SABI sa isang make-up artist, ang paggamit ng make-up
ay nakatatanda!
Ang pimples, eyebags, blackheads at maging ang mga gatla ay
natatakpan dahil sa make-up kaya naman kapag may okasyon tayong pupuntahan ay
sisiguraduhin ng mga babae na hindi niya maiiwanan ang kanyang make-up. Pakiramdam
kasi nila ay magiging magandang-maganda sila kapag gumamit sila ng make-up.
O, hindi nga ba, maski na ang magagandang babae ay gumagamit
din ng make-up? Ang dahilan ay ibig nilang mas lalong lumutang ang kanilang
ganda. Ang eyebrow at mascara ay
ginagamit para mas lalong kuminang ang
mata, ang lipstick ay para mas maging mapula at kaakit-akit ang labi at
ang foundation naman ay para mas kuminis ang balat at maitago ang blackheads,
pimples at freckles.
O, ganoon ka ba?
Nakasisiguro ako na oo ang iyong isasagot dahil nais mong
maging maganda sa paningin ng mahal mo sa buhay at pati na rin sa ibang tao.
Ibig mo rin siyempreng ma-satisfy mo ang iyong sarili sa pagharap sa salamin.
Ngunit, sabi nga, lahat ng bagay ay may advantage at
disadvantage at ang disadvantage sa paggamit ng make-up ay nakakatanda ito.
Maaari ngang sa paglagay mo ng make up ay maging maganda ka sa paningin ng
ibang tao. Ngunit, kapag inalis mo na ang make-up na iyon at bumilang na ang
ilang panahon ay saka mo mapagtatanto kung ano an gang magiging masamang dulot
sa’yo ng paglalagay ng make-up.
Sabi nga ng make-up artist na si Kim Jacob, ang paggamit ng
make-up ay nakakatanda kaya para hindi ka tumanda ng husto, kailangang manipis
na make-up lamang ang ipahid mo sa’yong mukha. Sa pamamagitan noon ay lulutang
pa rin ang iyong natatanging kagandahan at tiyak na hindi ka matutulad sa ibang
babae na dahil sa paggamit ng make-up ay nagmukhang mas matanda kaysa sa tunay
nilang edad.
Kung hindi ka naman modelo o artista, hindi mo naman siguro
kakailaning gumamit ng makapal na make-up. Alalahanin mo, kapag makapal ang
make-up mo, siguradong masisira ang iyong kutis. Gugustuhin mo bang mangyari
iyon? Sana
naman ay hindi.
Sabi nga, mas lumulutang ang ganda ng isang babae kung siya
ay simple lang o kaya walang make-up. Kaya para makaiwas ka sa pagkasira ng
iyong kutis, mas maigi pa siguro kung huwag ka ng mag-make up kundi mo
kailangan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento