Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kakaibang artikulo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kakaibang artikulo. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Agosto 10, 2014

ANTI-DEPRESSANT PILL, SANHI NG PAGKAKAROON NG DIABETES

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

PAG-INOM ng anti-depressant pills ay nakatataba, ayon sa mga mananaliksik. Dahil sa pag-inom nito, malaki ang tsansa na magkakaroon ka ng Type 2 Diabetes.
Hindi natin maiwasan ang makaramdam ng sobr a-sobrang kalungkutan kapag tayo ay nabibigo. Pakiramdam nga natin ay pinagsasakluban tayo ng langit at lupa kapag nagkakadiprensiya ang ating pamilya, lovelife at career.
Napakasakit sa isang anak kapag nalaman niyang maghihiwalay na ang kanyang parents. Kung ang taong minahal mo ng sobra ay magsasabing tapusin na natin ang ating relasyon. O, kaya naman kapag nawalan ka ng trabaho.
Augh, hindi natin talaga maiwasan ang makaramdam ng sakit kapag isa sa mga ito ang nangyari sa atin. Kaya naman kung lahat ng ito ay mangyayari sa atin parang hindi natin makakayang lagpasan ang ating problema. Kung minsan nga ay parang  gusto na natin magpakamatay. Sabi nga, ang labis na kalungkutan daw ay nakamamatay. Kaya naman para matulungan ang mga taong nadi-depress ay ipinanganak ang tinatawag na happy pills o anti-depressant.
Umiinom ka ba nito?

Kung sobra-sobra ang kalungkutan na iyong nadarama, siguradong ang mga nagmamahal sa’yo ay labis na mag-aalala, kaya papayuhan ka nilang uminom ng anti-depressant. Ngunit, mas makabubuti kung ito ay irerekomenda ng espesyalista. Gayunman, kailangan mong malaman na ang pag-inom ng anti-depressant pills ay maaaring makapagbigay sa’yo ng diabetes.
Sa malikhaing pag-iisip na isinagawa ng mga mananaliksik sa Southampton University, napag-alaman na  sa pag-inom ng anti-depressant pill, ay maaari kang maging lumba-lumba. Mayroon kasi itong  sangkap na nakatataba kaya naman siguradong tatas ang iyong blood sugar kung panay ang inom mo ng anti-depressant. Kung lagi kang nadi-depress at naka-depende ka na sa anti-depressant pills asahan mo na maaaring magkaroon ka ng diabetes.
Kaya kung ayaw mong magkaroon ng ganitong karamdaman, huwag kang uminom ng anti-depressant pills. Magagawa mo naman iyon kung hindi ka susuko sa problema. Kung sakaling nabigo ka, makabubuting tanggapin mo ang  kabiguan na iyong natamo at gumawa ka ng para mawala ang iyong depresyon.

Kaya sa akin palagay, mamimili ka na lang kung lalabanan mo ang iyong depresyon o magkaka-diabetes ka. 

PAGI-EXERCISE NG 30 MINUTES KADA ARAW , MAS EPEKTIB

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


AYON sa malikhaing pag-iisip ng mga mananaliksik, mas effective sa mga may katabaan ang pagi-exercise ng kalahating oras kaysa patagalin pa nila ito ng isang oras.

Para sa mga babaeng determinado na manatili silang seksi, maiging nag-eehersisyo sila ng isang oras upang tuluyang ma-burn ang kanilang taba. Kayang-kaya naman nilang kontrolin ang kanilang sarili sa pagkain. Kung mapapagod nga sila ay mas gugustuhin pa nila ang magpahinga kaysa kumain. At kung kakain man sila, sisiguraduhin nila na masusuntansiya ang kanilang kakainin. Ibig nila na magkaroon ng magandang katawan at kaakit-akin na kutis kaya naman, prutas at gulay ang karaniwan nilang kinakain.
Samantalang, ang mga sanay na kumain naman, ay agad naghahanap ng ref at restaurant kapag natapos silang mag-ehersisyo. Pakiramdam kasi nila ay hinang-hina sila at ang paraan lang para makabawi sila ng lakas ay kumain nang kumain. Kaya naman, nawawalan ng bias ang pag-eehersisyo nila ng isang oras. Samantalang kung 30 minutes lang silang mag-eehersisyo ay hindi sila makakaramdam ng  sobrang pagod.
Kaya naman sa pagsasaliksik na isinagawa ng mga mananaliksik sa University of Copenhagen, ay napag-alaman na kapag mas maikli ang pag-eehersisyo ay mas epektibo. Mas masaya pa ang mga nag-exercise dahil hindi sila gaanong napagod kaya naman, nagagawa pa nilang makapag-smile ng husto.
Sabi ni Professor Bente Stallknecht, ng University Department of Biomedical Sciences, ang sobrang katabaan ay isang problema na kung hindi ka magiging disiplinado ay hindi ka magiging matagumpay sa layunin mong magpapayat.
Kaya, makabubuti talaga kung hindi ka magpapakapagod sa pag-eehersisyo. Kapag naramdaman mo kasi na nawawalan ka ng lakas, siguradong maghahagilap ka agad ng pagkain. Kungganoon ang gagawin mo, para ano pa at nag-ehersisyo ka.
Slowly but surely, ito ang pinakamabuting gawin ng mga gustong magpapayat. Partikular na iyong mga nag-uumpisa pa lamang mag-ehersisyo. Ngunit, kailangan kapag 30 minutes na ehersisyo ang iyong gagawin ay gagawin mo ito araw-araw. Para naman ang mga kinain mo moong nagdaang araw ay tuluyang mawala.

O, exercise na? Promise, 30 minutes lang ang kailangan mo at siguradong papayat ka pagkalipas ng isang buwan. Basta, huwag ka madaya, okay? 

PANANAKIT NG ULO, PANANAKIT NG SIKMURA, AT NAUSEA, SENYALES NG NABU-BULLY

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 



MASAMA ang pakiramdam ko, hindi ko feel pumasok. Ito ang kalimitan katwiran ng mga bata kapag hindi sila bumabangon sa kanilang higaan kahit ilang beses mo na silang ginising.
Bilang magulang, hindi mo maiwasan ang labis na mag-alala kapag sinabi nilang masakit ang kanilang ulo o tiyan  o leeg o likod o kung anuman. Tapos ay susundan pa nila ng pag-iyak at makikiusap na huwag na silang papasukin dahil masama nga ang kanilang pakiramdam.

Sino ba namang magulang ang hindi makakaramdam ng matinding awa kapag namumutla na ang iyong anak? O, hindi ba kung minsan nga ay parang gusto mo ng saluhin ang sakit na kanyang nararamdaman. Tingin mo kasi ay hirap na hirap siya kaya naman matindi pa ang kanyang pagkakangiwi. Kaya naman ang una mong iisipin ay isugod na siya sa ospital, maaari kasi mayroon siyang seryosong karamdaman.
O, hindi ba, talaga namang hindi dapat balewalain ang nararamdamang sakit? Kahit pa sabihing kaunting sakit lang ang iyong nararamdaman, maaari pa rin ‘yang lumala kapag hindi naagapan. Kaya naman sasabihin mo sa iyong anak na magpunta na kayo sa ospital ngunit magpapakatanggi-tanggi siya at sasabihing magpapahinga na lamang siya.
Kapag ganoon ang salita ng iyong anak, hindi  ba nagdududa ang malikhaing pag-iisip mo? Maaari kasing naghahanap lang siya ng dahilan para hindi pumasok.
Sabi nga sa pag-aaral, kalimitan sa mga estudyanteng ayaw pumasok at nagsasabing may sakit siyang nararamdaman ay iyong nabu-bully o laging inaapi. At kung minsan, ay hindi lang ito dahilan dahil maaari talagang sumasakit na ang kanilang ulo dahil mayroon na silang  psychosomatic symptoms.
Sabi nga ng mga mananaliksik, ang pananakit ng ulo, pamimilipit sanhi ng sakit sa sikmura at nausea ay sintomas ng nabu-bully ang isang tao. Kaya kung madalas mong makitang may ganitong karamdaman ang iyong anak o kaya ang iyong estudyante, makabubuti kung kakausapin mo siya at paaminin kung mayroon ba sa kanyang nambu-bully.
Ayon pa sa mga mananaliksik sa University of Padua, Italy, 220,000 estudyante sa 14 na bansa ang may ganitong karamdaman. Kaya naman kailangan talagang sila ay matutukan. Dahil kung mayroon silang psychosomatic symptoms ay malaki ang posibilidad na mapabayaan na nila ang kanilang pag-aaral. Magiging mahina rin siya. Hindi lang siya panghihinaan ng loob, maging ang katawan nila ay magiging mahina rin.
O, nais mo bang maging mahina ang iyong anak?
Sure akong sasabihin mong hindi, dahil maaaring mawalan sila ng gana mag-aral dahil ang gugustuhin na lamang nila ay magkulong sa kanilang silid.



PAGDI- DAY OFF, NAKATATABA!

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


SA aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko na ang pagdi-day off  daw ay nakatataba!
Naku po, siguradong marami ang empleyado ang magri-react sa aking sinabi. Siyempre, lahat ng nagtatrabaho ay kailangan din ng isa o dalawang araw na pahinga. Hindi naman porke marami kang ginagawa, aabusuhin mo na ang iyong sarili. Tiyak na magkakasakit ka kapag hindi mo itinigil ang pagtatrabaho.

Sabi nga, kailangan mong mag-relax. Kaya kung mayroon kang day off, makabubuting  huwag ka munang mag-isip tungkol sa trabaho. Mag-enjoy ka muna. Ito na ang pagkakataon mo para magsaya. Sabi nga, kailangan mo ring mag-happy happy. Ngunit, bago ka makaramdam ng sobrang kasiyahan dahil mayroon kang day off, kailangan mong basahin ang artikulo na ito.
Sa  pagsasaliksik ng aking malikhaing pag-iisip ay napagtanto ko na kapag ang isang tao ay nagdi-day off, napakalaki ng tsansa na siya ay lumaki nang lumaki. As in, tataba siya ng husto. Kaya , ang mga taong magkakaroon ng bakasyon mula sa kanilang trabaho ay kailangang mabalaan ng husto.
Kung tayo ay nagtatrabaho ay wala tayong ginawa kundi isipin kung paano matatapos ang ating trabaho. Kung minsan nga ay hindi na halos tayo nagbi-break dahil ibig natin na mapa-‘wow’ ng husto ang ating mga bossing. Samantalang kapag nag-off tayo, wala tayong ibang iisipin kundi kung paano masisiyahan o paano natin mai-enjoy ang araw na iyon.
O, hindi nga ba, kapag nasa bahay lang tayo, wala itayong ibang mapuntahan kundi ang kusina. Sa madaling salita ay wala tayong ginawa kundi kumain nang kumain. Pagkaraan ay matutulog tayo.  Ang resulta noon, bibigat ang ating timbang. At kahit na nagpasya tayong mag-mall, at nag-window shopping ka o naglakad nang pagkahaba-haba, siguradong sa fastfood o restaurant din ang magiging destinasyon mo.
Kaya naman sa pagsasaliksik ng mga malikhaing pag-iisip ng mga eksperto
 ay aking napag-alaman na 10,000 calories ang naku-konsumo ng mga taong nagdi-day off. Aminin mo, mas masarap kumain kapag kasama mo ang iyong pamilya o mga kaibigan. Kung minsan nga ay mas  gaganahan ka pang kumain kapag may softdrinks o alak.  At mas mabilis pa ang pagiging pagtaba mo kung 2 araw ang iyong day off.
O, hindi ba, karamihan sa mga nagtatrabaho sa atin ay Lunes hanggang Biyernes lang ang pasok.
Kung ibig mong magkaroon ng magandang katawan, nanaisin mo pa bang mag-day off?


MGA TAONG MAY CAVITIES, WALANG MOUTH AT THROAT CANCER

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


YAK, kadiri, nakaka-turn off! Hah, sure na sure ako na ang mga katagang ito ang agad  ibubulalas kapag nakita mong may sira ang ngipin ng isang tao. Gaano man siya kaganda o kaguwapo, nagiging pangit pa rin siya sa ating paningin kapag nakita mong mayroon siyang tartar.
Kaya, kung ayaw mong magkaroon ng sira-sirang ngipin na magiging dahilan para ma-turn off ang iyong crush, kailangan mong magsipilyo pagkatapos kumain. Maigi ring kung gagamit ka ng mouthwash upang mamatay ang mga bacteria na namamahay sa’yong bibig. Kapag nagawa mo ito, sigurado na marami ang magka-crush sa’yo. Kung ikaw ay isang babae, siguradong pila-pila ang mga manliligaw mo.

Sa malikhaing pag-iisip ng mga eksperto, hindi ko maiwasan ang mapakunot. Naningkit ang aking mga mata habang nakatitig sa screen ng computer. Para kasing hindi ko mapaniwalaan na ang pagkakaroon pala ng cavities ay may kabutihan ding naidudulot sa ating buhay. Akalain mo ‘yon!
Sa pagsasaliksik ko kasi’y napag-alaman ko na ang mga taong mayroong cavities partikular na ang mga matatanda ay nakakaiwas sa Mouth at throat cancer. Naniniwala ang mga nanaliksik ay dahil ang lactic acid na nabubuo ng cavities ay nakakaawat upa mag-develop ang cancer cells. Kaya naman ang mga taong maraming cavities ay bihirang magkaroon ng mouth at throat cancer.  
It so unfair!  Alam kong ito ang isisigaw ng ilang tao na sobrang pag-aalaga sa kanilang ngipin. Para naman kasing napakaimposibleng mangyari iyon ngunit sa maniwala ka’t sa hindi, maging ang mga espesyalista ay nagulat.
Ngunit sa pagsasaliksik na isinagawa ng University of Buffalo, New York, na pinamumunuan ni Dr. Mine Tezal, kumuha sila ng 399 katao na mayroong cancer. Pagkatapos ay ikinumpara nila iyon sa 221 katao na walang cancer. At ang resulta, ang mga, ang mga taong walang mouth and throat cancer ay may cavities.
O, hindi naman porke, ayaw mo magkaroon ng mouth at throat cancer ay gugustuhin mo ng magkaroon ng cavities, ha. Mayroon pa namang paraan para hindi ka magkaroon ng mouth at throat cancer kahit magandang-maganda ang ngipin mo. Isa na nga roon ang pagkain ng yogurt. Sa pagsasaliksik ay mayroon itong lactic acid ingridients.
O, ayaw mo bang magkaroon ng mouth at throat cancer?
May dalawa kang pagpipilian.  Magkaroon ng cavities o kumain ng yogurt.
Ano ang iyong pipiliin?







PAGPUNTA SA MARS, MAS MAINAM KAYSA MAGPAKAMATAY

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin


MARAMI man tayong kinakaharap na problema, kailangan pa rin nating tandaan na masarap mabuhay. Nagagawa nating gawin ang mga nais nating gawin at nakakaramdam tayo ng kasiyahan. Iyon nga lamang, may pagkakataon na kailangan nating umiyak. Gayunman, hindi ito dahilan para tayo’y sumuko. Dapat nga ay maging  dahilan iyon para tayo ay maging matapang.
Nakalulungkot lang isipin na may mga tao na nawawalan ng pag-asa kapag sila ay nagkakaproblema. Karamihan pa nga sa kanila ay nababaliw o naiisipang magpakamatay. Ang dahilan nila, ibig nilang takasan ang kanilang problema. Ngunit, magagawa nga ba nila itong takasan? Hah, sure ako na hindi. Kahit naman kasi mawala na sila sa mundo na ito, alam kong hindi pa rin sila matatahimik. Sabi nga, hindi makakapasok sa pintuan ng langit ang mga nagpakamatay.
Ikaw, paano mo solusyunan ang iyong problema?

Sana ay huwag mong gayahin ang mga taong nagpapatiwakal. Kailangan ay labanan mo ang lahat ng problemang dumarating sa’yong buhay. Sabi nga, lahat naman ng problema ay mayroong solusyon. Kaya, ang problema ay iyong solusyunan. Kung sakali na gusto mo talagang tumakas sa mundong ito, makabubuting basahin mo ang artikulo na ito. Sa pamamagitan kasi nito ay mabibigyan kita ng ideya kung saan lugar maaaring pumunta.
Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko na maaari ka palang bumili ng ticket papunta sa Mars. Katunayan, mayroon ng 200,000 katao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nag-apply para makarating sa Red Planet.
O, hindi ba, mas okay na umalis ka na lang sa mundo na ito ng buhay kaysa naman magpakamatay ka. Aba, ang buhay mo ang pinakamagandang regalo ni God sa’yo kaya huwag mong balewalain. Mahiya ka naman sa mga tao na mayroong kapansanan at matinding karamdaman pero nagpipilit pa rin lumaban para madugtungan ang kanilang buhay. Sana rin ay maisip mo ang pamilya mo na labis na nagmamahal sa’yo at nasasaktan dahil hindi mo sila pinahahalagahan. Gayunman, buhay mo ‘yan, kaya ikaw ang magdesisyon para sa’yong sarili.
O, nais mo bang magpunta sa Mars?
Kung talagang ayaw mo ng makita ang mga taong nagmamahal sa’yo at nagsasawa ka ng mabuhay sa ating mundo, maiging magpunta ka nga sa Mars. Iyon nga lang, kailangan mong tandaan na kapag umalis ka na sa ating mundo ay hindi ka na makababalik pa. Ang mga tao kasing maaaprubahan na makapunta sa Mars ay hindi na makababalik pa dito. Dahil mananatili ka na roon hanggang sa’yong kamatayan.
Huwag mo na rin alalahanin pa ang mga tao na iyong maiiwan dahil kahit wala ka naman sa mundong ito ay makikita ka pa rin nila.
Ang 24 to 40 tao na maaaprubahang makarating sa Mars ay ipapalabas sa TV kaya naman pati ang kamatayan mo ay masasaksihan din nila.
O, handa ka na bang gugulin ang buong buhay mo sa Mars. Alalahanin mo, ang init doon ay nasa 150 C.
Ngayon kung ready ka na talaga, magkakaroon ng 7 year training program na mag-uumpisa sa 2015. Pagnakapasa ka na roon ay magkakaroon ka ng interview sa mga miyembro ng Mars One, sila iyong magpapadala ng mga tao sa Mars. At pagkatapoos ay may iba’t ibang challenge kang kakaharapin kasama ang ilan pang napili.
O, handa ka na bang makipagtunggali sa iba pang tao na sabik ding iwanan an gating mundo?



MICROSCOPIC LENS, NASA CP NA!

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin


WOW, maaari ng magkaroon ng microscope ang iyong cellphone, sabi sa pagsasaliksik.
Bagamat mayroong camera ang ating cellphone, hindi pa rin ito sapat para mapagmasdan mo ng mabuti ang isang bagay. O ang isang napakaliit na bagay. Kaya, wala kang ideya kung gaano nga ba iyong karumi o kaliit. Kaya naman naisipan ng isang graduate na mag-imbento ng isang microscopic lens at ilagay sa cellphone.
Naniniwala siya na marami ang magkakainteres sa lens na ito. Likas naman naman kasi sa mga tao ang maging mapagtuklas at karamihan sa atin ang naniniwala na sadyang makakatulong ang microscopic lens na ito sa pagtuklas natin sa mga bagay-bagay.

Kung titingnan mo ang isang barya ay tila isang ordinaryong bagay lang. Bagamat alam natin na marumi ang pera, parang hindi naman natin ito gaanong pinaniniwalaan. Kung minsan nga ay enjoy na enjoy pa tayo sa paghawak ng barya o kaya ay pagbibilang ng barya. Paano, ang ibig sabihin nito ay marami tayong mabibili.
Kaya naman, marami ang madalas magkasakit. Wala kasi silang ideya kung gaano karumi ang kanilang mga hinahawakan. Kahit naman kasi kunan mo ng camera ang isang bagay, hindi mo makikita roon ang mga germ na madali mong makita kung ang gamit mo ay isang microscopic lens.
O, nais mo bang magkaroon ka ng microscopic lens na ito sa’yong cellphone?
Kung nais mong makita ang lahat ng dumi na nasa isang bagay, makabubuting lagyan mo ng ganito ang iyong cellphone. Tiyak na sa pamamagitan noon ay magdadalawang-isip ka na kung patatagalin mo pa ang paghawak sa barya kung agad mong makikita na super nakakadiri ito. Ang Micro Phone Lens na ito ay inimbento ng 22 taong gulang na si Thomas Larson, taga-Seattle. Tapos na siya ng Mechanical Engineering sa University of Washington.
Kung nais mong magkaroon nito sa’yong cp, ang presyo nito ay nasa P600. Maaaring sa ibang tao ay may kamahalan nga ito subalit kung susuriin mo namang mabuti ay malaki ang maitutulong niyon sa’yo. Kung makikita mo agad na napakarumi ng isang bagay, siguradong hindi mo na kukunin. At kung kukunin mo man, siguradong maghahagilap ka agad ng tubig at sabon o kaya ay alcohol para matiyak mong mapupuksa nito ang germs na nasa iyong kamay.
Ang lens naman na ito ay mayroong platinum catalyzed silicone, isa itong sticky material na maaaring hugasan ng sabon at tubig. Huwag kang mag-alala, hindi ito masisira sa sabon at tubig kaya talagang kapaki-pakinabang ito.
O, gugustuhin mo bang magkaroon nito?




Mga sinungaling na karelasyon… BUKING, KAPAG MATAGAL MAG-REPLY

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


AYON sa pagsasaliksik, mabubuking mo ang iyong asawa, BF o GF na nagsisinungaling siya sa’yo kapag matagal siyang mag-reply sa’yong text.
O, hindi ba, napakadali lang naman sumagot ng yes or no. Ngunit, para sa ibang tao, partikular na sa isang karelasyon, tila hirap na hirap siyang sagutin ang simpleng tanong. Ang rason, maari kang kapag sinagot niya ang iyong tanong ay maaaring magwakas ang inyong relasyon o kaya naman ay mabuking ka niyang mayroon kang ginagawang kalokohan.
Sabi ng marami, para raw malaman mo kung nagsasabi ng totoo ang isang tao ay titigan mo siya sa mga mata. Ngunit, paano naman kung hindi mo siya kaharap? Na ang komunikasyon lang ninyo ay text, paano mo malalaman kung nagsisinungaling siya? Sa artikulo na ito ay isinasaad na kapag matagal mag-reply ang iyong ka-text ay maaaring nagsisinungaling siya.

Sabi ng mga mananaliksik sa US, para ma-detect mo kung nagsisinungaling ang iyong ka-text, tingnan mo kung gaano siya ka-tagal mag-reply. Kung maaari nga raw ay bilangin mo ilang Segundo o minuto siya bago mag-reply.
Ang mga taong  walang itinatago, diretso kung sumagot, ngunit kapag mayroon siyang ipinagkakaila, sigurado na hindi pa siya makapagre-reply agad. Ang dahilan, nag-iisip pa sila ng sasabihin. Kailangan kasing piliin nila ang mga katagang bibigkasin sa text.
Kaya naman kung susuriin ninyo, kapag may gustong ilihim sa inyo ang iyong karelasyon ay hindi siya nagpapakita. Nagte-text lang siya para sabihin o magpaliwanag kung bakit hindi siya nakasipot sa inyong usapan. Napakahirap naman kasi kung ipapakita niya sa’yo ang kanyang mga mata, tiyak na mabubuking mo agad ang pagsisinungaling niya. Samantalang kung magti-text lang siya ay hindi mo siya mabubuking lalo na’t dire-diretso ang kanyang pagpapaliwanag.
Kaya naman, para malaman mo kung nagsasabi siya ng totoo o hindi, kailangan ay orasan mo kung gaano siya katagal mag-reply.
Sasabihin niyang lowbat siya o kaya nama walang load. Hah, huwag mong bilhin ang katwiran na ito. Kung talaga kasing gusto niyang ipaalam kung ano ang tunay na nangyari, gagawa agad siya ng dahilan para makapagpaliwanag. Siyempre, ang agad niyang iisipin ay hindi niya gusto na magduda ka sa kanya.
O, gaano ba katagal mag-reply sa text mo ang iyong ka-relasyon?


Biyernes, Agosto 8, 2014

BINATA, NATUSOK NG ELISI

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.




KAHIT hindi ka piloto, magagawa mo pa ring makapagpalipad ng helicopter. Iyon nga lang, remote control helicopter lang ang magagawa mong paliparin. Gayunpaman, sigurado akong makakaramdam ka rin ng kasiyahan kapag nagawa mong makapagpalipad ng remote control helicopter.
Ang mga piloto at ang may hawak ng remote control helicopter ay kailangang maging maingat upang hindi bumagsak ang pinalipad nilang helicopter. Kapag kasi nawalan sila ng control dito ay maaaring may mga buhay na maaaring masawi.

Kung inaakala mo na wala namang buhay na mawawala dahil nagpapalipad ka lang naman ng remote control helicopter, nagkakamali ka. Maaari rin namang makadisgrasya ang laruan na ito. At ang nakakatakot pa, maaari kang mamatay o makapatay kapag hindi mo ito nakontrol.
Huwag mong isipin na imposibleng mangyari iyon, dahil nangyari na nga. Para mas maintindihan mo ang aking sinasabi, kailangan mong basahin ng maigi ang artikulo na ito at pagkaraan ay kailangan mo ng mag-ingat kung magpapalipad ka ng remote control helicopter.
Hindi naman kasi lahat ng remote control helicopter sy puro pambata. May mga big guys naman kasi na mahilig ding maglaro ng remote control helicopter kaya  may mga ganitong laruan na gawa sa bakal. At ang nakakatakot pa ay sobra ang talim noon kaya naman kung hindi mo magagawang kontrolin ang laruan na ito ay maaari kang matulad sa tauhan sa artikulo natin ngayon.
Ang 19 taong gulang na si Roman Pirozek, taga-New York City, ay nagpapalipad ng remote controlled helicopter sa Calvert Vaux Park na matatagpuan sa Brooklyn, nang maganap ang hindi inaasahan. Nawalan siya ng control sa helicopter. Sa halip kasi na maglanding iyon sa damuhan ay dumaan iyon sa kanyang ulunan na naging dahilan para siya ay masawi. Ang elisi ng remote controlled helicopter na iyon ay gawa sa bakal kaya naman ang talim noon ay humiwa sa malaking parte ng kanyang ulo. At ang nakakapangilabot ay tumusok pa ang elisi ng remote controlled helicopter sa ulo ni Roman kaya naman dahilan iyon kaya’t agad siyang namatay.
O, kaya, kung maglalaro ka ng remote controlled helicopter, mag-ingat ka. Huwag mong hayaang mangyari ulit sa’yo ang nangyari kay Roman Pirozek.


STRESS, DAHILAN KAYA LAGANAP ANG CANCER

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.


AYON sa mga eksperto, ang stress ay sanhi ng pagkakaroon ng cancer.
Naku po!

Abot-abot ang hingal na ginagawa ng ating mga kababayan (kabilang na ako ru’n) kapag traffic. Siyempre, ang agad nilang iisipin ay mali-late sila sa kanilang trabaho, kaya, paano nila makakamit ang  inaasam nilang Best in Attendance. Bukod pa roon ay hindi nila nais magkaroon ng matinding deduction sa kanilang payslip dahil sa kanilang tardiness. Kaya naman, para hindi sila ma-late sa trabaho, lakad-takbo na ang kanilang ginagawa o kaya naman kung feel na feel na talaga niyang mali-late siya, tumatakbo na siya na para bang isang napakagaling na runner.
O, hindi ba kapag ganu’n ang ginagawa mo, parang bumibilis ang pintig ng iyong puso. Siyempre, masyado kang hiningal kaya nakakagat mo rin ang pang-ibabang labi mo. Kapag nakarating ka sa bundy clock on time hindi mo maiwasan ang mapangiti dahil success ang ginawa mong pagtakbo ngunit kapag nakita mo na na-late ka na, kahit isang minuto, pakiwari mo’y para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Iisipin mo agad na magkakaroon ka ng pangit na record sa inyong kumpanya. Ang ending, mai-stress ka.
Ang pagka-stress mo sa traffic ay hindi pa magtatapos ng araw na iyon. Siyempre, may buong araw ka pang bubunuin
Paano kung tambak na tambak ang iyong trabaho ng ikaw ay dumating  at sasabihin pa ng boss mo, 5pm ang deadline. O, hindi ba mangangarag ka na? Hindi mo pa man nasisimulan ang iyong trabaho ay iniisip mo na kung paano mo iyon matatapos sa takdang oras. Kung hindi mo kasi matutupad ang ipinag-uutos sa’yo, siguradong  mabubulyawan ka ng iyong bossing. Kapag minalas-malas ka pa ay maririnig mo ang kanyang favorite line na, ‘Maluwag ang pinto, lumayas ka na. You are fired!’
Augh, hindi lang kaunting sakit ang mararamdaman mo nu’n kundi sobra-sobra. Biruin mo, natigbak ka sa trabaho. Kaya, sobra mong iisipin kung paano ka ngayon. Paano mo mabubuhay ang iyong pamilya?
Hay naku, bawat tao naman ay may kanya-kanyang problema. Kung minsan nga, sapin-sapin ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay kaya naman hindi nila maywasan ang masyadong ma-stress.
Ikaw, palagi ka bang nakakaramdam ng stress.
Kungganu’n, kailangan mong mag-relax. Kung hindi mo kasi gagawin ito, siguradong magkakaroon ka ng malaking problema sa darating na panahon. Ayon kasi sa pag-aaral,  dahil sa stress ay maaaring magka-cancer ang tao sapagkat parang ilaw na mabubuksan ang ‘master switch’ gene na tinatawag na ATF3, kung saan maaaring lumabas ang cancer cells. Kapag nangyari iyon ay kakalat ito sa katawan mo at maaaring hindi mo na maagapan. Sa madaling salita, kamatayan na ang iyong kahahantungan.
Sabi pa, karaniwan sa mga nai-stress ay nagkakaroon ng breast cancer at prostrate cancer. Maaaring kaya nagkakaroon ng breast cancer ay dahil ang kamay ang laging nagtatrabaho. Dahil sa nagmamadali ang kanyang kilos ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng stress. Bukod sa nangangawit ang kamay mo ay namamanhid na rin ang hugpungan ng balikat at braso mo. Ito’s manunulay pa sa’yong kili-kili patungo sa’yong suso. Ang prostrate cancer naman maaaring makuha sa pagpipigil mo ng ihi at kapag kumakain ka ng maaalat. Karaniwan dito ang mga sitsirya.
Aminin mo, kapag nagtatrabaho ka ay mas gusto mong sitsirya ang kinakain mo at hindi healthy foods tulad ng fruits and sandwiches.
O, hindi ba, nais mong maiwasan ang magkasakit, partikular na ang cancer? Kungganoon, hindi mo dapat pabayaan ng husto ang iyong sarili. Huwag kang masyadong magpa-stress dahil baka hindi mo mamalayan na buhay mo na ang magiging kapalit ng pagiging stress mo.


SCREENING FOR CANCER, DEMENTIA AT KUNG ANU-ANO PANG KARAMDAMAN, BAD SA HEALTH!

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


SABI ng mga eksperto, ang screening para malaman kung mayroon kang bowel cancer, breast can cer at dementia, ay hindi makatutulong sa’yo. Sa pamamagitan kasi nito ay madadagdagan lang ang takot sa’yong dibdib.

Para nga raw malaman natin na okay na okay ang ating kalusugan, kailangan nating magpa-check-up.  Kailangan siyempre natin malaman kung ano ang sakit natin at upang magamot ito agad. Kung mayroon tayong ubo o sipon, siguradong agad mawawala kung magpapa-check-up tayo. Basta ang kailangan lang nating gawin ay sundin ang inereseta ng mga doctor. Uminom ng gamot sa tamang oras. At dahil nga mahal natin an gating sarili, pati na rin ang ating pamilya ay gugustuhin natin na maglaho ang anumang sakit na ating nararamdaman.
Aba, napakahirap kayang magtrabaho  tayo ay not feeling well. Kaya naman, kung nanlalata tayo, masakit ang ulo, mahihirapan kang mag-concentrate sa’yong ginagawa. Baka nga magkaloko-loko pa ang iyong trabaho, kaya kailangang iwasan mo itong mangyari. Baka naman mamaya ay mapagalitan ka ng iyong boss. Kaya nga ang sabi, kailangang sure ka palagi na healthy ka.
May mga pagkakataon naman na mabuting-mabuti ang pakiramdam mo sa’yong sarili pero magkakaroon ng screening test sa inyong kompanya o  barangay ay manghihinayang ka na ito ay palampasin. Alam mo naman kasi na ang pagpapa-check up ay napakamahal kaya kung mayroon namang libreng konsultasyon ay siguradong gugustuhin mo ng alamin kung pasado ka sa screening test. Sabi nga ng UK National Screening Committee, kapag sumailalim ka sa screening, asahan mo na mayroong pros at cons o advantage at disadvantage.
Bagamat may malaking advantage ang screening test sa atin, mayroon pa rin itong disadvantage. Sabi nga kasi ng mga eksperto kapag ang isang tao ay sumalang sa screening test at sasabi na mayroon siyang karamdaman, siguradong ang pangamba sa kanyang puso ay mamamahay na. Dahil nga sa alam niya na mayroon siyang karamdaman ay gugustuhin niyang gumaling agad. Dahil tuloy doon ay kung anu-nong gamot ang kanyang iinumin.
Kaya, paalala ng mga eksperto, makabubuti kung hwag basta-basta sasalang sa kung anu-anong screening test. Kahit naman may posibilidad na agad kang gumaling dahil maagang na-detect ang iyong karamdaman, malaki pa rin ang posibilidad na may maidulot na masama sa’yo ang pag-i-screen test.
Aniin mo man o hindi, alam kong nakakaramdam ka agad ng takot kapag sinabi ng doctor na maaari kang magkaroon ng cancer o dementia. Maiisip mo kasi agad na paano ka na at paano na ang mga mahal mo sa buhay na maiiwan kapag hindi ka naghagilap agad ng solusyon. Dahil nga sa may takot ng nararamdaman ang tao, hindi na siya sasailalim pa sa isa pang screening para mapatotohanan ang sinabi ng unang manggagamot. Paano’y natatakot na siya kaya naman ang gamot na ibinigay sa kanya ng nagpa-screen test sa kanya ang agad niyang tatanggapin. Kung ganoon ang gagawin mo, baka naman lalong lumala ang iyong karamdaman.
Ah, kailangan mong malaman na hindi porke sinabi sa screen test na mayroon kang dementia o cancer ay agad ka ng maniniwala. Kailangan mo pa rin siyempreng bumisita sa ospital at mgpatingin sa espesyalista kung  ano nga ba ang stage ng iyong karamdaman o kaya naman kung anu-ano ang gamot na makabubuti sa’yo kung talaga nga bang may ganoon kang karamdaman.

Para hindi ka na masyado pang kabahan, makabubuting huwag ka na sumailalim sa screening test  kapag alam mo ng mayroon kang nararamdamang bukol sa’yong katawan o kaya naman ay pumapalya na ang iyong memorya. Sa mga ganitong kaso kasi, kailangan ay mga espesyalista na ang titingin sa’yo. 

GOOD MANNER AND RIGHT CONDUCT, MAAARI KANG MALAYO SA KARAMDAMAN

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


ANG taong mayroong good  manner and right conduct ay talagang kahanga-hanga. Dahil sa ganda ng ugali na kanyang ipinapakita, marami ang rumerespeto sa kanya. Sigurado pang siya ay kagigiliwan.

Ikaw, alam mo ba ang tama at mali? Ina-apply mo ba ang good maners and right conduct na natutunan mo sa eskuwelahan? Ang kabutihan din ng ugali ay nagsisimula sa inyong tahanan kaya sure ako na kung mula ka sa mahusay na pamilya, hindi mo makalilimutang gawin ang kagandahang asal.
Ginagawa mo ba ang mga kabutihan na iyong natutunan? Sana naman ay ‘oo’. Siguro naman ay gusto mo rin naman na katuwaan ka ng mga tao, hindi ba? Bukod pa  rito ay nais kong sabihin na ang pagpapakita ng kabutihang asal ay may kagandahan ding idudulot sa’yong kalusugan.
Sa akin kasing pagsasaliksik ay nagawa kong mapatunayan na kapag gumagawa ka ng kabutihan o ini-a-apply mo ang good manners and right conduct, hindi ka magkakaroon ng kung anu-anong karamdaman.
Ang karamdaman ay kalimitan na naisasalin sa atin dahil masyado tayong dumidikit sa isang tao. O, hindi ba kapag ikaw ay malapit na malapit sa isang tao, mapababae man o mapalalaki ay parang hindi mo ginagamit ang kabutuhan na itinuro sa’yo?
Kung ikaw ay lalaki at type mo ang babaeng iyong kausap, siguradong gugustuhin mo na mapalapitr ng husto sa kanya. Masama mang pakinggan pero magti-take advantage ka sa sitwasyon para sa kanya ay maka-tsansing. Kung ikaw ay may mabuting ugali, sure ako na kahit na gusto mo ang babae ay magiging gentleman ka sa kanya. Magagawa mo ito kung bahagya kang lalayo sa kanya.
Sabi nga ni Dr. Val Curtis, mula sa London School of Hygiene and Tropical Medicine. “Kung gagamitin lang natin ang mga kabutihan na ating natutunan ay malalayo tayo sa karamdaman.”
Bagamat maganda o pogi ang isang tao ay hindi natin alam kung anong klaseng sakit ang nasa kanyang katawan. Maaaring may sakit siyang nakuha mula sa kanyang paglalakbay at kung lalapit ka sa kanya ng todo ay maaari kang mahawa.
Kung makikipag-shakehands ka sa isang tao, maaaring magkaroon ka ng salmonella bacteria. Kung ikaw naman ay aakbay o yayakap ay maaari kang magkaroon ng hepatitis o syphilis. Huwag ka na makibahagi pa sa mikrobiyo na kanyang dala. Sabi nga, ang tao ay maikukumpara sa isang bag na microbes. Ito ay iyong mga mikrobiyo na maaaring dumapo sa’yong katawan.

Kaya, tuwina, lagi mong tatandaan ang kabutihang idudulot ng tao na pinapairal ang kanyang good manners at right conduct. 

Huwebes, Agosto 7, 2014

PAGLALARO NG ACTION GAMES, NAKAKATULONG PARA MABAWASAN ANG GALIT NA NARARAMDAMAN

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


HINDI naman pala lahat ng action games ay makasasama sa ating anak. Basta ang kailangan lamang ay piliing mabuti kung ano ang laro ang makabubuti para sa ating mga anak. Kung mayroong PSP, Xbox o kung anumang game console an gating anak, tiyakin mo lang na ang lalaruin niya ay makabubuti rin sa kanya.

Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko na ang larong Grand Theft Auto at Mortal Kombat ay hindi nakapipinsala sa ating anak. Sa halip ay  nakagagaling pa ito, lalo na sa mga taong mayroong hyperactivity disorder (ADHD) or depression.
Kung ang mga bata kasi ay nakakaranas na ma-bully sa eskuwelahan ay ito ang paraan para maibuhos nila ang inis at galit na kanilang nararamdaman. Sa pamamagitan ng mga laro na ito ay iisipin nila na ang kanilang mga kalaban ay ang mga umaapi sa kanila. Sa pamamagitan noon ay magagawa na nilang mailabas ang sama nbg loob na kanilang nararamdaman.
Ang mga tao na kinikimkim lang ang sakit na nararamdamanan ay karaniwang nagtatamim ng sama ng loob. Ngunit, kung may pagbubuhusan sila ng galit na kanilang nararamdaman ay unti-unting mawawala ang sakit na kanilang pinagdaraanan.
Kaya, huwag mong isipin na kapag ang anak mo ay naglalaro ng bayolenteng laro sa computer , ay magiging bayolente na sila dahil may mga pag-aaral na isinagawa na nagsasabi na hindi naman makakaapekto ang mga ganitong laro.
Sabi nga nila na ang killer sa Connecticut ay naglalaro ng bayolenteng games sa kanyang kuwarto ng maisip niyang umalis at pagpapatayin ang mga tao sa kanyang paligid, ngunit, tiyak naman na may mas malalim na dahilan kaya niya nagawa iyon at iyon ay dahil sa matinding galit.
Kaya nga, makabubuti kung ang galit na nararamdaman natin ay ating papawiin, at sabio sa pag-aaral, ang paglalaro ng video games ay nakakatulong para mawala ang galit na iyong nararamdaman.
Ah, mas maigi pa rin talaga kung ang mga magulang ay magkakaroon ng oras sa kanilang mga anak. Sila ang maaaring magsabi sa kanilang anak na hindi dapat magtanim ng galit sa kanilang kapwa. 
O, masama ba ang loob ng iyong anak?
Sa tingin mo ba ay mayroon siyang depresyon?
Kung ganoon, bakit hindi mo siya samahan maglaro ng video games?


PAGGAMIT NG DEODORANT, DEADLY!

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


AYAW nating ma-turn-off ang ating mga crush kaya lahat ng paraan ay gagawin natin para always smell good tayo. Iyon nga lang, hindi lang pabango ang solusyon para maging aprub palagi ang amoy. Mababalewala siyempre ang mamahalin nating pabango kung mayroon naman tayong B.O.
Yuck! Ito ang agad nating ibubulalas kapag naamoy natin na mayroong masangsang na amoy ang ating crush. Siyempre, agad tayong mati-turn off sa kanya. O, hindi ba nagkakagusto lang naman tayo sa tao dahil sa mga positibo niyang katangian? Kaya kung makakakita tayo ng negative sa kanya, malaki ang posibilidad na maglaho ang paghanga natin sa ating crush.
O, ibig mo bang ma-turn off sa’yo ang iyong crush?

Kung hindi mo gusto ng malikhaing pa-iisip mo na  ma-turn off sa’yo ang iyong crush, dapat ay magkaroon ka ng proper hygiene. Kailangan ay lagi kang mabango. Maging regular ang iyong paliligo. Kung alam mo na mayroon kang deadly BO. Kailangan  siguro kung gagamit ka ng deodorant. Sa pamamagitan nito ay makokontol ang iyong nakaririmarim na amoy.
Sa panahon ngayon ay karaniwan na sa mga tao ang gumagamit ng deodorant. Mapapropesyunal man o mapa-teenager, pinipiling magpahid o mag-spray ng deodorant. Wala naman siyempreng tao na gustong pandirihan dahil sa kanyang amoy. Ngunit, hindi naman lahat ng deodorant  ay makapagdudulot ng kabutihan sa’yo. Maaari ngang mababawasan nito ang amoy mo ngunit may disadvantage rin ito sa tao partikular na sa mga teenager.
May mga  deodorant kasi na mayroong sobra-sobrang aerosol chemicals  kaya naman kung ipapahid o ii-spray ito sa’yong katawan, tiyak na makasasama ito sa’yong kalusugan. Maaari kang magkaroon ng allergy , asthma at mahihirapan ka ring huminga. Ang tinatarget nga nito ay ang puso.
Sabi nga ni Maureen Jenkins, director of clinical services at Allergy, kaya marami ang mayroong asthma, rhinitis o eczema ay dahil sa matapang na pabango.
Kaya naman kung gagamit ka ng deodorant, huwag masyadong marami at baka hindi pa natatapos ang araw ay isugot ka na sa ospital dahil nagkaroon ka ng allergy o hindi ka makahinga. Ang pananakit din ng ulo matapos mag-spray o magpahid ng deodorant ay isang paraan para malaman mo na may matinding kemikal ang deodorant na iyong ginagamit.
Kaya paalala sa mga teenager, huwag masyadong gagamit ng deodorant.





RED MEAT, SANHI NG ALZHEIMER'S

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 



SARAP naman talaga, hindi natin mapigilang sabihin kapag nakita natin masarap ang ulam na nakahain sa hapag-kainan. O, hindi ba kung porkshop, beef steak o tapa ang ulam ay maganang-magana ang ating kain. Napakalinamnam kasi ng mga pagkain na ito kaya siguradong mapaparami ang kain mo lalo na’t mayroon kang unlimited rice sa kaldero n’yo.

Ngunit, bago ka kumain nang kumain diyan ng karne lalo na iyong tinatawag na red meat, kailangan mo munang basahin ang artikulo na ito. Ibig kasi kitang balaan. Kailangan mo kasing mapagtanto na ang labis na pagkain ng red meat tulad ng baboy, tapa at tupa ay makakasama sa’yong katawan. Hindi ka lang magkakaroon ng colon cancer sa labis na pagkain nito, maaari ka pang magkaroon ng  Alzheimer's.
Oh, hindi ba, sobrang nakakaawa ang mga taong mayroong Alzheimer's. Para kasing paralyzed ang iyong utak. Biro mo, kahit anong isip ang iyong gawin ay hindi mo maaalala pa ang isang bagay. Sa pamamagitan pa nito ay makakalimutan mo ang lahat ng masasayang alalala.
Sabi nga ng mga scientist, kapag daw masyadong maraming iron ang pagkain ng tao, maaaring ma-damage ang iyong utak.


Hindi mo ba napapansin na kapag kumakain ka ng maraming baboy ay nakakaramdam ka ng pananakit ng ulo? Ito an gang senyales na hindi na kaya pang tanggapin ng katawan mo ng labis na pagkain ng red meat.
Sabi nga ni Professor Bartzokis, ang sobrang pagkain ng red meat ay mistulang germs o tartar na sisira sa’yong alaala o utak. Ang amyloid plaques ay sinisira ang myelin, ito ay nasa iyong utak kaya naman kung palagi kang kumakain ng red meat ay makakaramdam ka ng pananakit ng ulo.
Kung minsan ay nagagawa mo pa nga itong balewalain, iniisip mo pa na kaya nananakit ang iyong ulo dahil sa rami ng iyong ginagawa at pakiramdam mo ay hindi ka nawawalan ng problema. Ngunit, kailangan mong tandaan na lahat ng pangyayari ay mayroon dahilan. Kaya kung madalas kang kumain ng red meat at palaging nananakit ang iyong ulo, makabubuti siguro kung magpapa-check up ka na. Kung hindi ka kikilos agad ay baka naman mahuli na ang lahat.
Ipasok mo itong mabuti sa malikhaing pag-iisip mo, lahat ng sobra ay masama.


TAONG MAY MAIKLING ORAS MAGTRABAHO, MAS STRESS

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

SLOWLY but surely, ito ang motto ng ilang kababayan natin. Hindi ko masasabi na ganito ako dahil sanay akong minamadali ang lahat ng bagay. Pakiramdam ko nga ay nagiging mas maayos ang aking ginagawa kapag malapit na ang deadline. Sa palagay ko ay mas nagiging maayos ang aking ginagawa kapag ginagawa ko ito in last minute.

Ngunit, pagkatapos ko naman magawa iyon, parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa maghapon kundi ang magtipa sa aking computer. Kaya naman pagkatapos kong magtrabaho ay gusto ko ng umuwi at matulog. Samantalang ang mga kaopisina ko, kahit maghapon na sila halos nagtatrabaho ay parang may enerhiya pa sila para maka-gimik. Ang iba nga sa kanila ay inaabot pa ng madaling araw sa kalye.
Wala ba silang kapaguran? Ito ang tanong ko sa aking sarili at sure ako na marami rin ang nagtatanong kung bakit may ilang tao na kahit maghapong nagtatrabaho ay parang hindi pa rin napapagod.
Ayon daw kasi sa pag-aaral, kapag maikli lang ang oras mo sa pagtatrabaho ay mas nai-stress ka. Dahil alam mo na mayroon kang deadline na kailangang habulin ay mas nakararamdaman ka ng nerbiyos. At kung maaari nga lamang ay ibig mo ng pigain ang iyong utak para makasiguro ka na magandang-maganda ang iyong trabaho. Siyempre, kung gagawin mo iyon ay talaga ngang makakaramdam ka ng matinding pagod pagkaraan. Ibig sabihin nito, mas okay pa kung ang empleyado ay nag-oovertime kaysa nag-a-undertime.
Kaya, kung ibig mo na magkaroon ng magandang-magandang trabaho, kailangan ay pag-isipan mo itong mabuti. Huwag kang maglaan ng kaunting oras para rito. Ang dapat, pag-isipan ng malikhaing pag-iisip mo ang iyong ginagawa. Kung maaari ay tapusin mo  bago sumapit ang deadline at pagkaraan ay maglaan ka rin ng oras para ito ay mapaganda mo pa.
Ang mga nagtatrabaho ng 8 hours a day o lagpas pa ay siguradong nagkakaroon ng maayos na trabaho dahil nagagawa nila itong balikbalikan kung kinakailangan. Dahil doon ay nagagawa nilang mabago pa ang mga mali. Kaya naman kapag nai-submit nila ito sa kanilang bossing, sure sila na maganda na ang kanilang trabaho.
Kaya kung iisipin mo pa na matagal pa naman ang deadline, may time ka pa para gawin iyon, mag-isip-isip ka na. Kahit kasi sigurado ka na matatapos mo ang trabaho on time, sure ako na pagkaraan ay sobra kang stress. Maaaring isipin mo na para ka ng lantang gulay.
Isipin mo na lang sana na pagkatapos mong gawin ng maayos ang iyong trabaho, mayroon ka pang oras na magsaya.


Kumpara sa mga kababaihan… MGA LALAKI MADALING MATIGOK KAPAG NAGI-EXERCISE

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


KUMPARA sa mga kababaihan, mas  madaling matigok ang mga kalalakihan habang sila ay nag-eehersisyo.

‘Mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga.’  Noong kabataan ko, ang kantang ito ang madalas kong marinig sa program ng mga paslit. Hindi ko na sasabihin kung anong programa iyon dahil sure na mabubuking pa ninyo ang edad ko. He-he-he.  Anyway, ang topic natin for today is about exercise. Hmmm, pero, hindi ko tatalakayin dito kung gaano kahalaga ang exercise. Alam na alam naman natin na ang pag-eehersisyo ay nakakatulong para gumanda ang ating katawan.
Sa artikulo ko lang ngayon, ibig kong magpasintabi sa mga taong tatamaan ng artikulo na ito, partikular na ang mga kalalakihan. Ito naman kasi ay ayon sa masusing pag-aaral. Gayunman, naniniwala ako na sa artikulo na ito ay maaari akong makapagbigay ng babala.
Ayon sa pag-aaral, ang mga kalalakihan ay inaatake sa puso habang sila ay nag-eehersisyo. Kahit nga sila ay atleta ay maaari pa rin silang maatake. Samantalang, kakapiranggot lang ang posibilidad na ang mga kababaihang atleta ay biglang aatakihin sa gitna ng kanilang pag-eehersisyo.
Bakit nga ba ganu’n?  tiyak na itatanong ng ilang.
Oh, huwag kang mainip dahil sa ilang sandali ay malalaman mo ang sagot. Siyempre, sa artikulong ito lamang. Ang aba ninyo kasing lingcod ay naghagilap ng sagot sa tanong na ito. Ako man kasi ay hindi maiwasan ang magtaka.
Ayon sa mga mananaliksik sa Paris Descartes University, ang mga kalalakihang namamatay sanhi ng atake sa puso habang nag-eehersisyo ay dahil masyado silang tutok sa kanilang ginagawa. Kahit nakakaramdam sila ng pagod ay hindi sila humihinto, ang nais kasi nila ay makarating agad sa finish line.
Dahil dito ay inatake sila sa puso. Ngunit, kailangan mong tandaan na hindi heart attack ang kanilang ikinamatay kundi cardiac arrest. Ang heart attack kasi’y bigla na lamang maninikip ang iyong dibdib samantalang ang cardiac arrest ay iyong biglang mawawalan ng hangin ang iyong puso dahil may magbabara sa dugo na dapat ay dumadaloy ng maayos patungo sa puso. Ito ay sanhi ng labis na pagod.
Kaya naman, importante rin ang pagpapahinga kapag nakakaramdam ka na ng pagod. Iyon nga lang, may mga lalaki na ayaw magpahinga lalo na kapag nasa contest sila, ang iniisip kasi nila ay ang trophy o medalya na kanilang makukuha kapag pumasok sila sa top 3 o kaya ay naging champion sila.
Ikaw, ano ba ang mas mahalaga sa’yo, ang karangalan o ang iyong buhay?






MGA LALAKING ‘DI KUMAKAIN NG MASUSUSTANSIYA, MABABAOG!

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

NAKU, sure akong marami na namang dugong mabubuhay sa topic natin for today, lalo na ang  guys. Sila kasi ang bida sa artikulo natin ngayon. Kaya, kung ikaw ay isang lalaki na nangangarap na magka-baby, kailangan mong basahin ang article natin ngayon.

Huwag mong isipin na porke madalas na churvahan ang lalaki ay makabubuntis na siya. Ang dapat na muna kasing itanong,  may kapasidad ba siyang magkaroon ng anak?
Kung minsan, talagang mapagbiro ang tadhana. Birun mo, kahit gustung-gusto ng guy na maging ama, malaki pa rin ang posibilidad na hindi ito mangyari. Ang mga kinakain ng lalaki ay isang paraan upang hindi ka magkaroon ng anak. Ang mga walang sustansiyang pagkain ay hindi makakatulong para matupad ang ambisyon mong magkaanak. Sa halip ay magiging hadlang pa ito pa ikaw ay maging ama.
Ayon sa pag-aaral, kung nais mo talagang maging ama, ang mga pagkaing dapat mong kainin ay prutas, gulay, isda at mani. Ang mga pagkain kasing ito ay makakatulong para maiwasan mong magkaroon ng sperm aging.
Guys, kailangan ninyong ibaon sa malikhaing pag-iisip na hindi lang kayo ang tumatanda, maging ang sperm ninyo ay nagkakaroon din ng problema kapag hindi kayo nakakakain ng masusustansiya.
O, hindi ba, kapag kumain tayo ng mga pagkaing sobrang alat ay nagkakaroon tayo ng sakit sa bato, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng almoranas kung hilig mo talaga ang pagkain ng maaanghang, kung sobra-sobra naman ang matatamis na pumapasok sa’yong katawan ay maaari kang magkaroon ng diabetes at kung mahilig ka sa mamantika, may tendensiya na magkaroon ka ng sakit sa puso. Ngunit, alam mo bang mari ka pang mga sakit na maaaring makuha sa pagkain mo ng mga walang sustansiyang pagkain. Dahil nga makakaramdam ka ng panghihina dahil sa’yong mga kinakain, sure din ako na pati ang sperm mo ay manlalambot.
Kung mangyayari nga iyon, tiyak na hindi ka na magkakaroon pa ng anak. Kaya, kung nais mo talagang magkaroon ng junior, kailangan ay kumain ka ng masusustansiyang pagkain.
Sabi ng mga scientist sa California, kung ibig mong magkaanak, ang dapat mong kainin palagi ay prutas, gulay, isda at mani. Kung magiging matigas ang ulo mo at gugustuhin mo pa ring uminom ng alak, kumain ng sitsirya, matatabang pagkain at kung anu-ano ngang masasarap ngunit wala ka namang makukuhang sustansiya, huwag mo na asahan na magkakaroon ka ng anak.
Sabi nga ni prof. Simon Eishel, managing director of CARE Fertility Group at isang World’s leading specialist, huwag daw i-underestimate ng mga lalaki ang pagdidiyeta. Malaki ang maitutulong nito para ikaw ay magkaanak.
O, feel mo bang magka-baby?
Kung ganu’n ibasura mo na ang mga pagkain na hindi magkakaroon ng kapaki-pakinabang sa’yong katawan. Tandaan mo na lang, masarap magkaanak.






LASER TOYS, NAKABUBULAG!


Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 

IBIG natin na mapasaya ang ating mga anak, kaya naman lahat ng gusto nila ay aking ibinibigay. Kung kaya rin lang natin siyempre. Sabi nga, minsan lang maging bata ang tao kaya naman lahat ng laruan ay gusto nating ibigay sa kanila. Sa pamamagitan kasi noon ay magagawa nilang masiyahan.

Ngunit, hindi dapat lahat laruan ay ipagkaloob natin sa kanila. May mga laruan kasi na makasasama sa kanila. Kaya, kung sobra kang nag-aalala sa’yong anak, kailangan mong alamin kung anong laruan ang hindi dapat na ibigay sa kanila.
Sa pag-aaral kasi ay napag-alaman na ang mga umiilaw na laruan na mayroong laser toys  o umiilaw ay makasasama sa kanila. Maaari raw kasi silang mabulag.
Sabi nga ng US Food and drug Admisnistration (FDA) ang mga laruan na mayroong lightsabers at spinning tops (trumpo) ay  mayroong p[owerful lasers na maaaring makapinsala sa ating mata.
O, hindi ba, kapag tinititigan mo ang espadang umiilaw, baril-barilan na umiilaw at kung anu-ano pang umiilaw na laruan ay nakakaramdam ng kakaibang sakit ang iyong mga mata. Hindi natin iyon gaanong pinapansin subalit maaari iyong makabulag.
Isipin mo na lamang, kung ikaw na sandali lang napatitig sa mga laruang iyon, paano pa ang mga bata na nakatutok ang mata sa umiilaw nilang laruan.
Sabi nga ni Dan Hewett, health promotion officer ng FDA Center for Devices and Radiological Health, hindi dapat tingnan ng tao o  hayop ang umiilaw na laruan ng diretso.

Sana sa pamamagitan ng artikulo na ito ay nagawa kong maipamulat sa ilang magulang na hindi dapat na laging bigyan ng umiilaw na laruan ang anak lalo na’t hindi pa ito marunong sumunod. Okay lang sana kung ang laruan ay may sapat na proteksyon para hindi mapinsala ang kanilang mga mata. Kung may isip na naman ang bata, ipaliwanag mo na lang sa kanya na hindi porke maganda ang ilaw ng kanyang laruan ay dapat niyang laging titigan. Siguro naman ay magagawa rin niyang makaunawa kung sasabihin mo na masama sa mata ang labis na pagtitig sa umiilaw na laruan. 

APPLICATION SA IPHONE, MALALAMAN MO KUNG GAANO KA KAGALING SA KAMA

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.

SA sampung taong kong pagiging manunulat, alam kong ang favorite topic  ng ating mga kababayan ay tungkol sa dyug. Oh, aminin! Bawal ang plastik. He-he-he.  Anyway, ito ang topic natin for today.


Dahil sa in na in  na ngayon ang Iphone kung anu-ano ng application na rin ang naida-download sa Iphone. Hindi lang naman kasi businessperson ang gumagamit nito, maging ang ordinaryong empleyado at mga estudyante. Ooopps, huwag ka ng magtaka kung pati ang mga empleyado na hindi naman kalakihan ang sahod ay nakabibili nito, siyempre, mayroon namang credit cards. Saka, sa panahon ngayon ay hindi na rin kamahalan ang Iphone dahil nga marami ng bagong gadgets ang lumalabas.
Ang gusto kong sabihin, sa rami ng gumagamit ng Iphone, kailangan magkaroon lagi ng bagong software para naman masiyahan ang mga gumagamit ng Iphone. Iyon nga lang, may mga software sa Iphone na kailangang bayaran. Sabi nga, sa panahon ngayon, bihira na ang libre.
Kung ikaw ay isang Iphone User, mag-iisip ka muna ng maraming beses kung karapat-dapat bang i-download sa phone mo ang software na iyon. Sa hirap naman kasi ng buhay ngayon, siguradong kailangan mo munang pag-isipan ang lahat, bago ka mag-purchase. Ngunit, kung ikaw ay may asawa, mahilig sa sex at gustung-gusto mong mapasaya ang iyong partner o kaya naman ay ibig mong marinig ang iyong halinghing. Opps, excuse me for the word pero iyon ang bagong application ngayon sa Iphone ay malalaman mo kung gaano ka kagaling sa kamay. Ang Iphone application na ito ay tinatawag na Spreadsheet.
‘Oh’, ‘ah’ ang madalas na winiwika kapag nakikipagtalik. Ngunit, para sa iyong partner, mas malakas na halinghing ay mas okay. Sa pamamagitan kasi nito ay mas gaganahan ka sa pakikipag-dyug. Kaya naman kung ikaw ay misis na nais mong mapaligaya ang iyong mister, kailangan mong siguraduhin na malakas ang iyong halinghing. Siyempre, nais mo ngang mapaligaya ng sobra-sobra si mister, di ba?
Sa application na ito ay malalaman mo kung gaano katagal ang inyong pagniniig, kung gaano ka napapahiyaw sa bawat galaw ng iyong partner. Sa pamamagitan nito ay magagawa mong malaman kung gaano mo siya napapasaya. Kung hindi ka naman satisfied sa performance mo sa kama ay magagawa mo itong pagbutihin sa susunod. Iyan, ay kung talagang gusto mong mag-imporove ha.
O, nais mo bang mapaligaya ang iyong partner?
Kung nais mo, grad mo na ang opportunity na ito. Kung nais mo nga lang maaman kung paano mo mapapaligaya ang iyong partner, try mo na ang Spreadsheet. Mas okay ito kaysa naman i-record pa ninyo ang pakikipagtalik mo sa’yong partner. Sige ka, may tendensiya pa na kumalat ang iyong sex video.



My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...