KAPAG mababa lang ang dosage ng gamot na iyong iniinom,
hindi ka na magkakaroon ng sakit sa puso, hindi ka pa magiging makakalimutin.
Ito ang sinasabi ng mga mananaliksik.
Kapag tayo ay mayroong sakit, ang agad nating hinahagilap ay
ang gamot. Naniniwala kasi tayo na agad malulunasan ang anumang karamdaman
kapag uminom tayo ng gamot para rito. Kung minsan nga, sa kagustuhan nating
mawala agad ang ating karamdaman ay magdedesisyon tayong taasan ang dosage ng
iniinom nating gamot.
Ganito ka ba?
Hay naku, kung ikaw ay pasaway talaga ngang dodoblehin mo pa
ang dosage ng iyong gamot sa paniniwalang gagaling ka agad kapag ganito ang
iyong ginawa. Ngunit, kailangan mong maintindihan na ang ginagawa mong ito ay
hindi makabubuti sa’yo. Hindi porke agad kang gagaling ay matutuwa ka na. Dapat
mong alalahanin ang magiging epekto nito sa’yo?
Ayon nga sa pagsasaliksik, kung mababa lang ang dosage ng gamot na iyong
iniinom, hindi ka magkakasakit sa puso at magiging matalas ang iyong memorya.
Hindi tulad ng mga taong umiinom ng gamot na matataas ang dosage, maaari na
silang atakihin sa puso, tiyak pang magiging malilimutin sila.
O, gusto mo bang mangyari ito sa’yo?
Nakasisiguro ako na ‘hindi’ ang iyong isasagot kaya huwag
kang iinom ng sobra-sobrang gamot dahil hindi ito makatutulong upang mapabuti
ang iyong kalagayan. Sa halip, magiging daan pa ito para lumala ang iyong
karamdaman. Sabi pa nga, kapag panay ang inom mo ng gamot ay labis itong
makakaapekto sa’yong utak. Magiging makakalimutin ka na, maaari ka pang
magkaroon ng dementia.
Sa limang taon ngang pag-aaral sa University of Gothenburg,
Sweden ay napagtantong ang matatandang babae na nasa edad 70 to 92 ay
kalimitang nagkakaroon ng sakit sa puso at nai-stroke. Ito ay sanhi ng madalas
na pag-inom ng gamot. Base sa pag-aaral ay mas maraming babae ang inaatake sa
puso at nagiging malilimutin kaysa sa mga lalaki. Maaaring mas desidido silang
gumaling agad para makapagtrabaho at makapag-alaga ng kanilang anak.
O, ikaw, ibig mo bang gumaling agad?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento