Sabado, Oktubre 19, 2013

Para sa mga nagdi-diet…. MAS EPEKTIBO NA KUMAIN NG MADALAS PERO KAUNTI LANG

TATLONG beses sa isang araw dapat kumain ang isang tao, ito ang madalas nating sabihin. Sa pamamagitan kasi noon ay hindi ka na makakaranas ng pagkagutom. Kaya kung minsan ay dinadamihan mo na ang pagkain para hindi ka na magmiryenda pa.
Subalit, tama nga ba ang iyong ginagawa?
Kung ikaw ay nagdidiyeta, huwag mong isipin na maganda nga ang epekto sa ating katawan ang pagkain ng marami ng tatlong beses sa isang araw. Sa pagsasaliksik kasi ay napagtanto na mas epektibong makapagpapayat kapag ang isang tao ay kumain ng siyam na beses sa isang araw.
Kalokohan! Tiyak kong ito ang una mong maiisip ngunit ito ang totoo. Sabi nga sa pagsasaliksik, para mas epektibo ang diet, kaunti lang ang kainin mo pero kailangan ay madalas. Sa pamamagitan nito ay mapapanatili mo ang steady ang iyong blood sugar at energy level. Kung isa kasi roon ang bumagsak o tumaas, siguradong makakaramdam ka ng panghihina at maaari ka pang magkasakit.
Ibig mo bang mangyari ito sa’yo?
Nakatitiyak akong hindi ang isasagot mo kaya mas maiging sundin mo na lamang ang makabagong paraan ng pagpapapayat.
Hmmm, sa palagay ko naman ay walang mawawala kung susubukan mong kumain ng kaunti ngunit madalas at pakiramdaman mo ang iyong sarili kung pumapayat ka nga ba. Subalit, hindi ba? Kung madalas ang iyong pagkain ay hindi ka agad makakaramdam ng gutom at pakonti-konti rin ang iyong pagkain dahil nangangamba ka rin na kapag dinamihan mo ang pagkain ay bigla ka na lang lumobo. Isa pa, kung ikaw ay abala sa trabaho at lagi lang naming nakaupo, siguradong hindi ka agad makakaramdam ng gutom lalo na’t mabagal naman ang iyong metabolism.
So, ano pang hihintayin mo?
Try mo na ito!






 ‘

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...