Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
ANG taong mayroong good manner and right conduct ay talagang kahanga-hanga. Dahil sa ganda ng ugali na kanyang ipinapakita, marami ang rumerespeto sa kanya. Sigurado pang siya ay kagigiliwan.
Ikaw, alam mo ba ang tama at mali ? Ina-apply mo ba ang good
maners and right conduct na natutunan mo sa eskuwelahan? Ang kabutihan din ng
ugali ay nagsisimula sa inyong tahanan kaya sure ako na kung mula ka sa mahusay
na pamilya, hindi mo makalilimutang gawin ang kagandahang asal.
Ginagawa mo ba ang mga kabutihan na iyong natutunan? Sana naman ay ‘oo’. Siguro
naman ay gusto mo rin naman na katuwaan ka ng mga tao, hindi ba? Bukod pa rito ay nais kong sabihin na ang pagpapakita
ng kabutihang asal ay may kagandahan ding idudulot sa’yong kalusugan.
Sa akin kasing pagsasaliksik ay nagawa kong mapatunayan na
kapag gumagawa ka ng kabutihan o ini-a-apply mo ang good manners and right conduct,
hindi ka magkakaroon ng kung anu-anong karamdaman.
Ang karamdaman ay kalimitan na naisasalin sa atin dahil
masyado tayong dumidikit sa isang tao. O, hindi ba kapag ikaw ay malapit na
malapit sa isang tao, mapababae man o mapalalaki ay parang hindi mo ginagamit
ang kabutuhan na itinuro sa’yo?
Kung ikaw ay lalaki at type mo ang babaeng iyong kausap,
siguradong gugustuhin mo na mapalapitr ng husto sa kanya. Masama mang pakinggan
pero magti-take advantage ka sa sitwasyon para sa kanya ay maka-tsansing. Kung
ikaw ay may mabuting ugali, sure ako na kahit na gusto mo ang babae ay magiging
gentleman ka sa kanya. Magagawa mo ito kung bahagya kang lalayo sa kanya.
Sabi nga ni Dr.
Val Curtis, mula sa London
School of Hygiene and Tropical Medicine. “Kung gagamitin lang natin ang mga
kabutihan na ating natutunan ay malalayo tayo sa karamdaman.”
Bagamat maganda o pogi ang isang tao ay hindi natin alam
kung anong klaseng sakit ang nasa kanyang katawan. Maaaring may sakit siyang
nakuha mula sa kanyang paglalakbay at kung lalapit ka sa kanya ng todo ay
maaari kang mahawa.
Kung makikipag-shakehands ka sa isang tao, maaaring
magkaroon ka ng salmonella bacteria. Kung ikaw naman ay aakbay o yayakap ay
maaari kang magkaroon ng hepatitis o syphilis. Huwag ka na makibahagi pa sa
mikrobiyo na kanyang dala. Sabi nga, ang tao ay maikukumpara sa isang bag na
microbes. Ito ay iyong mga mikrobiyo na maaaring dumapo sa’yong katawan.
Kaya, tuwina, lagi mong tatandaan ang kabutihang idudulot ng
tao na pinapairal ang kanyang good manners at right conduct.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento