Linggo, Agosto 11, 2013

2 taong gulang, may arthritis

ARTHRITIS ang kalimitang sakit ng matatanda. Dahil namamaga ang kanilang joint ay kalimitan iyong naninigas lalo na’t nalamigan. At sobrang sakit iyon kaya hindi nila maiwasan ang mapasigaw. Tila hindi bumubuti ang kanilang pakiramdam hangga’t hindi sila nakakainom ng gamot.

Kung inaakala mo naman na matatanda lang ang maaaring magkaroon ng arthritis, nagkakamali ka dahil ang batang bida sa artikulo natin ngayon ay mayroon na ring arthritis.
Isang taon at anim na buwang gulang pa lamang si Marshall Huburn, taga-Birmingham, nang mapagtanto ng kanyang pamilya na mayroon siyang polyarticular juvenile idiopathic arthritis. Tinatamaan ng artrithis ang kanyang panga, balakang, tuhod, binti, siko, paa, talampakan, at mga daliri. Kaya naman every 3 months ay kinakailangan niyang magpunta sa Birmingham Children’s Hospital kasama ng kanyang ina na si Hayley, 23, upang masolusyunan pa ang kanyang karamdaman. 
Kaya naman kahit 2 taong gulang pa lang siya ay hindi niya makuhang mag-enjoy sa paglalaro tulad ng kanyang mga kaedad. Kung mapapagod kasi siya ng husto ay siguradong aataki na naman ang kanyang sakit.
Sabi ni  Frank, ama ni Marshall. “Pina-check up ko si Marshall noon dahil napapansin kong hindi normal ang kanyang paglakad at lagi siyang bumabagsak. Nakikita ko rin ang sakit sa kanyang mukha kaya naisipan naming ipasuri siya agad. Nakakabigla nga lang malaman na mayroon pala siyang arthritis.”
Para naman maging normal si Marshall tulad ng ibang bata ay kinakailangan niyang sumailalim sa mga chemotheraphy. Sa pamamagitan nito ay maaari siyang makaramdam ng kaginhawahan subalit hindi na maaalis pa an gang sakit na iyon. Kaya naman sa tuwing susumpong ang sakit ni Marshall ay nakaririndi ang kanyang pag-iyak. Pakiwari tulong ng kanyang mga magulang ay nilalamutak ang kanilang puso sa labis na pagkaawa sa kanilang anak. May pangamba ring nadarama ang mag-asawang Frank at Hayley dahil maaaring mamana ng  iba pa nilang anak ang sakit na iyon ni Marshall. Sa kasalukuyan nga ay ipinagbubuntis pa ni Hayley ang ikalima niyang anak.
Kung ang ibang bata ay malulungkutin kapag may sakit na nararamdaman, si Marshall naman ay kakaiba. Kahit na parati siyang inaataki ng sakit ay masayahin pa rin siya at tila laging malusog. Kaya naman, marami ang natutuwa at humahanga sa kanya.













Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...