Miyerkules, Marso 9, 2016

PAGKAKAROON NG ANAK, DAHILAN PARA MAKAIWAS MAGKAROON NG OVARIAN CANCER



AYON sa pag-aaral, malaki ang tsansa na magkaroon ng ovarian cancer kapag hindi nagkaanak.
Good job! Ito ang dapat na maging pagbati sa mga ina. Hindi naman kasi lahat ng babae ay nagkaroon ng pagkakataon na maging isang ina. Kahit nga mayroon silang asawa, hindi pa rin nangangahulugan na mayroon na silang tsansa na magkaanak. Ito ang dapat mong tandaan at isaksak palagi sa'yong malikhaing pag-iisip

O, hindi ba, may mga mag-asawa na naghihiwalay dahil hindi nila nabigyan ng anak ang kanilang mister? Kaya iba talaga ang satisfaction na maging isang ina. Biruin mo, magagawa mong hubugin ang isang bata na nagmula sa’yong sinapupunan.  
Pero, may mga babae naman na pinipili na lamang maging matandang dalaga. Nais kasi nilang mapanatili ang kanilang pagkakabae dahil hindi nila natagpuan ang kanilang Mr. Right o sadyang iyon ang nakatakda para sa kanila.
Pero, alam mo bang kapag ikaw ay naging mommy, bababa ng 40% ang tsansa na magkaroon ka ng ovarian cancer. At kada anak na madadagdag ay bababa rin ito ng 8%.
Wow! Kung ganito ang batayan para hindi ka magkaroon ng cancer parang napakasarap na magkaanak ka ng magkaanak.  Biruin mo kung magkakaroon ka ng 8 anak ay siguradong hindi ka na magkakaroon ng ovarian cancer dahil lumagpas ka na sa 100% para maging free sa ganoong karamdaman. Iyon nga lang tiyak na sasakit ng husto ang bulsa mo sa kagagastos. O, baka naman ipamigay mo lang sila. Kawawa naman sila pag nagkataon. Gayunman, kung may kakayahan ka namang gumastos, sa aking palagay ay okay lang.
Ang ovarian cancer ay silent killer. Hindi mo alam kung kailan ito lilitaw. May mga pagkakataon nga na ang sintomas na ito ay lilitaw kapag malalang-malala na. Magsisimula nga raw kasi itong lumitaw kapag nag-menopause ka na. Kaya wala ka ng pagkakataon na humanap pa ng gamot dito.
Bawat babae ay may oestrogen na nakalagay sa ating obaryo kaya kung hindi ka magkakaanak dahil hindi mo iyon magagamit, maaaring maging dahilan iyon para magkaroon ka ng tumor. Ngunit, kung magkakaanak ka, mababawasan ang tsansa na magkaroon ka ng ganitong karamdaman.
O, ano nanaisin mo pa bang tumandang dalaga?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...