Sabado, Oktubre 19, 2013

Hindi lahat tinatablan ng hipnotismo… TAONG MAPAGDUDA, HINDI MABIBIKTIMA NG BUDUL-BUDOL

HINDI lahat ng tao ay tinatablan ng hypnoticism, ito ang napag-alaman ng mga scientist.
Mag-ingat sa budul-budol! Ito ang lagi mong tatandaan lalo na’t mayroon kang dalang malaking pera. At kapag may estranghero na lumapit sa’yo ay huwag kang basta titingin sa kanyang mga mata dahil maaari ka niyang ma-hipnotismo. Kapag nagawa niya iyon ay magiging sunud-sunuran ka sa bawat sabihin at ipag-uutos niya.
Nais mo bang mangyari sa’yo iyon?
Kung ayaw mong mawalan ng pera o alahas, hindi mo gugustuhing mahipnotismo lang ng kung sino. Kaya, kinakailangan mo ring maging matalino sa kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Okay lang sana kung ang  isang espesyalista ang maghihipnotismo sa’yo. Siguradong  matutulungan kang malabanan ang anumang sakit na iyong nararamdaman. Ngunit, alam mo bang hindi naman pala lahat ng tao ay tinatablan ng hipnotismo.
Ayon nga sa mga scientist sa Stanford University , U.S.A., ang mga taong mabilis gumawa ng desisyon ay ang madaling tablan ng hipnotismo samantalang ang mga taong mapanghusga naman ay hindi tinatablan ng hipnotismo. Hmmmm, bakit nga ba? Ang sagot ay mababasa sa artikulo na ito.
Sabi nga ni Dr. Spiegel at ang mga kasamahan niyang namamaliksik, wala naming pagkakaiba ang structure ng brain ng mga tao. Nagkakaroon lang sila ng pagkakaiba sa uri ng kanilang pagdedesisyon at napagtanto nga nila na ang madaling mahipnotismo ay iyong mga tao na nagku-concentrate sa kanilang mga ginagawa. Samantang ang taong mapanghusga ay hindi tinatablan ng hipnotismo dahil ang utak nila ay hindi nakatuon lang sa isang bagay.
Ikaw, madali ka bang ma-hipnotismo?
Bagamat nakakairita nga sa isang tao iyong masyadong mapanghusga, maaari naman itong makatulong upang hindi sila maloko ng ibang tao. Kung minsan kasi ang mga taong nakatuon lang sa isang bagay tulad ng pag-unlad ay maaaring ma-hipnotismo ng kung sino lang.
Kung ikaw ang aking tatanungin, mas gusto mo bang mahipnotismo o kikilalanin mo muna ang ng husto ng isang tao bago ka magtiwala? Alalahanin mo, may mga taong kahit kakilala mo na at pinagkakatiwalaan, nagagawa pa rin niyang mang-hipnotismo upang makuha ang kanyang gusto.









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...