Ipinapakita ang mga post na may etiketa na to be inform you that. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na to be inform you that. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Agosto 31, 2013

Alagang hayop, maaaring magkaroon ng cancer

AYON sa pagsasaliksik, ang mga alagang hayop ay maaaring magkaroon ng cancer dahil sa paninigarilyo ng kanyang amo.
Alam natin na ang paninigarilyo ay masama sa ating kalusugan ngunit kahit anong awat ang gawin ng mga tao sa kanilang  paligid, hindi ito magawang tigilan ng iba. Pakiramdam nila ay  kulang na kulang ang kanilang araw kapag hindi hindi siya nakakahithit ng sigarilyo.
Ikaw, mahilig ka bang manigarilyo?
Siguro naman ay alam mong, hindi lamang ang kalusugan mo ang nasisira, maging ang mga tao na nasa iyong paligid? At sa aking pagsasaliksik, napagtanto ko na kahit pala ang hayop ay maaaring magkasakit kung nanionigarilyo ang kanyang amo.
Alam na alam natin na ang aso ay ‘man’s bestfriend’ kaya lagi itong nasa tabi ng amo at ang mga pusa naman ay laging nakakandong o nasa paanan ng kanyang amo kaya hindi posibleng nagagawa niyang langhapin ang usok na nagmumula sa kanyang sigarilyo.
Kung minsan, kahit may sigarilyo na hinihithit ang amo, nagagawa pa rin niyang kargahin at lambingin ang kanyang alaga. Hey, kahit naman hayop ‘yan ay mayroon din silang ulong at baga. Maaari rin silang magkaroon ng lung cancer. Sabi nga, kapag mas maliit ang hayop ay mas sensitibo sila sa usok.
Sa pag-aral nga ng Tufts University na matatagpuan sa U.S., ang pusa na naninirahan sa mga chain smoker ay nagkaroon ng feline lymphoma, isa itong cancer sa dugo at immune system.
Ang usok kasi ng sigarilyo ay kumakapit sa balahibo ng hayop kaya kahit na hindi mo na siya karga ay malaki ang posibilidad na hikain siya roon o kung hindi naman ay magkaroon siya ng iba pang sakit. Kaya sana, pangalagaan mo ng husto ang iyong alaga. Hindi maaaring makukontento ka na lang na pinapakain at pinaliliguan siya. Intindihin mo din sana ang kanyang kalusugan.
Alalahanin mo, hindi siya makapagrereklamo na nahihirapan na siyang huminga dahil sa labis mong paninigarilyo.


PAGKAIN NG CHEESE, PARAAN PARA MAIWASAN ANG TOOTH DECAY

Ang pagkain ng cheese ay mabisang paraan para maiwasan ang tooth decay, ayon sa pagsasaliksik.

Help! Ito ang sigaw natin kapag masakit na masakit ang ating ngipin. Kaya, kadalasan hindi natin mapigilan ang maluha o maiyak dahil parang binabarena ang ating ulo. May nerve ang ating ngipin na nakakonekta sa ating ulo kaya parang hihimatayin tayo sa sakit kapag nagkadiprensiya ang ating ngipin. Kung hindi tayo makakainom ng gamot ay hindi tayo makararamdam ng kaginhawahan. Ngunit, pansamantala lamang iyon. Kailangan talaga nating magpunta sa dentista para mapastahan, ma-root canal o mabunot ang sumasakit nating ngipin.
Kung may pera ka ay madali lang magpa-appointment, ngunit, hindi lagi na mayroon tayong ekstra na pera sa ating bulsa. Sa mahal ng bilihin, siguradong mahihirapan tayong mag-budget. Maliban na lamang kung malaki ang sahod mo, mayroon kang sideline at mayroon kang kapamilya na laging naririyan para damayan ka. Pero, kahit na may pera ka, mas makabubuti kung hindi na lamang natin pababayaan na magkaroon tayo ng toothdecay.
Isipin na lamang natin na kapag may sira ang ating ngipin ay marami ang mapapa-‘yuck’, mawawalan ka ng self-confidence. Samantalang kung alam mo na mapuputi at matitibay ang iyong mga ngipin ay marami ang hahanga sa’yo.
Gusto mo ba iyon?
Kung sasabihin mong ‘yes naman’, maiging gawin mo ang lahat ng paraan para mapanatili mong maganda at malusog ang iyong ngipin. Sa artikulo natin ngayon, ay bibigyan kita ng tip kung paano maiiwasan ang magkaroon ng tooth decay. Sa akin kasing pagsasaliksik, napagtanto ko na hindi lang sa regular na pagtu-toothbrush maiiwasan ang nakadidiring tooth decay. Ang pagkain din ng cheese ay nakatutulong para mabawasan ang posibleng pagbuo ng cavity sa’yong ngipin dahil tinatanggal nito ang plaque acid. Ang plaque acid ay mistulang asido na sumisira sa’yong ngipin kaya kinakailangan din ng palagiang pagsesepilyo at pag-inom ng tubig.
Sabi nga ng mga mananaliksik, ang cheese ay mayroong alkaline na humahalo sa’yong laway kaya naman kung palagi kang kumakain nito ay mababawasan ng husto ang pangangailangan mong magpunta sa dentista. Kung mataas kasi ang ph level (more alkaline) sa paligid ng iyong ngipin, mas mapuprotektahan nito ang iyong ngipin laban sa dental erosion na idinudulot ng cavities o tooth decay.

O, parati ka bang kumakain ng cheese? 

PAGPUPUYAT, NAKAKABAOG

AYON sa pagsasaliksik, kapag kulang sa tulog ang lalaki ay maaari siyang mabaog.
Para sa  isang lalaki, ang anak ay isang trophy. Pakiramdam niya ay may silbi siya sa mundong ito kung magkakaroon siya ng junior o prinsesa. Kaya naman kung minsan kahit anak lang nila ito sa pagkabinata ay mahal na mahal pa rin nila ito. Maliban na lang siguro kung ang isang lalaki ay masasabing walang kuwenta, na walang ibang mahal kundi ang kanyang sarili. Gayunman, sa pagdating ng tamang panahon ay siguradong mari-realize din nila ang kanilang pagkakamali.
O, gusto mo bang magkaanak?
Hindi naman kasi porke gusto mong magkaanak ay magkakaanak ka na. Siyempre kailangan mo rin munang magplano. Sino ba ang magiging ina ng iyong anak? Handa ka na ba talagang maging ama? Nakalulungkot lamang isipin na kahit na gustung-gusto mong maging ama, pupuwedeng hindi ito matupad kung parati kang magpupuyat.
Sa pag-aaral kasi ay napagtanto na kapag kulang sa tulog lalaki ay maaaring bumaba ang kanilang spermcount. Kaya naman kung ang isang binatilyo ay mahilig magpuyat dahil nais nilang parting magkaroon ng kanilang night life o mayroon silang insomia, maaaring manganib ang kanilang sperm count. Sa pamamagitan noon ay mapupurnada ang ambisyon nilang magkaroon ng kung ilang anak.
O, mahilig ka bang magpuyat?
Kung nais mo na magkaroon ng malusog na katawan, hinding-hindi mo nanaisin na magpuyat. Kung sa palagay mo ay hindi ka makatulog, makabubuti na ipikit mo na lamang ang iyong mga mata ay mahiga. Tiyak naman na darating din ang oras na makakatulog ka.
Samantalang kung babangon ka sa’yong higaan at manonood ng TV, mahihirapan ka na talagang makatulog. Kung ganoon ka parati, aba, magkakaroon ka na ng unhealthy life style. Kung masasanay kasi nang masasanay ang katawan mo na  kulang ka sa tulog, tiyak na kahit gustuhin mong matulog ng maaga ay hindi mo na magagawa.
Sabi nga, hindi naman porke ngayon ka nagtanim ay ngayon ka rin aani. Siyempre, magbibilang ka pa ng mahabang panahon bago mo ma-realize na mali ang ginawa mong pagpupuyat.
Sana ang mga teenagers ngayon ay hindi balewalain ang ganitong pag-aaral, tiyak kasi na sa huli ay pagsisisihan din nila ang masyado nilang pagpupuyat. Makabubuti talagang may oras sa pagtulong para fresh lagi ang iyong utak at pakiramdam.

O, nagpupuyat ka ba? 

PACIFIER, PARAAN PARA MAHINTO PAGHILIK

NAKAKARINDING pakinggan kapag ang katabi natin sa pagtulog ay grabe kung humilik. Pakiwari kasi natin ay may katabi tayong sasakyan. Kasing ingay ng tambutso ang kanyang bunganga. Kaya naman sa huli ay mapapabalikwas na lang tao nang bangon. Gustuhin man nating matulog, tiyak na mahihirapan tayong magawa iyon dahil sa ingay ng kanyang bunganga. Kung minsan naman naman ay himbing na himbing na tayong natutulog, magugulantang pa tayo sa halik ng ating katabi.
Ganoon ba ang iyong mister o misis?
Kung sasabihin mong ‘oo’ siguradung iritadung-iritado ka na sa kanyang paghilik. Baka nga panay na ang hugot mo nang malalim na buntung-hininga kinabukasan. Tiyak kong ibig mo na siyang sigawan o awayin dahil hindi ka niya pinatulog.
Naku, kung mainitin ang kanyang ulo, baka hindi niya magustuhan ang paraan mo ng pagkakasabi na sobra siyang makahilik. Kaya, mas maiging bago mo ibulalas sa kanya ang mga kataga, mag-isip ka muna ng kung ilang libong beses.
O, kaya naman sa halip na magalit ka agad ay mahinahon mong sabihin sa kanya ang problema. Pagkatapos ay sabay kayong maghagilap ng solusyon upang hindi ka na mairita sa kanyang paghilik. Kasabay noon ay matutulungan mo pa siya siya. Alam naman natin sa labis na paghilik ng isang tao ay maaaring maapektuhan an gating puso. Kaya may tendensiya na bigla na lang tumigil ang tibok ng ating puso dahil sa paghilik.
Kaya naman, maigi talagang basahin mo ang artikulo na ito. Sa pamamagitan nito ay sigurado akong matutulungan kitang masolusyunan ang problema ng iyong asawa sa kanyang paghilik.. Iyon nga lang, kailangan niyang magmistulang sanggol.

Ang ibig kong sabihin, kinakailangan niyang gumamit ng isang instrumento na maihahalintulad sa pacifier. O, mas tamang sabihin na pinalaking bersyon ng pacifier. Mayroon din kasing tsupon na nakalagay dito at mayroon ding pabilog na plastic na mayroong handle. Siyempre iyon ay pampigil para hindi niya malunok ang instrumentong iyon. Ang tsupon naman noon ay ang nagsisilbing takip ng bunganga  upang hindi natin marinig ang nakakairitang hilik n gating partner.
Kaya naman kailangang bago matulog ang iyong partner ay ipasubo mo ito sa kanya upang sipsipin na lang niya ang tsupon. Sa pamamagitan nito ay siguradong magiging kampante tayo na hindi mapapahamak ang ating asawa sa kanyang pagtulog. Sabi nga may posibilidad na tumigil ang kanyang paghinga sa labis na paghilik.
O, kailangan ba ng partner mo na gumamit nito?
Kung kailangan mo rin nito, huwag ka ng mahiya. Ang importante ay malayo ka sa kapahamakan.





Lunes, Agosto 12, 2013

OPERASYON SA PROSTATE, DAHILAN NG PAGLIIT NG ‘MANOY’

AYON sa pag-aaral, ang treatment sa prostate cancer ay nagiging dahilan para lumiit ang ‘manoy’ ng isang lalaki.
Pagpipigil sa pag-ihi, labis na pag-inom at namana sa magulang o ninuno ang ilan sa dahilan kaya nagkakaroon ng prostate cancer ang isang lalaki. Kung hindi ito maoopera o magagamot, ay maaaring lumala ang kanyang karamdaman na magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Kaya naman, wala ng iba pang pagpipiliin ang isang lalaki kung magpagamot o magpaopera.
Dahil sa ayaw ng lalaki na maagang kaharapin si kamatayan, lahat ng paraan ay kanyang gagawin para madugtungan ang kanyang buhay. Hinding-hindi siya papayag na iwanan ang kanyang asawa at mga anak. Ito ang dahilan kaya nilalabanan niya ang takot na magpaopera. Ang tanging iniisip na lamang niya ay magiging ligtas siya kapag naisagawa na ang operasyon at susundan pa ng paggagamot.
IYon nga lang, lahat daw ng bagay ay mayroong epekto sa tao. Ayon kasi sa pagsasaliksik at sa mga  karanasan na rin ng ilang lalaki na nagpaopera at naggagamot ng kanyang prostate cancer, naaapektuhan ang kanilang pagkalalaki kapag sila ay naoperahan o ginagamot ang kanilang prostate cancer.
Sabi nga ng ilang mga doctor, marami ngang lalaki ang nagrereklamo sa kanila matapos  sumailalim ang mga ito sa operasyon . Sabin g mga ito, napansin ng mga ito na lumiit ang kanilang ‘manoy’ at ang mga lalaki naman na naggagamot pa lamang ay napansin ng nababawasan ang kakayahan sila sa pagtatalik.
Kung dati ay masasabi ng masasabi ng mga babae na ‘you are great’ matapos niyang magpaopera o habang naggagamot ang ibubulalas ng babae ay ‘anyare’. Bilang lalaki ay nakakaramdam sila ng pagkapahiya kapag napipintasan sila. Kaya naman hindi nila mapigilan ang magreklamo sa mga doctor. Pakiramdam kasi nila ay ang mga ito ang may kasalanan kung bakit naging ganoon sila.
Ganoon din ba ang pakiramdam mo mula ng magpaopera ka?
Ayon naman kasi sa mga dalubhasa, maaari talagang maapektuhan ang sex drive ng lalaki kapag siya ay nagpaopera at naggamot ng prostate cancer, maaari kasing may masirang nerve at tissue habang sila ay inuoperahan o ginagamot na sadyang makakaapekto sa kanilang kakayahan na makapagpaligaya ng babae.



Salamin na makaka-detect ng anumang sakit na iyong nararamdaman

DAHIL sa tambak ang ating trabaho at iniisip, madalas tayong nakakaramdam ng pagkahilo. Kaya naman kung hindi natin mababalanse ang ating katawan, sigurado na matutumba tayo. At kung sakali na babagsak tayo sa marmol, siguradong magkakaroon ng malaking disgrasya. Maaari tayong mapilayan at kung ulo ang babalibag sa semento, hindi lang bukol ang maaaring mangyari sa atin.
Nanaisin mo pa bang mangyari ito sa’yo?
Sa aking palagay, ‘hindi’ ang agad mong isasagot. Wala naman kasing tao na gugustuhing madisgrasya kaya kung maaari nga lang lahat ng pag-iingat ay kanyang gagawin. Tila napakaimposible lang na mangyari iyon  kung napapabayaan mo na ang iyong sarili. Kung minsan kasi ay wala kang ibang naiisip kundi ang magkaroon ng maraming salapi. Sa pamamagitan kasi nito ay mabibigyan mo ng magandang buhay ang iyong pamilya.
Ngunit, paano naman mangyayari ito kung bigla ka na lang magkaroon ng karamdaman. Ah, maiging basahin mo ang artikulo na ito dahil sa bagong imbensyon na makakatulong sa’yo para maging masigla ka sa lahat ng oras.
Dahil sa laging napapagod ang ating mata ay may tendensiya na manlabo agad ito lalo na kung pirmi kang nakatitig sa computer at video games. Sa labis kasing pagtatrabah at paglalaro, binabalewala natin ang sakit na nararamdaman n gating mata. Hanggang sa huli ay mapagtatanto natin na Malabo nap ala an gating mata.
Huwag mo sanang pabayaan ang iyong mata dahil kung manlalabo ito ay marami ka ng hindi magagawa. Napakaimportante ng paningin kaya kailangang lagi malinaw an gating mata.
Hay, mabuti na lang at mayroon ng high tech glasses na iniimbento. Hindi lang ito makakatulong para luminaw ang iyong mga mata. Sa pamamagitan nito ay  makarinig ka nang maayos, makatulog ka ng sapat at laging may sigla. Sa pamamagitan noon ay magiging okay na okay ang pakiramdam mo kahit na maghapon kang nasa trabaho.
O, nanaisin mo bang magkaroon nito?
Sabi nga ni Dr. Frank Eperjesi, head of optometry sa Aston University,  na matatagpuan sa Birmingham. Kapag malinaw ang mata ng isang tao ay magiging masigla ang kanyang katawan. Siguro naman ay alam mo na ang mata ng tao ay nakakunekta sa kanyang utak. Kapag nanlalabo ang iyong mga mata, may tendensiya na sumakit ang iyong ulo.
Kaya, huwag mo na naisin pang mangyari iyon.
Ang kailangan nga ay magkaroon ka ng salamin na ito dahil ang lente nito ay makakahagilap din ng kung anu-ano pang sakit na mararamdaman ng ating katawan.





Linggo, Agosto 11, 2013

2 HANGGANG 3 TASANG KAPE LANG SA ISANG ARAW DAPAT PARA MAS HUMABA ANG BUHAY

NATUKLASAN ng mga scientist na ang pag-inom ng tatlong tasang kape kada araw ay nakapagpapahaba ng buhay.
Ang caffeine ay masama sa kalusugan ng isang tao, ito ang paniniwala ng marami. Totoo naman iyon ngunit kung ang caffeine o pag-inom ng kape ay sosobra, ito ang pahayag ng mga mananaliksik. Pero kung ang ibig mo ay tamang-tama lang sa’yong katawan, tatlong tasang kape lang ang inumin mo sa bawat araw.
Sabi nga ni Dr Neal Freedman, mula sa  National Cancer Institute na matatagpuan  sa  United States, ang pag-inom ng 2 hanggang  3 tasang kape ay makakatulong para humaba ang buhay ng tao. Kapag kasi ganitong karaming kape lang ang iyong iinumin ay hindi manganganib ang iyong kalusugan at malalayo ka sa mga posibleng dahilan kaya humihinto ang tibok ng puso ng isang tao. Sa tamang-tamang caffeine na tinatanggap ng iyong katawan, hindi ka mamamatay sa heart and respiratory disease, stroke, injuries, accidents, diabetes at infection.
Kaya kung nais mo na magkaroon ng mahaba-habang buhay, ay ganitong karaming kape lang ang iyong iinumin. Sabi pa sa aking pagsasaliksik, kung hindi lalagpas sa tatlong tasang kape ang iniinom mo sa isang araw ay madadagdagan pa ng 10 hanggang 15 porsiyento ang iyong buhay.
Sabi nga sa pagsasaliksik kung ikaw ay iinom pa ng 4 hanggang limang tasang kape sa isang araw ay maaaring mabawasan ng ilang taon ang iyong buhay. At kung ikaw ay iinom lagpas sa anim na tasang kape, maaaring mapaaga ang iyong kamatayan.
Hey, hindi ko naman layunin na takutin ka pero kailangan mo malaman na malaki ang posibilidad na mangyari ito. Alam natin na kapag nasobrahan sa pag-=inom ng kape ang isang tao ay maaari siyang maging nerbiyoso. Kungganoon ay magiging magugulatin siya kaya maaaring  maging lapitin ka ng aksidente. O kaya naman ay bigla na lamang manikip ang iyong dibdib.
Gugustuhin mo ba na mangyari ito?
Huwag naman sana at tiyak ko na hindi mo rin gustong mamaalam ng maaga sa mundo, lalo pa at marami kang mahal sa buhay na maiiwan. Kaya, huwag maging matigas ang ulo mo. Lahat ng bagay sa mundong ito ay may hangganan kaya huwag mong hayaan na magkaproblema ka sa’yong kalusugan.






PITBULL, NAGDONATE NG DUGO SA BFF NA NAGKA-ANEMIA

SA pamamagitan ng blood transfusion ay magagawan nating mailigtas ang buhay ng ating kapwa. Ngunit, sa istorya natin ngayon ay mapagtatanto natin na maging ang aso pala ay magagawa ring iligtas ang buhay ng isa pang aso na nasa bingit ng panganib.
Bukod sa ating pamilya, ang tunay na kaibigan natin ay ang taong handang dumamay sa ating pagdurusa. Kung ikaw ay labis na nagdaramdam at namimighati, sila ang magiging takbuhan mo, anuman ang mangyari. Sa artikulo natin ngayon, nakamamangha na maging ang isang aso ay magagawang isalba ang buhay ng kanyang BFF na aso rin.
Sabihin man na wala namang magagawa ang aso kung ibig talaga ng tao na kuhanan siya ng dugo para isalin sa isa pang aso. Ngunit, kailangan mo ring tandaan na hindi lahat ng aso ay laging behave lalo na at masasaktan mo siya. Ngunit naging napakaamo ng isang pitbull terrier nu’ng kinukuhanan siya ng dugo para ibigay kay Sissy, ang 18 year old Mongrel, na na-diagnose na may anemia kaya kinakailangan niyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon.
Alam natin na kung ang mga pitbull ay mababagsik kaya naman masasabing ibig talagang iligtas ng pitbull na si Sandy si Sissy dahil naging napakaamo nito ng oras na iyon. Ni hindi nga raw ito nagpakita ng pangil o umangil para iparamdam na nasasaktan ito o kontra ito sa ginagawa ng beterinaro.
Ayon sa amo nina Sandy at Sissy na si Omar Mozzi, taga PagazzanoItaly, sina Sandy at Sissy ay matalik na magkaibigan. Lagi silang magkasama at magkalaro. Kaya naman noong magkaroon ng sakit si Sissy ay lagi ng matamlay si Sandy. Damang-dama niya na ang kanyang matalik na kaibigan ay naghihirap.
Nang suriin kasi si Sandy ay lumabas na mayroon itong anemia, maaari lang itong maisalba kung masasalinan ito ng dugo. Bagamat magkaiba ang lahi nina Sandy at Sissy ay magkatipo naman ang kanilang dugo kaya naman nagawang maisalba ang buhay ni Sandy pagkaraan.
Ang beterinaryo na si  Flavio Colombo Giardinelli ay labis na namangha sa pagkakaibigan na ipinakita ng dalawang aso.
Ikaw, ganito ba ang iyong mga alaga?






Pag-i-FB, iwas pagkaulyanin

PAG-sign up sa Facebook ang makabagong paraan para hindi maging ulyanin, ayon sa pag-aaral.
Kung ibig mong magkaroon ng honor, kailangan mong mag-aral ng mabuti. Ang mga libro ay kailangang gamitin para magkaroon ka ng matalas na isipan. Kung pababayaan mo lamang na nakatambak sa isang sulok ang iyong mga libro, nakatitiyak ako na maluluma lamang ‘yan at pupurol ang iyong utak.
Hindi mo naman siguro nanaising mangyari iyon sa’yo, ano?
Kungganoon, kailangan mong laging ehersisyo ang iyong utak para hindi ka maakusahang bobo. Pero, kahit na ang mga matatalinong tao ay nagiging makakalimutin din kapag  sila ay tumanda na.
Ang lolo at lola natin ay kalimitan nating tinatawag na ulyanin dahil marami na siyang bagay na nakakalimutan. Kung minsan nga, pati ang ginagawa nila ng araw na iyon ay agad na nilang nakakalimutan. Kung alam natin na may pagkaulyanin na ang matatandang kasama natin ay nakararamdam tayo ng pangamba. Alam kasi nating na maaaring kapag iniwan natin ang tingin sa kanila ay maaaring mawala sila. Kung maiisipan kasi nila na maglakad nang maglakad ay may tendensiya na maligaw sila pagkaraan. Kapag inatake kasi sila ng pagiging ulyanin, hindi na nila matatandaan ang tamang daan pabalik.
Gusto mo ba itong mangyari sa’yong lolo at lola, nanay at tatay, o kung sinumang kasama mong matanda. Sigurado akong ‘hindi’ ang isasagot mo. Kung mahal mo kasi sila ay hindi mo nanaising sila ay mapahamak. Kaya naman kailangan mong gumawa ng paraan para hindi sila maging ulyanin.
Noon, sinasabi ng mga mananaliksik na ang paglalaro ng crossword, scrabble at video games ay nakatutulong para magkaroon ng matalas na isipan ang matatanda. Sa pamamagitan nito ay hindi na tayo mag-aalala pa.
Nguniot, sa makabagong panahon natin ay sinasabi na ang pagsa-sign up sa Facebook ay mabisa ring paraan para hind imaging ulyanin ang mga mahal natin.
Sabi nga ng mga scientist sa University of Arizona, ang mga nasa edad 65 pataas na gumagamit ng social networking site tulad ng FB ay mas okay ang memorya kaysa sa mga taong nagre-research lang sa Internet o hindi talaga gumagamit nito. Katunayan nga, ang matatas ang kanilang cognitive test. Kaya naman masasabing ang pagla-like, pagku-comment at pagsi-share nila ay nakatutulong upang maging okay ang kanilang memorya.
O, igawa mo na ng facebook account sina granny. Sa pamamagitan nito ay naa-update sila ng husto kung ano ang nangyayari sa kanilang paligid. Sa pamamagitan noon ay gumagana na ang kanilang utak. Sabi nga, kapag ang isang bagay ay nagagamit ng husto ay hindi ito kinakalawang. Tulad ng utak, kapag laging nag-iisip ay hindi makakalimot.
O, gawan mo na ng FB account sina lolo at lola.



LABIS NA PAG-INOM NG KAPE, BAD KAY BABY

AYON sa pag-aaral, ang mga nag-dadalang-tao na umiinom ng higit sa dalawang tasang kape kada araw ay nagkakaroon ng maliit na babae.
Coffee Break, kalimitang wika ng mga empleyado kapag tumunog  ang  company bell ng alas-diez ng umaga o alas-tres ng hapon. Gaano man sila ka-busy ay humihinto sila sa pagtatrabaho upang makapag-relax at para rin makahigop ng mainit na kape. Sa pamamagitan kasi nito, pakiramdam nila ay nagkakaroon sila ng lakas upang mas lalo silang ganahan sa pagtatrabaho. Ang pag-inom ng kape ay isa ring paraan para hindi ka antukin. Kung minsan kasi ay napakasarap matulog lalo na kung nakatapat pa sa’yo ang aircon. Mabuti na lamang at mayroon kang hinihigop na kape upang malabanan mo ang antok na iyong nararamdaman.
Kung mayroong mabuting dulot ang pagkakape sa ating katawan, mayroon din naman itong negatibong ibinibigay sa atin tulad na lang ng kapag madalas tayong uminom ng kape ay  madali tayong nerbiyusin. Kaya naman kapag nagiging magugulatin tayo, ang laging sinasabi sa atin ng mga nakakakita ay ‘Siguro madalas kang uminom ng kape.’
Kahit nga minsan ay pinipigilan na rin natin na madalas na uminom nito. Ngunit, kung nasanay ka na na magkape palagi parang nakakaramdam ka ng pangangasim kapag lumilipas ang maghapon na hindi ka umiinom nito.
Mahilig ka bang magkape?
Kung ikaw ay nagdadalang-tao, kailangan mong awatin ang sarili mo sa pag-inom ng kape lalo na kung ikaw ang tipo na lagpas sa dalawang tasang kape kung magtimpla sa isang araw. Maaapektuhan kasi ang iyong dinadala. Sabi nga sa pagsasaliksik, maaaring maging napakaliit ng sanggol na isisilang kung ang ina niya ay mahilig uminom ng kape. Bukod doon ay mahihirapan pa siyang manganak.
Ito ang obserbasyon ng mga mananaliksik sa Norway na nagbigay ng kanilang atensyon para pag-aralan ng husto ang 60,000 na buntis. Kailangan kasi nilang mapagtanto kung bakit may mga babae na nahihirapang manganak at nagkakaroon ng maliit na baby kahit ang mag-asawa naman ay matatangkad.
Sabi nga ng mga nagdadalang-tao na umiinom ng kape na mayroong 200 to 300mg ay maaaring magkaroon ng maliit na anak.
Sabi pa ng mananaliksik na si Dr Verena Sengpiel ng Sahlgrenska University Hospital sa Sweden, ang caffeine daw ay makakaapekto ng husto sa paglaki ng  fetus dahil hindi nila  agad nasasagap ang nutrisyon dahil sa mabagal na pagdaloy nito patungo sa placenta.  Dahil din daw sa labis na pag-inom ng kape ay maaaring tumagal pa ng ilang oras ang pagli-labor.
O, gugustuhin mo pa bang mangyari ito sa’yo?
Hindi bam as okay na huwag ka ng masyadong uminom ng kape kung ikaw ay nagdadalang-tao. Alalahanin mo, kung sosobrahan mo ang pag-inom ngayon, hindi lang ikaw ang mahihirapan, maging ang iyong anak. Alalahanin mo, maraming maaaring mangyari sa’yong magiging sanggol kapag matagal siyang mailuwal.

Kaya, maigi pang, awatin mo ang iyong sarili sa labis na pag-inom ng kape kung ikaw ay nagdadalang-tao.



2 taong gulang, may arthritis

ARTHRITIS ang kalimitang sakit ng matatanda. Dahil namamaga ang kanilang joint ay kalimitan iyong naninigas lalo na’t nalamigan. At sobrang sakit iyon kaya hindi nila maiwasan ang mapasigaw. Tila hindi bumubuti ang kanilang pakiramdam hangga’t hindi sila nakakainom ng gamot.

Kung inaakala mo naman na matatanda lang ang maaaring magkaroon ng arthritis, nagkakamali ka dahil ang batang bida sa artikulo natin ngayon ay mayroon na ring arthritis.
Isang taon at anim na buwang gulang pa lamang si Marshall Huburn, taga-Birmingham, nang mapagtanto ng kanyang pamilya na mayroon siyang polyarticular juvenile idiopathic arthritis. Tinatamaan ng artrithis ang kanyang panga, balakang, tuhod, binti, siko, paa, talampakan, at mga daliri. Kaya naman every 3 months ay kinakailangan niyang magpunta sa Birmingham Children’s Hospital kasama ng kanyang ina na si Hayley, 23, upang masolusyunan pa ang kanyang karamdaman. 
Kaya naman kahit 2 taong gulang pa lang siya ay hindi niya makuhang mag-enjoy sa paglalaro tulad ng kanyang mga kaedad. Kung mapapagod kasi siya ng husto ay siguradong aataki na naman ang kanyang sakit.
Sabi ni  Frank, ama ni Marshall. “Pina-check up ko si Marshall noon dahil napapansin kong hindi normal ang kanyang paglakad at lagi siyang bumabagsak. Nakikita ko rin ang sakit sa kanyang mukha kaya naisipan naming ipasuri siya agad. Nakakabigla nga lang malaman na mayroon pala siyang arthritis.”
Para naman maging normal si Marshall tulad ng ibang bata ay kinakailangan niyang sumailalim sa mga chemotheraphy. Sa pamamagitan nito ay maaari siyang makaramdam ng kaginhawahan subalit hindi na maaalis pa an gang sakit na iyon. Kaya naman sa tuwing susumpong ang sakit ni Marshall ay nakaririndi ang kanyang pag-iyak. Pakiwari tulong ng kanyang mga magulang ay nilalamutak ang kanilang puso sa labis na pagkaawa sa kanilang anak. May pangamba ring nadarama ang mag-asawang Frank at Hayley dahil maaaring mamana ng  iba pa nilang anak ang sakit na iyon ni Marshall. Sa kasalukuyan nga ay ipinagbubuntis pa ni Hayley ang ikalima niyang anak.
Kung ang ibang bata ay malulungkutin kapag may sakit na nararamdaman, si Marshall naman ay kakaiba. Kahit na parati siyang inaataki ng sakit ay masayahin pa rin siya at tila laging malusog. Kaya naman, marami ang natutuwa at humahanga sa kanya.













2 TAONG GULANG NA BATA, MAAARING MAMATAY SANHI NG SIMPLENG PAGKAKABUNGGO

MALILIKOT ang mga bata! Ito ang kalimitang reklamo ng mga magulang o yaya kapag nakikita nilang maraming pasa ang kanilang binabantayan. Sa kanilang paglalaro kasi ay hindi nila maiwasan ang mabunggo.  Pero, kahit na masakit ang mabunggo ay bibihira lang sa kanila ang umaatungal nang iyak kapag nasaktan. Pakiramdam kasi nila ay lalo lamang silang masasaktan sa kanilang magulang kapag nakitang marami silang pasa.
Ang anak mo ba ay malikot? Madalas ba siyang mabangga.  Kung anak mo ay madalas makipaghabulan at makipaglaro kaya nabubunggo, ang tauhan naman natin sa artikulo natin ngayon ay hindi naman kasinglikot ng iba bata ngunit daig pa ang mga batang madalas mabunggo at madapat. Kaunting bangga lang kasi sa kanya ay magkakapaltos at magkakasugat na siya. Ito ay dahil sa kakaiba niyang karamdaman.
Ang dalawang taong gulang na si Hugo Tornqvist, taga-Sweden,  ay mayroong rare genetic disorder na tinatawag na Junctional Herlitz Epidermolysis Bullosa. 

Ibig sabihin ay  napakanipis ng kanyang tissue skin  kaya naman  madali siyang magkasugat o magkapaltos kapag siya ay nabubunggo.  Kaya naman kahit cute na cute at napakalusog ni Hugo, makakaramdam ka pa rin ng awa sa kanya kapag siya ay iyong mapagmamasdan. Kahit naman kasi dampi lang ang paraan ng pagkakabunggo sa kanya ay agad lilitaw ang paltos at sugat sa kanyang balat.
Kahit naman kasi anong pag-iingat ang gawin ng isang ina o yaya sa batang may ganitong karamdaman ay sufuradong magkakasugat pa rin siya. Likas kasi sa bata ang pagiging malikot. At kung minsan pa nga ay sila rin ang nanakit sa kanilang sarili lalo na’t wala silang magawa. Maaari kasing mapagbalingan nila ang kanilang sarili at tapik-tapikin pa ang kanilang sarili.
Ang mga batang nasa gulang ni Hugo ay hindi pa magawang maunawaan ang kanilang sakit, kaya balewala kung makikita nilang nagkakasugat-sugat ang kanilang balat.
Dahil tuloy sa kakaibang sakit ni Hugo ay may ilang docor na nagsasabi na maaaring hindi na abutin pa ng 1 taon ang batang may ganitong karamdaman. Bukod kasi sa maaari siyang mamatay sa malakas-lakas na bunggo ay may ibang implikasyon ang ganitong karamdaman, kabilang na sa kanilang respiratoty system. Sabi kasi ng mga doctor, maaaring magsara ang daanan ng hangin. Kung mangyayari nga iyon, tiyak na mapupugto ang kanilang hininga.
Kaya naman noong summer vacation ay agad siyang isinugod sa ospital dahil hindi siya makahinga at dalawang linggo rin na nagsara ang namamaga niyang mata.
Kung sinasabi ng mga doctor na hindi na tatagal ang buhay ng batang may ganitong karamdaman, pinatunayan ni Hugo na mali sila sapagkat kahit na marami siyang sugat at paltos ay hindi niya inaalintana. Kaya naman ang kanyang mga magulang ay pinag-iingatan din siya ng husto. Inalis nito sa kanyang silid ang mga bagay na maaaring makapagdulot ng sugat sa kanya. Bawat bagay na naroroon ay malalambot. Gayunman, kinakailangan pa rin siyempreng may nakatutok sa kanya at hindi siya maaaring makihalubilo sa mga bata.
Kung dama man nilang nalulungkot si Hugo dahil wala siyang makalaro, tinitiis na lang nila. Ang importante sa kanyang mga magulang ay manatiling buhay ang kanilang anak.


Biyernes, Agosto 9, 2013

BIIK NA NAKA WHEELCHAIR, HIT SA INTERNET

WOW! Ito ang ibubulalas natin kapag may nakamamanghang video tayong napanood sa Internet. At kung magandang-maganda nga iyon sa paningin ng viewers siguradong maghi-hit iyon. O, hindi ba, ang Gangnam Style ay halos sa Internet lang din nagsimula?
Sa makabagong panahon ay napakamakapangyarihan ng Internet. Saang sulok ka man ng daigdik siguradong magkakasundu-sundo ang bawat nilalang kung ang video nga bang iyon ay maganda o hindi. Gaya na lamang ng video ng isang disabled na biik na pinangalanang Chris P. Bacon.
Sino ba naman kasing nilalang ang hindi matutuwa sa biik na naka-wheelchair. Nakaaaliw talaga siyang pagmasdan kaya naman ang biik na ito ay nagkaroong ng 1,000 followers at mayroon na siyang sariling Facebook Page.
Super kaaliw naman kasi si Chris P. Bacon kaya marami ang aliw na aliw na siya’y panoorin. Ngunit, dahil mayroong congenital defect ay hindi siya maaaring isama sa kanyang mga kalahi. Maaari kasing dumugin siya ng malalaking biik o mga baboy. Kaya naman, pinili na lamang ni Len Lucero na ilagay na lamang sa loob ng tahanan niya si Chris p. Bagon.
Pero, kahit na hindi magagawang litsunin si Chris P. Bacon, siguradong makakamtan niya ang sobrang tagumpay dahil daig pa niya ang ibang sikat na artista. Biruin mo naman sa bawat araw na magdaan, padami ng padami ang nanonood sa kanyang bideo at hindi kataka-taka kung madadagdagan pa nang madadagdagan ang kanyang followers. Super cute kasi siya kahit na napakaliit pa lamang niya. Tumitimbang lang kasi siya ng 2lbs. Gayunman, alam nating darating ang araw na lalaki rin siya.
Ang tanong nga lang,anong klaseng wheelchair na ang kanyang sasakyan? Sigurado kasing hindi na siya magkakasya pa sa kanyang toy wheelchair.






PAGKAKAROON NG BILBIL, NAKAMAMATAY

ANG pagkakaroon ng bilbil ay maaaring maging dahilan ng iyong kamatayan, ayon sa pagsasaliksik.
Kung lagi tayong humaharap sa salamin at health conscious tayo, siguradong ay agad nating mapapansin na lumalaki ang ating bilbil, kaya naman kung ganoon ay agad tayong mag-eehersisyo para iyon ay maglaho. Ngunit, may pagkakataon na hindi natin pinagkakaabalahang pansinin ang namumukol nating bilbil lalo na’t ang paborito nating gawin ay kumain nang kumain.
Ngunit, hindi ba kung minsan ay mapapahinto ka na lang dahil sumasama ang iyong pakiramdam. Hindi lang iyon dahil sa pagod kundi dahil sa’yong bilbil. Sa ating artikulo natin ngayon ay nakasaan kung bakit may dalang panganib an gating mga bilbil.
Kapag daw ang isang tao ay mayroong bilbil, malaki ang tsansa niya na sumabog ang kanyang aorta, ang pinakamalaking blood vessel na nasa ating katawan.  Kaya naman kung mapanganib ang sakit sa puso, strokes at diabetes, pinakamalupit namang sakit ang abdominal aortic aneurysms. Katunayan ay 12,000 katao na ang namamatay sa UK sanhi ng sakit na ito.
Madalas ay hindi natin napagtutuunan ng pansin an gating bilbil dahil inaakala natin na ordinaryong tanawin lang iyon para sa matataba. Maaari ngang ‘oo’ pero kung sa tingin mo ay napakalaki na ng iyong bilbil, kailangan mo ng kabahan. Tandaan mo, ang aneurysms ay ang weak spots na nasa paligid ng aorta, na siyang nagbibigay ng hangin para gumanda ang daloy ng dugo para makapunta iyon sa puso at iba pang parte ng katawan.
Kaya huwag mong balewalain ang iyong tiyan. Hindi maaaring papansinin mo lamang ito kapag kumakalam na ang iyong sikmura. Itanim mo sa’yong isipan na ang tiyan ay para ring gulong ng sasakyan. Kung masyadong mabigat ang nakasakay ay maaari itong pumutok at magkaroon ka ng catastrophic internal bleeding.  Ang pagkakaroon ng internal bleeding ay napakahirap ng gamutin, kaya kailangang huwag mo na hayaang lumaki pa ng husto ang iyong bilbil dahil baka manganib ang iyong buhay. Ang sakit na  abdominal aortic aneurysms ay hindi nagbibigay ng sintomas. Basta na lamang itong sumasabog kaya maaaring hindi na makaligtas pa ang  taong magkakaroon nito
Ikaw, nanaisin mo bang manganib ang iyong buhay?
Kung mahal mo ang iyong buhay at marami ka pang pangarap, huwag mong pababayaan ang iyong sarili. Pirmi mong tatandaan  na iisa lamang ang buhay ng tao kaya kailangan mong pangalagaan ang iyong sarili para hindi mo makaharap si kamatayan.



LALAKING NAAKSIDENTE, NABUHAY

ANG iyong kasintahan ay iiwan ka kapag nagsawa siya sa’yo, ang iyong mga kaibigan ay tatalikuran ka kapag wala ka ng maibigay sa kanila. Masakit man tanggapin pero ito ang katotohanan. Samantalang ang ating pamilya ay ang mga taong hinding-hindi tayo tatalikuran sa oras ng ating paghihirap. Kahit pa sabihing sawang-sawa ka na sa kanila o kaya naman ay walang-wala kang pera.
Para ma-appreciate mo ang kahalagahan ng isang kapamilya, maigi siguro kung basahin mo ang artikulo na ito.
Ang 25 taong gulang na si Fu Xuepeng, Chinese, ay naaksidente sa motor. Ang kalahating bahagi ng kanyang katawan ay naparalize at hirap na hirap siyang huminga. Dahil sa kanyang kalagayan ay kailangan pa niyang gumamit ng ventilator. Kung hindi niya kasi gagawin iyon ay siguradong mapupugto ang kanyang hininga at hindi iyon mapapayagan ng kanyang pamilya.
Iyon nga lang, wala silang sapat na salapi para magawa nilang suportahan ang kanyang pangangailangan. Napakamahal naman kasi ng hospital fee kaya kung ikaw ay nagmula sa maralitang angkan siguradong lalo kang mamumulubi. Pero, sabi nga, lahat ng bagay ay nagagawan ng paraan lalo na’t ang nakataya ay ang iyong minamahal na kapamilya. Kaya naman naisipan ng kanyang pamilya na gumawa ng homemade ventilator.
Sa pamamagitan ng  homemade ventilador na ito ay nagawa ng madugtungan ng kanyng buhay. Dahil nga saw ala namang machine na tutulong sa pasyente, ang kanyang pamilya ang  kanyang pamilya ang walang sawang nagpa-pump ng oxygen upang magkaroon ng hangin ang kanyang kanyang baga. Sa loob ng limang taon ay hindi nagsawa ang kanyang pamilya sa ginagawa. At hindi umalis ang mga ito sa kanyang tabi. Nagsasalit-salitan ang mga ito sa pagpa-punt noon upang manatili ang kanyang buhay. Kung hindi kasi maipa-pump iyon sa loob ng 3 minuto ay siguradong mamamatay siya.
Dahil sa pagpapakita ng pagmamahal ng kanyang pamilya ay nagawa niyang maimulat ang kanyang mata pagkalipas nang limang taon.
O, magagawa mo ba ito sa’yong kapamilya?


Panganay, Nagkakaroon Ng Diabetes At Alta Presyon

SABI  sa pag-aaral, ang mga panganay ang madalas na magkaroon ng diabetes.
Kapag ikaw ay panganay, buhos na buhos sa’yo ang atensyon at pagmamahal ng iyong mga magulang. Ikaw kasi ang unang bunga ng kanilang pagmamahalan. Kaya, lahat ng kailangan mo at luho ay kanilang naibibigay gaya ng pagkakaroon ng magagandang damit, laruan at kung anu-ano pa. Samantalang ang mga sumunod sa’yo ay magiging tagapagmana na lamang ng mga bagay na pinaglumaan ng unang anak.
Ngunit, kung may advantage ang pagiging panganay, mayroon din itong disadvantages gaya na lamang na sa balikat ng panganay nakaatang ang responsibilidad ng kanyang mga sumunod na kapatid. Siya ang dapat na gumabay sa mga ito. Bukod doon, maaaring ang panganay ay magkaroon ng problema sa kanilang kalusugan.
Sa pag-aaral nga ng University of Auckland, napagtanto na ang panganay ang mga kalimitang nagkakaroon ng diabetes at alta-presyon. Ang dahilan, ito kasi ang unang pagkakataon na nakakaranas ng pagbabago ang uterus ng isang babae.
Panganay ka ba?
Kung sasabihin mong, oo, natitiyak kong masasagot mo kung may katotohanan nga ba ang sinasabing ang pangay ay maaaring magka diabetes at alta-presyon. Iyon nga lang, hindi mo ito agad masasagot habang bata ka pa dahil ang sakit na ito naman ay lumilitaw lang kapag ikaw ay nagkakaedad ka na.
Kaya, kung bata ka pa, mas maiging mag-ingat sa pagkain ng matatamis at maku-cholesterol. Ang sabi nga kasi, ang mga panganay daw ang malimit na magkaroon ng ganitong sakit kaya kailangan mong mag-ingat. Huwag mo na sanang hintayin pa na mangyari ito sa’yo.
Ikaw din kasi ang magiging kawawa sa huli.
Sabi nga sa aking pagsasaliksik, kahit naman mukhang maraming sakit ang mga panganay ay siya naman ang pinakapayat at pinakamatangkad sa magkakapatid. Hay, kahit  naman anong bagay ay may advantage at disadvantages.


Kakaibang gadget para sa nagdidiyeta… HINDI MABUBUKSAN ANG REF, KAPAG NADITECT NA SOBRA NA KUMAIN

MASARAP kumain! Ito ang katotohanan na alam kong sasang-ayunan ng lahat lalo na ang matataks, short for matatakaw (he-he-he)
Bagamat masarap kumain ay kailangan din naman nating awatin an gating sarili na kumain nang kumain. Kung hindi kasi natin gagawin ito, tiyak na mistulan tayong lobo na bigla na lamang lalaki. Bukod pa sa maaari kang tumaba ng bonggang-bongga, maaari ka pang dapuan ng kung anu-anong karamdaman.
Nais mo bang mangyari ito sa’yo?
Kung kakain ka ng sobrang matamis maaari kang magkaroon ng disbetes, kung lagi ka namang kakain ng maalat, pupuwedeng magkaroon ka ng bato, kung parati kang iinom ng soda, magiging acidic ka, kung mahilig ka sa taba, magkakaroon ka ng sakit sa puso at kung kahihiligan mo naman ang pagkain ng maaanghang, tiyak magkakaroon ka ng almoranas.
Ibig mo bang magkaroon ka ng ganitong klaseng karamdaman?
Alam kong ‘of course not’ ang isasagot mo kaya naman maiging magkaroon ka na ng disiplina sa’yong sarili. Ikaw din kasi ang magiging kaawa-awa kung hahayaan mong maging habit mo ang labis na pagkain.
Very good ka sana kung lagi kang mag-eehersisyo ngunit maaari kang mabigyan ng failing grades kung pagkatapos mo namang kumain ay lalantak ka ng pagkain na sobrang makasasama sa’yong health.
Kung ganoon kang klaseng tao, maigi siguro kung babasahin mo ang artikulo na ito. Nakasisiguro kasi ako na labis itong makakatulong sa’yo. Kahit na kasi mahilig kang kumain ay matutulungan ka ng gadget na ito.
Isang maliit na gadget na kahugis ng USB ang naimbento upang matulungan kang makapag-diyeta. Ang kailangan mo lang gawin ay ikabit ito sa power supply ng iyong ref. Kung madi-detect ng iyong ref na labis na ang iyong pagkain ay hindi mo na ito magagawa pang buksan. Sa pamamagitan din nito ay nalalaman kung nakailang hakbang ka sa isang araw, kung gaano kalayo ang iyong nilakbay at kung ilang calories ba ang iyong natunaw.
O, hindi ba maganda ang gadget na ito na tinatawag na fitbit?





Bikini waxing, sanhi ng sexual transmitted disease

AYON sa matinding pagsasaliksik, ang mga babaeng sumasailalim sa intimate beauty treatments ay dahilan kaya hindi sila magkaanak o kaya naman ay malaglag ang kanilang dinadala.
Para  maging kaakit-akit ang isang babae sa kanilang partner, hindi lang ang kanilang kagandahan at kaseksihan ang dapat nilang pangalagaan. Kailangan din siyempreng maging mabangung-mabango siya para sa kanyang partner o asawa. Siyempre, biggest turn off sa isang lalaki kapag ang babae ay mayroong masangsang na amoy. Kaya naman, para masiguro na laging mati-turn on ang kanilang partner ay nagpupunta sila sa  clinic para sumailalim sa kung anu-anong beauty treatments.
Sa katunayan nga ay uso na ang bikini waxing. Sa pamamagitan nito ay magagawa mo ng maisuot ang iyong paboritong bathing suit, two piece man o one piece ay siguradong taas noo ka pa ring makapaglalakad ng walang pag-aalinlangan. Sa pamamagitan kasi nito ay para ka na ring nagpa-facial. Makinis na makinis na ang iyong keps. Sisiguraduhin kasi nitong naahit na iyon ng todo at walang masangsang na amoy na lalabas buhat sa’yong private area.
O, nagawa mo na bang magpa-bikini waxing?
Gayunman, kailangan mong malaman na lahat ng bagay ay mayroong advantage at disadvantage. Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko na may masamang idudulot ito sa ating buhay lalo na doon sa mga nais maging ina at sa mga nagdadalan-tao. Sa aking pagsasalik ay napag-alaman ko na kapag nagpa-bikini waxing ka ay maaari kang magkaroon ng Bacterial vaginosis (BV). Nakakalungkot lamang sabihin na kapag nagkaroon ka ng BV ay maaaring magkaroon ka ng fertility problems. Maaaring magkadiprensiya ka sa matris kaya hindi ka na magbubuntis, makukunan ka at maaari kang magkaroon ng sexually transmitted disease.
Maari nga kasing may kagandahan na maidudulot ito sa mga babae ngunit dahil nga hindi naman natin alam kung malinis talaga ang mga kagamitan na gagamitin sa sinumang magpapa-bikini waxing ay maaari kang makakuha ng kung  bacteria na makapagdudulot sa atin ng kung anu-anong karamdaman.

Kaya kung magpapa-bikini waxing ka, maaari bang pag-isipan mo munang mabuti? Kailangan kasing makasiguro ka na matagumpay iyon at hindi ka magkakaroon ng diprensiya dahil sa huli walang ibang magiging kawawa kundi ikaw.





Sanggol na isinilang sa taglamig, magkakaroon ng karamdaman paglaki

Ayon sa aking pagsasaliksik, kapag ang sanggol ay ipinanganak ng summer ay mayroong posibilidad na hindi siya magkaroon ng ng multiple sclerosis.
Akala natin ay okay lang kahit anong buwan isinilang ang ating anak. Ang importante ay ipinanganak siyang malusog at walang diperensiya. Ngunit, paano nga ba natin matitiyak na wala siyang karamdaman? Sapat na nga ba iyong umiiyak siya nang pagkalakas-lakas para matiyak mo na hindi siya magkakaroon ng sakit?
Hindi ganu’n kasimple ‘yun! Ito ang iyong pakakatandaan. Huwag mong iisipin na porke  mukhang malusog ang sanggol na iyong isinilang ay mananatili siyang healthy. Maaaring sa pagdaan ng araw ay ma-develop ang kanyang karamdaman na tinaglay niya mula pa nu’ng siya’y isinilang.
Ayon sa pag-aaral ng mga scientist sa Queen Mary na matatagpuan sa University of London at University of Oxford. Ang kalusugan ng sanggol ay nakadepende sa buwan ng kanyang pagsilang.
Ang 100,000 mamamayan sa UK ay mayroong multiple sclerosis, ang neurogical conditions na ito ay nagreresulta ng pagkakaroon ng diperensiya sa central nervous system. Ibig sabihin ang taong magkakaroon nito ay mahihirapang makipagkomunikasyon ang utak at iba pang bahagi ng katawan. Ibig sabihin ay magkakaroon ng diperensiya ang kanyang paningin, masel, pandinig at alaala. Sabi nga ang pagkakaroon ng ganitong karamdaman ay maaaring mamana at depende rin sa kanyang kapaligiran. Kung ang sanggol ay isinilang ng taglamig, maaari ngang ma-develop ang ganitong karamdaman sa kanyang pagtanda.
Kaya ayon sa pagsasaliksik, makabubuti talaga kung ang sanggol na ating isisilang ay ipapanganak ng summer. Sa pamamagitan daw nito ay malalayo sila sa ganitong karamdaman. Iyon nga lang, kapag sobra ang init naman, maaari namang matuyuan ng pawis ang sanggol at mauwi siya sa pagkakaroon ng pulmunya.
Gayunman, naniniwala ako na kapag ang isang ina ay responsible, tiyak kong hindi niya hahayaan na magkaroon ng diprensiya ang kanyang anak. Tag-araw man o taglamig. Ikaw, anong buwan ka isinilang?











Pag-uunat bago mag-exercise, lapitin ng aksidente

Naku po, ang pag-unat-unat pala bago mag-ehersisyo ay sanhi ng pananakit ng iyong  kalamnan at mga buto, ani sa pagsasaliksik.
Kung nais mo talagang magkaroon ng kaakit-akit na pangangatawan, kailangan talagang mag-ehersisyo ka nang maigi. Sabi nga, mas epektibo ang iyong pagpapayat kung tatagal ka ng kalahating oras hanggang isang oras kada araw. Ngunit, hindi naman lahat tao ay sanay na mag-ehersisyo. Ang iba nga sa atin ay mas ini-ehersisyo ang bibig upang kumain nang kumain. Pero, hindi naman lahat ng matataba ay gustong manatiling may mabigat na timbang. Kaya naman pinipilit nilang mag-ehersisyo. Pero, bago nila gawin iyon ay kinakailangan muna nilang mag-unat-unat. Sabi nga nila ay para mapaghandaan nila ang mga ehersisyo na kanilang gagawin. Kalimitan kasi’y kakailanganin nilang mag-jumping jack, sit-up, push-up at kung anu-ano pa.
O, nag-uunat-unat ka ba?
Bago mo ipagpatuloy sa’yong ginagawa, basahin mop muna itong ating artikulo. Sa pamamagitan kasi nito ay mapagtatanto mo na hindi rin pala maigi na mag-unat-unat ka muna bago sumabak sa tunay na pag-eehersisyo. Sabi kasi ng mga mananaliksik, kapag ganito ang iyong ginagawa, magiging prone ka pa sa mga injury.
Kapag kasi inuunat mo ng husto ang iyong katawan ay nabibigla ang iyong muscle’s kaya nakakaramdam ka ng pananakit sa’yong kalamnan kahit hindi ka pa nagsisimula talagang mag-ehersisyo. At dahil ilang sandali na lamang ay mag-uumpisa ka ng mag-ehersisyo ay wala ka ng ibang pagpipilian kundi ipagpatuloy ang iyong pag-eehersisyo.
Kungganoon, malaki ang tendensiya na sa halip na mapabuti ang iyong pag-eehersisyo ay mas lalo pang lumala. Kung mag-uunat ka kasi ng todo maaaring hindi mo masuportahan ng todo ang iyong balakang habang inuunat mo ng bonggang bongga ang iyong binti. Sa pag-i-stretching mo rin ay hindi mo halos mamalayan na parang nais nang humiwalay ng iyong braso sa’yong balikat dahil masyado mo silang naunat.
O, nais mo bang magkaganito?
Kung ayaw mo, mabuti pang huwag kang mag-uunat bago ka sumabak sa tunay na pag-eehersisyo dahil hindi mo masusoportahan ng husto ang iyong katawan kung magpapabigla-bigla ka sa’yong pag-uunat.


My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...