Nakakainis! Ito ang nakakainis nasasabihin natin sa ating sarili sa tuwing haharap tayo sa salamin. Talaga naman kasing nakakagigil ang katotohanan na hindi pa rin natin makuha ang katawan na ating hinahangad gayung binabawasan na naman natin ang ating pagkain at panay naman ang ating pag-ehersisyo. Tapos kapag nagpakuha ka ng picture at in-upload mo sa FB, Instagram o anumang social media sites, ang iku-comment sa'yo ay tumataba ka.
🕖Hay, naku, parang ang sarap magwala. Kaya nga lang, kung gagawin mo 'yon, wala na rin namang mangyayari, hindi ba? Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay magpawala nang malalim na buntunghininga at mag-isip ng paraan para pumayat ka. Para naman kasing hindi kapani-paniwala na sa kabila ng pagsasakripisyong ginagawa mo ay wala pa ring nangyayari.
O, sige, para hindi na maghirap ang iyong kalooban, sasabihin ko sa'yo ang posibleng dahilan kaya hindi ka pumapayat.
Puyat, puyat ang dahilan kaya ka nananatiling malaman o sa masakit sa salita, mataba. Hindi lang naman kasi katawan natin ang nangangailangan ng pangiha, pati na rin ang ating mga hormones.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog, anumang pagod na nararamdaman natin ng nagdaang araw ay maglalaho. Kaya pagkagising natin kinabukasan, parang ang gaan-gaan ng ating pakiramdam at kag nag-ehersisyo ka uli, magiging mabisa na.
O, nais mo ba talagang pumayat? Try mo munang matulog sa oras at magkaroon ka ng sapat na pahinga.
Ouch, lagi pa naman akong puyat dahil sa madaling araw ang trabaho ko. Ibig sabihin, never na akong papayat.
TumugonBurahin