Lunes, Pebrero 15, 2016

KAPAG MABABA SA P23,000 ANG SAHOD NG MAGULANG, MAGKAKAROON NG ADHD



ALAM mo bang kapag ang income na pumapasok sa isang pamilya ay isang pamilya ay bumabababa sa P23,000 ay maaaring magkaroon ng Attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) ang isang bata?
 
Ang ibig sabihin ng ADHD ay palaging maghanap ng attensyon o papansin ang isang bata. Karaniwan ay nagiging galawgaw siya o hindi mapakali. Dahil din doon ay hindi niya magawang ituon ng maigi ang atensyon niya sa kanyang pag-aaral. Lumalabas ang sakit na ito kapag ang bata ay tumuntong na sa 6 hanggang 12 na taon.
Kahit naman hindi gaanong kalakihan ang sahod sa ating bansa, kung ang mga magulang ay parehong mayroong trabaho ay siguradong makukuha nila ang target income na ito. Ngunit, kung iisang magulang lang ang kumakayod, tiyak na hindi niya makukuha ang income na ito.
Nakalulungkot isipin pero may bata o mga batang, iisang magulang lang nila ang kumakayod.  Kung isa kang single parent, sigurado ngang mahihirapan kang makuha ang sahod na ito. Baka nga kalahati lang ng target income na ito ang iyong makuha. Kung ganoon, paano mo mapagkakasya ang mga bayarin sa kuryente, tubig, pagkain at kung anu-ano pang bayarin.
Nakasasakit ng ulo para sa isang magulang na hindi mo malaman kung saan ka kukuha ng panggastos. Kaya ang gagawin mo na lamang ay maghahanap ka ng iba pang trabaho para mapagkasya mo ang iyong mga bayarin. Kung wala kang  ibang trabahong makuha, siguradong palagi na lamang mainit ang iyong ulo.
Kaya kung lalapit ang iyong anak para maglambing sa’yo, tiyak na hindi mo maiiwasan ang ma-highblood lalo na kung marami kang problemang iniisip.
Naku po, kung laging mainitin ang ulo ng magulang sa kanyang anak. Siguradong magkakaroon ng ADHD ang iyong anak.
Sabi nga sa malikhaing pag-iisip ng mga mananaliksik sa Britain, ang mga batang hindi kinakalinga ng mga magulang at purdoy ay maaaring magkaroon ng ADHD. Ito ay ayon na rin sa pag-aaral na isinagawa sa University of Exeter Medical School.
Kung ang mga magulang ng isang bata ay kumikita ng lagpas sa target income na P23,000 ay siguradong hindi siya mamumublema sa mga gastusin. Kungganoon ay magagawa pa nilang mabigyan ng atensyon ang kanilang anak.  Siyempre, hindi sila namumublema sa kanilang mga bayarin.

1 komento:

  1. Buti na lang nag-resign na ako sa dati kong trabaho. KUng nagkataon...tsk talaga!

    TumugonBurahin

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...