ANG pananakit ng ulo, IBS(Irritable bowel syndrome),
rashes, hernia at tendonitis ay resulta
ng pagsusuot mo ng bra na hindi akma sa’yo, ayon sa pagsasaliksik.
Hindi natin maiwasan ang
mapabuntung-hininga kapag napagtanto natin na mali pala ang bra size na nabili
natin. Gayunman, wala na tayong ibang choice kundi ipagpilitan na isuot ang bra
na ‘yun. Katwiran pa natin, sa umpisa lang naman iyon magiging masikip dahil
luluwag din ‘yun matapos ang ilang araw.
Hay naku, kung ikaw ay nagsusuot
ng masikip na bra, kailangan mong basahin ang artikulo na ito. Dapat mo kasing
malaman na manganganib ang iyong kalusugan.
Sabi nga ng health experts
katakut-takot na sakit ang iyong mararamdaman kapag nagsuot ka ng masisikip na
bra. Kung sobrang higpit nito ay parang maaawat na rin ang pagdaloy ng iyong
dugo. Dahil dito ay magkakaroon ka talaga ng rashes. Idagdag pang maaari kang
magkaroon ng hernia at tendonitis. Ang hernia ay magiging dahilan para maging
mahina ang wall muscle, tissue at membrane: ang tendonitis naman ay ang
pamamaga ng litid.
O, gugustuhin mo bang
magkaganito?
Bukod sa papangit na ang
iyong balat makakaramdam ka rin ng hapdi, lalo na’t magkakasugat-sugat ang
iyong balat sanhi ng mahigpit na bra. O, nais mo bang magkaganito ka? BUkod nga
sa rashes at sugat ay maaari pang maapektuhan ang iyong tindig.
Kung maayos kasi ang suot mo,
siguradong tuwid na tuwid ang iyong paglakad. Samantalang kung masikip ang
kanyang suot na bra ay siguradong nakakuba siya kung maglakad. Hindi na okay
ang posture mo, maaari pang maapektuhan ang iyong internal organs.
Sabi ng eksperto, dahil hindi
inia-adjust ang pagsusuot ng bra, maaapektuhan ang iyong siaphragm. Kung ikaw
ay maghapon lang na nakaupo, siguraso na magiging dahilan ito para mahirapan
kang huminga, magkaroon ka ng digestion problems at irritable bowel syndrome.
Madalas pa na sasakit ang iyong ulo.
Kung ayaw mong makaranas ng
ganitong mga sakit, tanungin mo ang iyong sarili, akma ba sa’yo ang suot mong
bra?
Kung alam mong hindi,
makabubuti kung papalitan mo ‘yan.
aq nmn ang sanhi skn ay hirap aq huminga ;;;dhl msikip ang bra q nahihiya kc aq n malaki ang dibdib q ,,pag dumadaan aq lagi nila sinsbi #ang laki nmn nyan#para skn nababastusan aq kya mahilig aq magsuot ng masisikip n bra,pra kht papano maging maliit ang dibdib q..tnx un lng share q lng ung experience q at pkiramdam q parng nakukuba n aq kya tma ang laht ng nsa artilulong ito
TumugonBurahinKung sisikipan mo ang bra mo, ikaw ang magdurusa. Maaari kang magkaroon ng breast cancer niya. Kung ayaw mong mabastos, mas maigi kung maluwag na damit isusuot mo. Tiyakin mo na disente ang pananamit mo.
Burahin