SINABI ni Prof. Brian Wansink, mula
sa Cornell University, na ang pagtaba natin ay nakadepende sa mga nakalagay sa
kusina. Kaya, kahit gustuhin nating mag-diet, mahihirapan tayong gawin ito kung santambak ang pagkain na nakahain sa'yong harapan.
Napabayaan
kasi siya sa kusina. Ang mga katagang ito ang agad na papasok sa ating utak
kapag nakita natin na ang isang tao ay mataba.
Talaga
namang kapag marami kang nakakain ay sigurado na hindi magiging pang-Miss
Universe ang iyong katawan dahil hindi mo mapipigilan ang kumain. Maliban na
lamang kung mabilis ang iyong panunaw. Ngunit, hindi naman siyempre lahat ng
tao ay mabilis bumaba ang kinain.
Kung ikaw ay
tabain, kailangan ay magawa mo talagang kontrolin ang iyong sarili upang hindi
ka maging lumba-lumba. Huwag kang mag-alala, kahit na maraming pagkaing
nakaimbak sa’yong kusina, magagawa mo pa rin namang magdiyeta kung gugustuhin
mo. Ang kailangan mo lang ay gawin, isaksak sa malikhaing pag-iisip mo ang ilang tips sa pagda-diet na sasabihin ko.
Una, ilayo
mo ang pagkain sa’yong paningin. Kung ilalagay mo ito sa lalagyan, hindi mo ito
makikita. Natural sa atin na kapag pirmi mong nakikita ang isang pagkain,
gustung-gusto mo itong kainin. Kaya kung iyon ay nakatago, iisipin mo na lang
na walang pagkain. Kung iyon naman ay nakalagay pa sa lata ng biscit, iisipin
mo muna kung gugustuhin mo nga bang buksan iyon. Karaniwan, sasabihin mo
sa’yong sarili na makabubuti kung sa ibang araw mo na iyon kakainin.
Pangalawa,
kung kakain ka, tiyakin mong magkakontra ang kulay ng iyong plato at ng iyong
kakainin. Kaya kung spaghetti ang iyon kakainin, kumuha ka ng putting plato.
Kung carbonara raw kasi ang kakainin mo at gagamit ka ng puting plato, hindi mo
raw mamamalayan na marami kang nakakain. Samantalang, kung magkaiba ang kulay
ng iyong plato at kinakain, kahit kakaunti pa lang ang iyong kinakain,
pakiramdam mo ay nakarami ka na ng kain.
Pangatlo,
magpatugtog ka ng soft music habang kumakain. Kapag raw kasi, mabagal ang
musica, mas mari-relax ang iyong utak. Sa pamamagitran noon ay kakaunti lamang
ang iyong makakain. Samantalang kung rock ang trip mong tugtog, mas gaganahan
ka sa’yong ginagawa. Kungganoon, mas gaganahan ka sa pagkain at hindi ito ang
dapat na mangyari.
Pang-apat,
ilagay mo pa sa mesa ang mga sobrang pagkain at tiyak kong mapapabilis ang
iyong pagkain. Siyempre, dahil hindi mo na nanaisin pang matukso. Kailangan nga lang, matindi ang iyong pagpipigil.
O, magagawa
mo bang gawin ang mga ito?
Kung
sasabihin mong ‘oo’ pagkalipas ng ilang lingo o buwan, tingnan mo kung magiging
effective ba ang iyong ginagawa. Saka sabi nga, kapag-inilagay mo sa malikhaing pag-iisip mo ang iyong nais, magagawa mo ito ng walang kahirap-hirap.
Please like and follow me at https://web.facebook.com/riagonzalesmalikhaingpagiisip/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento