Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
HEY, alam mo bang ang taong may insomia ay tumataba?
Haha. Alam kong kung
mayroon kang insomia ay matigas na pag-iling ang gagawin mo. Sigurado kasi ako
na ang katagang ‘pagtaba’ ay hate na hate ng mga dalaga at mga binata. Kung
tataba nga naman sila ay siguradong hindi na sila mapapansin ni crush dahil nakaka-turn
off ang pagiging mataba.
O, ayaw mo bang maging mataba?
Kung ayaw maging mataba na parang balyena, huwag kang
magpupuyat. Sa akin ngang pagsasaliksik ay napag-alaman ko na ang pagpupuyat ay
nakakataba. Tsk, malas na lang ng mga taong mayroong insomia dahil sila ang
higit na maaapektuhan.
Sa pag-aaral kasi ay isinaad na kapag hindi ka dinadalaw ng
antok ay may tendensiya na maghanap ka ng pagkain. Aminin mo, hindi ba kapag
hindi ka makapagtulog sa gabi ay babangon ka at dideretso sa harap ng inyong
ref. Pagkaraan ay bubuksan mo iyon at maghahagilap ka ng pagkain. Kung sakaling
walang laman ang inyong ref ay pupunta ka sa telepono at magpapa-deliver ng
pizza o hamburger.
Susme, kung ang isang box na pizza ay buy one take one pa at
ikaw lang mag-isa ang kakain, siguradong
mapaparami ka pa ng kain. Ang ending ay mararamdaman mo na lang na sumisikip
ang iyong pantalon.
Sa pag-aaral ng University
of California , Berkeley ay napag-alaman kapag may gusto kang kainin ay hindi mo iyon
mababali dahil nanatili iyong nakatatak sa’yong isipan.
O, hindi ba kalimitan ay nakakaramdam tayo ng pangangasim at
hindi natin magawang tumigil hanggang hindi natin iyon nakakain. Iyon ay dahil
sa sinasabi ng utak natin na kailangan natin iyong kainin.
Ngunit, ang kalimitan naman nating gustong kainin sa madaling araw ay iyong mga nakapagpapataba
sa atin tulad nga ng doughnut, pizza at mga sitsirya. Kung minsan ay hindi pa
tayo nakukontento sa tubig, ibig pa nating uminom ng juice o softdrinks. At
dahil nga santambak ang sugar nu’n sure na lalaki tayo nang lalaki.
O, may insomia ka ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento