Nakakabobo raw ang
singaw, kaya huwag na natin naising magkaroon nito? Kaya sa artikulo na ito
malalaman mo kung paano iwasan ang singaw.
Augh, ang sakit!!
Hindi natin mapigilang isigaw kapag mayroon tayong singaw. Maliliit na butlig-butlig
lamang siya na matatagpuan sa gilid ng ating labi at sa paligid ng ating dila
ngunit dahilan na ito para mahirapan tayong makakain at makainom man lamang.
Isa kasi itong virus na naglalayon na igupo ka sa karamdaman. Sa sakit na ito
kasi ay maaari kang magkaroon ng matinding lagnat.
Alam natin na kapag nilalagnat
tayo ay lumalabas ang lahat ng init sa ating katawan. At ang dugo na
nananalaytay sa bawat himaymay ng ating katawan na nagmimistulang ahas na
gumagapang patungo sa ating utak, Kaya kung hindi natin iyon magagamot agad ay
maaaring maapektuhan ang ating kaisipan kapag nadale ka ng singaw.
Ang dahilan kasi kaya ka
nagkakasingaw ay impeksyon na makukuha mo sa maruruming bagay. Kung nagkamali
ka na isubo mo ang maruming bagay na iyon ay maaaring maging dahilan ito para
ikaw ay magkasingaw. Kung minsan din, ang singaw ay nakukuha kapag nakakain ka
ng pagkain na hindi maganda ang pagkakaluto. Ang mga pagkain na ito ay
nagmumula sa karne. Maaari rin sa prutas at gulay na na-spray-an ng gamot.
Kaya kung ayaw mo magkaroon ng
singaw ay kailangang doblehin mo ang pag-iingat. Siguraduhin mong magiging
maingat ka sa’yong mga kinakain. Kung hindi mo gagawin ito ay baka magkaroon ka
ng singaw.
Maaaring sa tingin ng iba ay isa
lamang itong ordinaryong sakit Ngunit, hindi. Sa sakit na ito ay maaaring
maapektuhan ang utak mo. Sabihin mo man na matalino ka at laging nasa honor,
maaaring bumaba ang kakayahan ng iyong isipan kapag nagkaroon ka ng singaw.
Ang ilan ngang scientist ay
sumailalim sa pagsusuri. Karamihan sa mga ito ay nasa edad 69 at lahat sila ay
mayroong blood infection kabilang na nga rito ang oral and genital herpes,
cytomegalovirus, the respiratory form of Chlamydia at ang stomach bug
Helicobacter pylon.
Sa pagsasaliksik na iyon ay
napagtanto na ang 25 percent na nag-take ng mental exam ay nagpababa ng husto
sa grado ng kumuha ng exam na iyon kahit pa sabihin na napakadali lang ng
tanong. Lahat sila ay mayroong singaw.
Sa pag-aaral ni Dr. Mira Katan,
mula sa Columbia University Medical Centre, na matatagpuan sa New York , ang dahilan ay dahil sa impeksyon
na makukuha sa kanilang sakit. Ang kalimitang tinatamaan ng impeksyon na ito ay
ang mga babae. Sila ay iyong wala halos ehersisyo.
Alam naman natin na kapag ang
katawan ng tao ay hindi pinagpapawisan ay madaling tablan ng kung anu-anong
karamdaman. Kaya naman hindi talaga imposibleng maapektuhan ang kanyang isipan.
O, nanaisin mo pa bang
magkasingaw?
Kung hindi, kailangan doblehin mo
ang pag-iingat. Aba ,
hindi naman masama kung magiging malinis ka sa iyong katawan at sa’yong mga
kinakain.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento