Huwebes, Agosto 7, 2014

PAGLALARO NG ACTION GAMES, NAKAKATULONG PARA MABAWASAN ANG GALIT NA NARARAMDAMAN

Narito po ang mga kakaibang artikulo na aking nakalap. Sana po ay ma-enjoy ninyo silang basahin. 


HINDI naman pala lahat ng action games ay makasasama sa ating anak. Basta ang kailangan lamang ay piliing mabuti kung ano ang laro ang makabubuti para sa ating mga anak. Kung mayroong PSP, Xbox o kung anumang game console an gating anak, tiyakin mo lang na ang lalaruin niya ay makabubuti rin sa kanya.

Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko na ang larong Grand Theft Auto at Mortal Kombat ay hindi nakapipinsala sa ating anak. Sa halip ay  nakagagaling pa ito, lalo na sa mga taong mayroong hyperactivity disorder (ADHD) or depression.
Kung ang mga bata kasi ay nakakaranas na ma-bully sa eskuwelahan ay ito ang paraan para maibuhos nila ang inis at galit na kanilang nararamdaman. Sa pamamagitan ng mga laro na ito ay iisipin nila na ang kanilang mga kalaban ay ang mga umaapi sa kanila. Sa pamamagitan noon ay magagawa na nilang mailabas ang sama nbg loob na kanilang nararamdaman.
Ang mga tao na kinikimkim lang ang sakit na nararamdamanan ay karaniwang nagtatamim ng sama ng loob. Ngunit, kung may pagbubuhusan sila ng galit na kanilang nararamdaman ay unti-unting mawawala ang sakit na kanilang pinagdaraanan.
Kaya, huwag mong isipin na kapag ang anak mo ay naglalaro ng bayolenteng laro sa computer , ay magiging bayolente na sila dahil may mga pag-aaral na isinagawa na nagsasabi na hindi naman makakaapekto ang mga ganitong laro.
Sabi nga nila na ang killer sa Connecticut ay naglalaro ng bayolenteng games sa kanyang kuwarto ng maisip niyang umalis at pagpapatayin ang mga tao sa kanyang paligid, ngunit, tiyak naman na may mas malalim na dahilan kaya niya nagawa iyon at iyon ay dahil sa matinding galit.
Kaya nga, makabubuti kung ang galit na nararamdaman natin ay ating papawiin, at sabio sa pag-aaral, ang paglalaro ng video games ay nakakatulong para mawala ang galit na iyong nararamdaman.
Ah, mas maigi pa rin talaga kung ang mga magulang ay magkakaroon ng oras sa kanilang mga anak. Sila ang maaaring magsabi sa kanilang anak na hindi dapat magtanim ng galit sa kanilang kapwa. 
O, masama ba ang loob ng iyong anak?
Sa tingin mo ba ay mayroon siyang depresyon?
Kung ganoon, bakit hindi mo siya samahan maglaro ng video games?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...