AYON sa
pagsasaliksik, hindi nakakatulong sa bata‘yong iyong pagpapahintay o iyong pagsasabi lagi ng 'wait'.
Sa wikang ingles,
sinasabing patience is a virtue. Sa tagalog naman, kapag may tiyaga ay may
nilaga. Ibig sabihin, lahat ng bagay ay makakamtan natin sa tamang panahon
tulad nina Alden at Yaya Dub kaya mas matamis ang tagumpay ng kanilang
lovestory dahil katakot-takot ang kanilang pinagdaanan. Kung hindi kasi
nagtiyaga ng husto si Alden sa mga ‘pagpapahirap’ sa kanya ni Lola Nidora,
siguradong hindi bebenta ang kanilang lovestory.
Ngunit, bakit nga ba
sinasabi sa pag-aaral na hindi naman daw nag-i-improve ang self-control ng mga
bata kapag sinasabi natin na maghintay sila ng right time? Heto ang sagot ng mga mayroong malikhaing pag-iisip na talaga namang nagsaliksik para makamit natin ang kasagutang ating hinahanap. Kung minsan kasi ay
nakakaramdam pa ng hinanakit ang bata kapag hindi agad ibinigay sa kanila ang
mga bagay na kanilang nagustuhan. Ang iisipin pa niya ay kinakawawa siya. Kaya
naman sa halip na maghintay na lang siya tulad ng nais mong ipagawa sa kanya,
gugustuhin niyang tumakbo na lang o magdamdam.
Sa pagsasaliksik na
isinagawa ng University of Colorado Boulder, kaya madalas na sabihin ng mga
magulang sa kanilang anak ang katagang ‘wait’ dahil sa gusto nilang mag-improve
pa ang self-control ng mga ito. Naniniwala kasi sila na kung makapagtitiyagang
maghintay ang kanilang anak, madali na silang matututunan ang pagtitiyaga.
Ngunit, bilang mga
magulang, alam mo rin dapat kung effective nga ba ang gusto mong ipagawa sa
kanya dahil kalimitan ay maaari ka ring sumablay.
Hindi naman kasi
porke inawat mo siya sa pagkain ng chocolate o ‘di kaya naman sa panonood ng tv
at magbibigay ka sa kanya ng takdang oras kung kailan ka lang dapat na manood
ay magiging matiyaga na siyang maghintay. Kung makakakita kasi siya ng
pagkakataon ay maaari rin niyang suwayin ang iyong gusto. Samantalang kung ang
gagawin mo ay ipapaliwanag sa kanya ang dahilan mo kung bakit kailangan mo
siyang paghintayin, magagawa ka rin naman niyang sundin. Kaya kung nais mong
maging maayos ang lahat, makabubuting kausapin mo ng mabuti ang iyong anak. Mas
magiging responsable kasi siya kung
ipapaliwanag mo sa kanya ng husto ang kabutihang magagawa sa kanya kapag nagawa
niyang magtiyaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento