SPOILED ba iyong
baby?
Kung sasabihin mong sanay ang iyong anak na sinusunod ang
bawat maibigan niya, nasisiguro kong napakalakas ng kanyang pag-iyak kapag
sinabi mong ‘’hindi ko mabibili ang gusto
mo, anak’ Pakiramdam kasi niya nang
mga oras na iyon ay inaapi mo siya o hindi mo na siya mahal, kaya hindi mo
ibinibigay ang gusto niyang pagkain o laruan. Bilang magulang, kahit alam mong
kapos na ang pera mo ay magdedesisyon ka na lang na pagbigyan siya. Feeling mo
kasi ay madudurog ang iyong puso kapag nakikita mo siyang lumuluha.
Pero, sa palagay mo ba ay nagiging mabuti kang magulang?
Maaaring sa paningin ng ibang tao ay isa kang mabuting magulang dahil nagagawa
mong magsakripisyo, ngunit, sa mga isinasagawang pagsasaliksik ay hindi
makabubuti kung ang iyong anak ay mahilig magwala kapag hindi nasunod ang
gusto.
Bukod sa hindi nila kayang tumanggap ng ‘no’ ay maaari pang
magkaroon sila ng sakit sa puso kapag nasa 40’s na sila.
Sabi kasi ng mga mananaliksik, ang mga batang mahilig
mag-tuntrums ay nagkakaroon ng sakit sa puso kapag nagkaedad na sila.
Sa pag-aaral ngang pinamunuan ni Dr. Allison Appleton, mula
sa Harvard Medical School ,
377 adults ang sumailalim sa emotional behavior test. Kahit nasa 40 na ang
kanilang edad ay nagawa pa ring alamin ng mga doctor kung anon gang klase
silang bata noon. At sa pagsasaliksik na iyon ay napagtantong ang mga batang
mahilig magtantrums ay ang kalimitang nagkakaroon ng sakit sa puso sa kanilang
pagtanda.
Kapag daw kasi umiiyak ang isang bata ay maaari siyang
magkaroon ng toxic stress kaya maaapektuhan noon ang kanyang utak at katawan.
Maaari ngang hindi iyon umepekto sa bata agad pero pagdating ng panahon ay
maaapektuhan ang kanilang pinag-aralan, ugali at ang kanilang kalusugan. Kaya
naman ang batang iyakin ay malaki ang posibilidad na sila ay magkaroon ng sakit
sa puso, atakihin at magka-stroke.
Walang sinumang magulang ang hindi nagmamahal sa kanilang
mga anak, kaya makabubuti na habang bata pa lamang sila ay alamin na natin ang
mga bagay na makasasama sa kanila. Ang kalimitang pag-iyak ay magiging dahilan
kaya sila maaaring atakihin o ma-stroke.
Ngunit, dahil hindi natin maibibigay sa kanila ang mga bagay
na kanilang maibigan, makabubuti siguro kung mahinahon na lang natin na
ipaliwanag sa kanila na hindi lahat ng ibigin niya ay maibibigay natin sa
kanila.
O, kausapin mo ng masinsinan ang iyong anak para hindi na
niya kakailanganin pang mag-tantrums kapag hindi mo naibigay sa kanya ang nais.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento