik na taga-Australia.
Hindi madali ang magbuntis! Tiyak kong maraming ina ang
sasang-ayon sa akin. Talaga naman kasing sobra-sobra ang sakripisyo ng mga ina
kapag mayroon na siyang dinadala. Marami na kasing bawal sa kanya at unti-unti
na ring magbabago ang hugis ng kanyang katawan.
Ikaw ba ay buntis?
Kung sasabihin mong ‘oo’ kailangan mong isaksak sa malikhaing pag-iisip mo na hindi ka
lang dapat maging conscious sa’yong pagkain. Dapat ding kalimutan mo rin muna
ang ibang mga nakasanayan mo tulad ng paghiga ng nakatagilid.
Over naman! Maaaring ito ang magiging reaksyon mo pero kailangang
kapag matutulog ka ay siguraduhin mo na ikaw ay nakatihaya. Kung pipiliin mo
kasing matulog nang nakatagilid ay malaki ang posibilidad na maapektuhan ang
iyong dinadala at maging dahilan pa ito para ikaw ay makunan.
Sa pag-aaral ngang isinagawa sa walong ospital na
nakapalibot sa Australia
ay inaalam ang rason kung bakit marami ang nakukunan. Sa limang taon nilang
pagsasaliksik ay napag-alaman nila na ang mga nakukunan ay iyong mahilig na
humiga ng patagilid.
Sabi nga ni Dr Adrienne Gordon, lead researcher na nagmula
sa Sydney's Royal Prince Alfred Hospital, ang paghiga ng patagilid kapag
nagdadalang-tao ay napakadelikado para sa’yong dinadala ay dahil hindi maayos ang daloy ng dugo na dapat ay mapunta
sa’yong dinadala.
O, hihintayin mo pa bang mangyari ito sa’yong dinadala?
Huwag mo na sanang hintayin na mangyari ito kaya dapat
lamang na bago ka pa magsisi ay pag-aralan mo ng umayos ng higa sa’yong
pagtulog. Siguro naman ay nais mo ring maging okay ang kalagayan ng iyong
dinadala, ano? Kungganoon, tiyakin mo na lang na magiging komportable ang iyong baby sa’yong sinapiupunan.
Hay, huwag mo na hintayin pang maranasan ang pagdurusang
pinagdaraanan ng mga ina na nakunan dahil hindi ayos ang kanilang paghiga.
Nakakapanlambot ngang isipin na kada taon ay 4,000 ang nakukunan sa Uk at kada araw
ay 11 ina ang nawawalan ng baby dahil sa pagtulog ng nakatagilid.
O, matutulog ka pa bang nakatagilid?