Ang
pagkain nga ba ng fish o isda ay makakatulong
para hindi ka magkaroon ng depresyon? Ito ang tanong ng aking malikhaing pag-iisip.
Hay,
wala pang malinaw na kasagutan dito pero maaari raw talagang magagang kontrahin
ang depression kapag kumain ka ng isda. Narito ang paliwanag.
Karaniwan
sa tao na nagkakaroon ng problema pero
hindi lahat tayo ay naiisip ang katotohanang ito. May mga taong kapag dumating
ang mabigat na problema na susubok sa kanilang katatagan ay pinipiling magpakamatay.
Aray
ko!
Sure
ako na ito ang nararamdaman ng mga taong may taning na ang buhay pero pinili pa
ring lumaban. Kaya, napakasakit sa kanila iyon. Nakakahinayang naman kasing
binabalewala mo lang ang buhay dahil sa problemang dumarating sa ‘yo. May mga
tao kasing sadyang mahihina kaya hindi nila nagagawang paglabanan ang paghihirap na kanilang nararamdaman.
Ikaw,
ano ba ang mararamdaman mo kapag iniwan ka ng ‘yong maha? Kapag nawalan ka ng
trabaho? Kung namatay ang mga magulang mo? Kung biglang naglaho ang mga bagay
na nakasayanan mo na. Halimbawa na lang ikaw ay mayamang bigla na lamang
naghirap. Siyempre dahil sa kahihiyan, hindi mo matatanggap ‘yon kaya papasok
ang katagang depresyon.
Kung
ang salitang 'depresyon’ ay tuluyan mong ipapasok sa’yong sistema, marami kang
bagay na hindi agad makakaya. Kabilang na siyempre rito ‘yung mawawalan ka na
ng ganang mabuhay.
O,
ikaw, gaano mo kinakaya ang ‘yong problema?
Kailangan
mo munang malaman na ang utak natin ay sinusuportahan ng ating brain membrane.
Ang brain membrane natin ay may 3 layers na nakapaligid sa ating utak. Ang dura
meter, arachnid at pia mater.
Nagkakaroon
ng depresyon ang tao kapag sa tingin niya ay wala ng solusyon sa kanyang
problema. Ano ang dahilan at hindi siya makapag-isip? Marahil dahil sa wala na
siyang maisip na solusyon sa kanyang problema.
Imposible!
Hindi
naman kasi maaaring mawala basta-basta ang ating talino. ‘Yun nga lang maaari
itong sumablay kapag walang sustansiya na pumapasok dito. Para sa’yong
kaalaman, ang pagkain ng isda ay nagbibigay ng sobrang protein, vitamins at
minerals kaya sa pamamagitan nito ay magiging maayos ang takbo ng iyong utak.
Maiisip
mo na hindi ka dapat magpaalipin na lamang sa problema. Kapag nagawa mo iyon,
lahat ng negatibong emosyon ay magagawa mo ring paglabanan.
Sabi
nga ni Prof. Zhang, ang pagkain ng isda ay makakatulong para maiwasan ang
depresyon pero kailangan pang masuri kung
anu-ano pang klaseng isda ang dapat na kainin.
O, ayaw mo bang magkaroon ng depresyon?
Try
mong kumain lagi ng isda, malay mo
effective talaga, hindi ba?
Hindi ako mahilig sa fish pero pramis, kakain na ako nito.
TumugonBurahinPara ngang gumagaan ang pakiramdam ko kapag kumakain ako ng isda.
TumugonBurahin