Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
OH my Gulay, hindi ko talaga napigilan ang labis na mamangha ng mabasa ko ang artikulo na ito kaya naisipan kong ibahagi sa inyo. Isang British woman ang dumayo sa Europe para sa IVF. Nais kasi niyang mabuntis muli kaya kailangan niyang ilagay sa kanyang katawan ang sperm ng yumao niyang mister.
Kung mayroon kang minamahal, hindi ba siya lang ang naiisip
mong makasama sa habambuhay. Siya lang din ang tanging tao na gugustuhin mo na
maging ama o ina ng iyong magiging anak. Iyon nga lang kung minsan mapaglaro ang
kapalaran. Tulad ng businessman na si
Diane Blood, na-coma ang kanyang
mister na si Stephen at hindi niya iyon matanggap. Ngunit, kahit naman ano ang
pagngawa ang gawin niya ay hindi na muli
pang magigising ang kanyang asawa.
Bigla tuloy naisip
niya n asana ay magkaroon pa sila ng isa pang anak. At alam niyang magagawa
niya iyong matupad dahil sa tulong ng IVF. Kaya naman habang hindi pa humihinto
ang tibok ng puso ng kanyang mister ay naisipan niyang kumuha ng sperm sa
katawan nito.
Against man sa UK law ang kumuha ng sperm cell sa katawan ng lalaki
na wala itong written consent para gamitin sa IVF, nagawa rin makakuha ng consent
si Diane at naaprubahan iyon sa kanilang bansa. Bukod kasi sa asawa naman niya
ang lalaking kukuhanan niya ng sperm cell ay makikita ang determinasyon niya na
magkaroon pa sila ng isa pang anak.
Ang Human Fertilization and Embryology (HFEA) ay hindi na nagawang kontrahin ang
gusto ni Diane. Marahil ay nakikita rin nila sa mata ng babae ang labis na
pagmamahal sa kanyang asawa.
Iyon nga lang,
hindi naipangako ng doctor na mabubuntis siya ng ng hundred percent dahil nang kuhanin sa katawan ng mister niya ang
sperm na iyon ay nasa coma na ito. Gayunman, nanalig pa rin siya na masusundan
pa ang kanilang panganay. At himala ngang nagawa pa niyang mabuntis matapos
siyang IVF.
Ah, talaga ngang
maraming kakaibang nangyayari sa mundo na ito talagang kamangha-mangha ngunit
dahil sa tulong ng siyensiya ay nagkakaroon ito ng katuparan. Marahil nga ay
ipinagkaloob na rin ni God na mabigyan pa siya ng ikalawang anak gamit ang
sperm cell ng ng kanyang yumaong asawa. Nabuntis kasi siya matapos
mawala ng tuluyan si Stephen sa mundong ito.
.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento