EYES are the window of the soul. Sabi, tumingin ka lang sa mata ng isang tao at
malalaman mo na kung siya ba ay nagsisinungaling o hindi. Kung hindi ito makatingin ng diretso, tiyak
na mayroon itong itinatago. Kaya naman,
ang agad nating iisipin ay hindi siya nagsasabi ng totoo. Ngunit, sa panahon ngayon, mahirap ng malaman
kung ang isang tao ay sinungaling o hindi.
May mga taong nadu-dugu-dugo gang. Ibig sabihin, naloloko.
Sa pagtitig kasi nila sa mga mata ng taong ito ay nagagawa niyang maging
sunud-sunuran dito. Kaya naman, ang ending, sila ay nananakawan o nahu-hold up.
Kaya nga lang, walang makakaalam na nasa ganoong sitwasyon pala sila dahil sa
nasa ilalim sila ng kung anong kapangyarihan. Nahi-hypnotize kasi sila.
Ikaw, nagagawa mo bang magsinungaling?
Hay naku, napakahirap naman talaga para sa isang tao na
sabihin kung siya ba ay sinungaling o hindi kung minsan kahit nagsisinungaling
siya, nagagawa pa rin niyang idikdik sa kanyang sarili na nagsasabi siya ng
totoo. Kaya. sa malikhaing pag-iisip mo, tandaang kapag ang isang tao ay
mayroong autism o Alzheimer’s, hindi nila nagagawang paghiwalayin ang
katotohanan sa gawa-gawa lang.
Gayunman, kung gagamitin mo lang ang iyong talino ay
makukuha mong malaman kung ang kaharap mo ba ay nagsisinungaling. Ang kailangan
mo lang gawin ay pakinggan ang kanyang tinig. Kapag nahimigan mong ang boses
niya ay may kalangkap na pang-uuyam, tiyak na siya ay nagsisinungaling , May
mga pagkakataon kasi na ibig lang niyang makapagyabang.
Kaya naman para makatulong ang Montreal researchers,
nagpakita sila ng videos kung saan madi-detect mo talaga ang mga tao na
nagsisinungaling. Kaya para hindi ka maloko, tandaan mo ang ilang detalye na
ito. Sa hitsura pa lang kasi ng isang tao, kahit kapani-paniwala ang kanyang
sinasabi ay makikita mo na kung siya ay nagloloko o hindi. Siyempre, tumitirik-tirik
ang kanilang mga mata at pangisi-ngisi siya. Samantalang ang taong seryoso sa
kanyang sinasabi, mararamdaman mo kanyang katapatan.
Kaya kung ayaw mong mabiktima ng mga taong manloloko,
kailangan ay pagmasdan mo rin kung paano siya kumilos at magsalita. Kahit na
gaano pa siya kagaling magsinungaling, tiyak na mabubuking mo siya.
O, ikaw, liar ka ba?
O, ikaw, liar ka ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento