Miyerkules, Marso 9, 2016

PARAAN PARA MAKAIWAS SA HIV, NATUKLASAN NA!



Ang mga malulusog na gay daw ay kailangang mag-take ng anti-viral drugs para hindi raw lumala at kumalat ang HIV, sabi sa pag-aaral. 

Life is unfair! ‘Yan ang sigaw ng mga kababaihan ngayon.  Para kasing dinudurog ng pinung-pino ang kanilang puso sa katotohanang hindi lahat ng guwapo ay lalaki. May ilan kasi sa kanila na na-trap lamang sa katawan ng isang lalaki ngunit mayroong pusong babae. Sa madaling salita, bading. At sa panahon ngayon, hindi lahat ng tunay na lalaki ay babae lang ang pinapatulan. May ilan din sa kanila na pumapatol sa bading.
May mga gay naman na nakakatagpo ng tunay na pag-ibig, karapat-dapat lang silang i-congratulate. Para sa akin ay nakakaawa naman ang mga bading na ‘minamahal’ lang ng mga brusko dahil sa pera. Ginagamit lang kasi sila ng mga ito para magkaroon ng magandang buhay kapalit ng sex. Masakit mang tanggapin pero ‘yun ang totoo.
Ang mga mananaliksik sa University College London, nagpayo na ang mga lalaki na nakipag-sex sa kapwa nila lalaki ay dapat na kumuha ng pre-exposure prophylaxis o PrEP sa lalong madaling panahon.Kailangan nila itong isaksak sa kanilang malikhaing pag-iisip kung ayaw niyang mapahamak.
Ang pre-exposure prophylaxis o PrEP ay isang uri ng drug na inaprubahan sa U.S. noon pang 2012 pero mas kilala ito sa brand name na Truvada. Sa pag-aaral ay napag-alaman na kapag nagti-take ng ganitong bading, mababawasan ng 86% ang posibilidad na magkaroon ka ng infection dahil sa pakikipagtalik.
Nagkaroon ng 545 participants ang 13 sexual health clinic sa iba’t ibang panig ng England. Ang isang grupo ay nagbibigay agad ng Truvada at ang isang grupo naman ay nagbigay ng Truvada pagkalipas ng 1 taon. Hayun tuloy, sa 276 na bading na ‘di agad nabigyan ng ganitong gamut, 19 sa kanila ang nagkaroon ng HIV.
Kailangan mo siyempreng tandaan na anumang sakit na nakakahawa ay dapat iwasan. Kung hindi mo kaya, maging maingat ka dahil buhay mo ang magiging kapalit noon. Tandaan mo, kamatayan ang kahahantungan ng may HIV.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...