AYON sa pag-aaral,
ang treatment sa prostate cancer ay nagiging dahilan para lumiit ang ‘manoy’ ng
isang lalaki.
Pagpipigil sa pag-ihi, labis na pag-inom at namana sa
magulang o ninuno ang ilan sa dahilan kaya nagkakaroon ng prostate cancer ang
isang lalaki. Kung hindi ito maoopera o magagamot, ay maaaring lumala ang
kanyang karamdaman na magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Kaya naman, wala
ng iba pang pagpipiliin ang isang lalaki kung magpagamot o magpaopera.
Dahil sa ayaw ng lalaki na maagang kaharapin si kamatayan,
lahat ng paraan ay kanyang gagawin para madugtungan ang kanyang buhay.
Hinding-hindi siya papayag na iwanan ang kanyang asawa at mga anak. Ito ang
dahilan kaya nilalabanan niya ang takot na magpaopera. Ang tanging iniisip na
lamang niya ay magiging ligtas siya kapag naisagawa na ang operasyon at
susundan pa ng paggagamot.
IYon nga lang, lahat daw ng bagay ay mayroong epekto sa tao.
Ayon kasi sa pagsasaliksik at sa mga
karanasan na rin ng ilang lalaki na nagpaopera at naggagamot ng kanyang
prostate cancer, naaapektuhan ang kanilang pagkalalaki kapag sila ay naoperahan
o ginagamot ang kanilang prostate cancer.
Sabi nga ng ilang mga doctor, marami ngang lalaki ang
nagrereklamo sa kanila matapos
sumailalim ang mga ito sa operasyon . Sabin g mga ito, napansin ng mga
ito na lumiit ang kanilang ‘manoy’ at ang mga lalaki naman na naggagamot pa
lamang ay napansin ng nababawasan ang kakayahan sila sa pagtatalik.
Kung dati ay masasabi ng masasabi ng mga babae na ‘you are
great’ matapos niyang magpaopera o habang naggagamot ang ibubulalas ng babae ay
‘anyare’. Bilang lalaki ay nakakaramdam sila ng pagkapahiya kapag napipintasan
sila. Kaya naman hindi nila mapigilan ang magreklamo sa mga doctor. Pakiramdam
kasi nila ay ang mga ito ang may kasalanan kung bakit naging ganoon sila.
Ganoon din ba ang pakiramdam mo mula ng magpaopera ka?
Ayon naman kasi sa mga dalubhasa, maaari talagang
maapektuhan ang sex drive ng lalaki kapag siya ay nagpaopera at naggamot ng
prostate cancer, maaari kasing may masirang nerve at tissue habang sila ay
inuoperahan o ginagamot na sadyang makakaapekto sa kanilang kakayahan na
makapagpaligaya ng babae.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento