Narito po ang mga kakaibang artikulo na
aking nakalap. Sana
po ay ma-enjoy ninyo silang basahin.
PAG-INOM ng anti-depressant pills ay nakatataba, ayon sa mga mananaliksik. Dahil sa pag-inom nito, malaki ang tsansa na magkakaroon ka ng Type 2 Diabetes.
Hindi natin
maiwasan ang makaramdam ng sobr a-sobrang kalungkutan kapag tayo ay nabibigo.
Pakiramdam nga natin ay pinagsasakluban tayo ng langit at lupa kapag
nagkakadiprensiya ang ating pamilya, lovelife at career.
Napakasakit sa isang anak kapag nalaman niyang maghihiwalay
na ang kanyang parents. Kung ang taong minahal mo ng sobra ay magsasabing
tapusin na natin ang ating relasyon. O, kaya naman kapag nawalan ka ng trabaho.
Augh, hindi natin
talaga maiwasan ang makaramdam ng sakit kapag isa sa mga ito ang nangyari sa
atin. Kaya naman kung lahat ng ito ay mangyayari sa atin parang hindi natin
makakayang lagpasan ang ating problema. Kung minsan nga ay parang gusto na natin magpakamatay. Sabi nga, ang
labis na kalungkutan daw ay nakamamatay. Kaya naman para matulungan ang mga
taong nadi-depress ay ipinanganak ang tinatawag na happy pills o
anti-depressant.
Umiinom ka ba nito?
Kung sobra-sobra ang kalungkutan na iyong nadarama,
siguradong ang mga nagmamahal sa’yo ay labis na mag-aalala, kaya papayuhan ka
nilang uminom ng anti-depressant. Ngunit, mas makabubuti kung ito ay
irerekomenda ng espesyalista. Gayunman, kailangan mong malaman na ang pag-inom
ng anti-depressant pills ay maaaring makapagbigay sa’yo ng diabetes.
Sa malikhaing pag-iisip na isinagawa ng mga mananaliksik sa Southampton University ,
napag-alaman na sa pag-inom ng
anti-depressant pill, ay maaari kang maging lumba-lumba. Mayroon kasi
itong sangkap na nakatataba kaya naman
siguradong tatas ang iyong blood sugar kung panay ang inom mo ng
anti-depressant. Kung lagi kang nadi-depress at naka-depende ka na sa
anti-depressant pills asahan mo na maaaring magkaroon ka ng diabetes.
Kaya kung ayaw mong magkaroon ng ganitong karamdaman, huwag
kang uminom ng anti-depressant pills. Magagawa mo naman iyon kung hindi ka
susuko sa problema. Kung sakaling nabigo ka, makabubuting tanggapin mo ang kabiguan na iyong natamo at gumawa ka ng para
mawala ang iyong depresyon.
Kaya sa akin palagay, mamimili ka na lang kung lalabanan mo
ang iyong depresyon o magkaka-diabetes ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento