Lunes, Pebrero 15, 2016

PAGTABI KAY BABY SA PAGTULOG, DEADLY!


HUWAG na huwag mong itatabi sa pagtulog ang iyong anak kung siya ay 0 hanggang 3 buwan pa lamang. Ayon sa pagsasaliksik, kapag itinatabi ng mga magulang ang kanilang anak na nasa ganitong edad ay malaki ang posibilidad na sila ay mamatay sanhi ng Sudden Infant Death Syndrome (SIDS) o Cot death.
Mahal na mahal natin ang ating anak o mga anak, kaya lahat ng pag-aalaga ay gagawin natin para masiguro natin na sila ay laging ligtas. Sabi nga, kapag mayroon tayong anak ay hindi natin sila hahayaan na mawala sa ating paningin o madapuan  man lang ng lamok kaya naman gusto natin na lagi silang nakikita at nababantayan.
May mga mommy pa nga na mas nakakampante kung katabi niya ito sa pagtulog. Siyempre, hindi naman papayag si Daddy na hindi niya makakatabi si Mommy at si baby sa kanyang pagtulog, kaya naman, ilalagay nila sa kanilang pagitan si baby upang mabantayan nila ito. Sure din na agad silang magigising kung iingit ang kanilang anak.
Itinatabi mo ba sa’yong pagtulog si baby?
Naku, kung itinatabi mo siya sa’yong pagtulog, kailangan mong basahin ang artikulo na ito. Sa pamamagitan ng pagbasa mo rito ay mapag-aalaman ng malikhaing pag-iisip  mo na mali ang iyong ginagawa dahil inilalagay mo lang sa kapahamakan ang buhay ng iyong anak.
Sabi nga ni Professor Goeran Wennergren, professor sa Gothenburg University na matatagpuan sa Sweden, ang mga magulang na nagtatabi ng anak sa kanilang anak sa pagtulog ay namamatayan ng anak sanhi ng  Sudden Infant Death Syndrome.
Kahit na mahal na mahal mo ang iyong anak, kailangan mo siyang bigyan ng bukod na higaan. Ang kuna ang pinakamagandang higaan ni baby. Sa pagsasaliksik nga limang beses ang taas ng posibilidad na mamatay ang iyong anak sanhi ng SIDS, kung hindi mo siya ilalagay sa kuna.
Kung pipiliin mo siyang itabi sa’yong pagtulog, ang mga germs na nakakapit sa’yong katawan ay siguradong mapapasa mo sa’yong anak. Tandaan mo, ang mga sanggol na nasa 0 hanggang 3 buwan pa lamang ay napaka-sensitive niyan sa kung anu-anong germs. Kung ang kanyang mga magulang nga ay naninigarilyo at umiinom ay malaking banta rin sa kanyang buhay. Kung maaamoy kasi niya ang usok sanhi ng iyong paninigarilyo, maaaring siya ay hikain. Hindi rin makabubuti sa kanyang kalusugan kung maaamoy niyang amoy alak ka.
O, gaano mo kamahal ang iyong anak?
Kung talagang love mo siya, huwag mong hahayaan na manganib siya dahil lang nais mo siyang makatabi sa pagtulog. Aba, kung malikot ka pang matulog ay baka madaganan mo siya. Kaya, talagang makabubuti kung ilalagay mo na lang siya sa kuna.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...