Miyerkules, Marso 9, 2016

BOYS NA MAHILIG SA BAWANG MALAKAS ANG APPEAL




AYON sa pagsasaliksik, ang pagkain ng bawang ay paraan para makakuha ka ng babae.
Naniniwala ang mga lalaki na kapag guwapung-guwapo sila sa paningin ng mga kababaihan, mapapaibig nila ang babaeng magustuhan nila. Well, kung kasing guwapo nga naman siya nina Coco Martin, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz o Alden Richards, talagang makkukuha niya ang matamis na ‘oo’ ng babaeng kanyang iniibig.
Ngunit, sa panahon ngayon, hindi mo rin maiiwasan ang magtaka kung bakit kahit hindi naman siya kaguwapuhan ay marami pa rin siyang babae. Kahit nga ‘yong malaki ang mata, pantay ang ilong at ngaso at may mala alien na mukha ay mistulang matinee idol kung umasta. Ewan ko nga lang kung dahil nga ba sa malakas ang kanilang self confidence o sadyang marunong silang manggayuma.
Ikaw, napapasagot mo ba agad ang babaeng iyong magustuhan.
Napag-alaman kasi ng mga scientist na ang pawis ng lalaking kumain ng bawang ay mas attractive sa mga kababaihan.
Kung inyong mapapansin, kapag pumipili kayo kornik na garlic o bawang flavor, sa halip na buksan mo agad iyon para kainin ay inaamoy-amoy mo muna iyon dahil parang nakakahalina iyon. Kaya kung ang lalaki ay mahilig kumain ng bawang, iyon ay sisingaw sa kanyang katawan, particular na sa kanyang kili-kili. ‘Yon din ang makakapagpatunay na ang taong ito ay malusog.
Sa Malikhaing Pag-Iisip ko ay ay natuklasan kong ang bawang ay mayroong antibiotic, antiviral at antifungal properties. Dahil doon ay nababawasan ang nararamdaman niyang lamig, malalabanan ang pagtaas ng presyon ay maiiwasan niya ang cancer.
Sa pag-aaral, 42 kalalakihan ang sinabihan na kumain ng bawang at bawang capsule o huwag silang kumain ng bawang. Basta kailangan nilang maglagay ng pads sa kanilang kili-kili. Matapos ang 12 oras, kinuha nila ang mga pads na ginamit.
Pagkatapos 82 na kababaihan ang inutusan nilang amuyin ang mga pads na iyon para makuha nila roon ang mabango at nakakaakit na amoy. At doon nga ay napagtanto nilang ang mga kumain ng bawang ay may kaiga-igayang amoy.
Kaya, raw ang mga boys na mahilig sa bawang ay malakas ang appeal sa mga kababaihan. Ganoon ka ba?

1 komento:

  1. Naku, kailangan talagang ugaliin ng mga kalalakihan na kumain ng bawang para makakuha ng girls. Ito kaya ang dahilan kaya maraming pagkain ang may flavor na garlic?

    TumugonBurahin

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...