DAHIL nga sa ibig ng ilan na makapag-diyeta, kakaunti na
lamang ang kanilang kinakain. Magiging matagumpay ang kanilang pagdidiyeta kung
ang pagkain nila ng prutas, gulay at kaunting karne ay sasabayan pa nila ng
pag-eehersisyo. At kapag kanila nga iyong napanindigan, siguradong sa paglipas
ng ilang linggo ay magkakaroon na sila ng kaakit-akit na katawan.
O, ikaw nagdidiyeta ka ba?
Bagamat marami ang nag-aambisyong magkaroon ng 26-36-26 na vital statistic, may
kanya-kanya naman silang paraan para pumayat. Ikaw, nag-eehersisyo ka ba? O mas
pinipili mong kumain ng masusustansiya at sinasabayan ng ehersisyon? O, baka
ikaw naman ang tipo na walang oras sa pag-eehersisyo pero kaunti lang ang kinakain.
Well, okay naman iyon, pero, ano ba ang iyong kinakain? Kung
ang pinipili mong kainin ay iyong mga piniprito lang tulad ng fishball, fried
chicken, lumpiya at kung anu-ano pang pinipritong pagkain, kailangan mong
basahin ang artikulo na ito.
Sa pagsasaliksik kasi ay napagtantong ang mga taong mahilig
kumain ng pinirito ay malaki ang tendensiya na magkakaroon siya ng stroke
pagdating ng araw. Sabi nga ni Suzanne Judd ng University of Alabama sa
Birmingham, ang mga taong malimit ma-stroke ay iyong mahilig sa French fries,
hamburgers, hotdog at kung anu-ano pang mga pagkain na ibinababad sa mantika.
Ang mga piniprito kasing pagkain ay maraming asin kaya naman
siguradong tataas ang iyong presyon kapag hindi ka maawat sa pagkain nito.
Ano ba ang pakiramdam mo kapag panay ang kain mo ng mga
pinirito? Hindi ba kalimitan ay nakakaramdam ka ng pananakit ng ulo, lalo
na kung ang nilalantakan mo ay fried
chicken, porkshop at lechong kawali.
O, mahilig ka ba sa pinirito?
Okay lamang na kumain ka nito pero, kailangan naman na
sabayan mo ng kanin. Kung pinirito lang
kasi ang kakainin mo ay m,ay tendensiya na mapaparami ang kain mo nito. Hindi
iyon makabubuti sa’yong katawan.
Kung plano
mo naman talagang pagpapayat, makabubuting ang wastong pagkain para sa mga
nagdidiyeta ang itong kakainin. Kung kakain ka rin kasi ng mamantika,
siguradong walang kuwenta ang iyong pagpapayat. Kahit pumayat ka, siguradong sa
pagtanda mo ay ikaw din ang magdurusa dahil may posibilidad na ma-stroke ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento