Sabado, Oktubre 19, 2013

Pananakit ng ngipin habang naglalakad, pagkakalbo, pangangasul ng kuko etc… IBA’T IBANG SENYALES NG SAKIT SA PUSO

HINIHINGAL ka ba  parati? Naninikip ang iyong dibdib kapag nagagalit? Ang mga ito ay ilan lamang palatandaan na mayroon kang sakit sa puso. Huwag mong isipin na porke hindi ka nakakaramdam ng ganito ay malusog na ang iyong puso. Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman kong kahit pala simpleng diprensiya sa ating paningin ay maaari palang palatandaan na mayroon kang sakit sa puso. Nais mo bang malaman kung anu-ano ang mga ito? Naririto at aking ibabahagi sa’yo.
Sumasakit ba ang iyong ngipin habang ikaw ay naglalakad? Maaaring sa una ay inaakala mo na kaya lang sumasakit ang iyong ngipin ay dahil lang nakakain ka ng matamis o nasira ang ngipin o nabunot ang iyong pasta, nagkakamali ka. Ayon nga kay Dr Klaus Witte, isang cardiologist sa Leeds General Infirmary at senior lecturer sa University  of Leeds, ang pagsakit ng ngipin ay maaari ring maging palatandaan na mayroon kang mahinang puso. At kalimitan daw itong umaatake kapag pakyat ka sa mataas na lugar. Matitigil lang ang pananakit ng iyong ngipin kapag ikaw ay huminto at nagpahinga.
Mayroon ka bang migraine? Huwag mong isipin na kapag mayroon kang migraine ay natural lang na sumakit lagi ang ulo mo. Ayon sa American Academy of Neurology , kapag ang isang tao ay nakaramdam ng matinding pananakit ng ulo o migraine tapos ay nagiging zigzag ang tingin mo sa paligid, lalo na sa mga babae, maaaring mayroon siyang sakit sa puso.
Manilaw-nilaw ba ang iyong palad at talampakan? Kung ang isang tao raw kasi naninilaw ang talampakan at palad, maaaring mayroon siyang  familial hypercholesterolaemia (FH). Ibig sabihin ay  mataas ang kanyang cholesterol na namana niya sa kanyang mga ninuno.
Pabalik-balik ba ang iyong sakit? Naku, kapag pala tumagal ng 5 hanggang 6 na araw ang trangkaso, maaaring dahilan ito ng sakit sa puso. Kaya raw kasi nagkakasakit ang isang tao ay dahil hindi na regular ang pagtibok ng kanyang puso. Ang trangkaso nga rind aw ay maaaring magkaroon ng myocarditis, kapag napasok ng viral infection ang iyong puso siguradong  mamaga at magkakadiprensiya ang iyong puso.  
Nalalagas ba ang iyong buhok? Kung inaakala mo na simpleng problema lang ang pagkalagas ng iyong buhok, nagkakamali ka. Hindi porke nalalagas ang iyong buhok ay nasobrahan ka sa Vitamin A o kaya’y dahil sa sandamakmak mong problema. Malaki ang posibilidad na kaya ka nakakalbo ay dahil may sakit ka sa puso.
Nangangasul ba ang iyong mga kuko? Kung wala halos oxygen sa’yong katawan ay makikita mong nagkukulay asul ang iyong kuko. Sabi kasi’y mas nangingibabaw ang ating ugat kaysa sa pagdaloy ng dugo.
Hah, ang ilan ba ditto ay nararanasan mo? Naku, kung sasabihin mong ‘oo’, mas maiging magpunta ka na sa ospital at magpa-test ka upang habang maaga ay malaman mo kung maaari pa bang magamot ang iyong karamdaman. Bukod sa mga ito, maari ring dahilan ng sakit ng puso, ang pagkabaog, pamamawis, pagkahilo at paghilik.
O, dapat ka na bang magpa-check-up?




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...