MALILIKOT ang mga bata! Ito ang kalimitang reklamo ng mga
magulang o yaya kapag nakikita nilang maraming pasa ang kanilang binabantayan.
Sa kanilang paglalaro kasi ay hindi nila maiwasan ang mabunggo. Pero, kahit na masakit ang mabunggo ay
bibihira lang sa kanila ang umaatungal nang iyak kapag nasaktan. Pakiramdam
kasi nila ay lalo lamang silang masasaktan sa kanilang magulang kapag nakitang
marami silang pasa.
Ang anak mo ba ay malikot? Madalas ba siyang mabangga. Kung anak mo ay madalas makipaghabulan at
makipaglaro kaya nabubunggo, ang tauhan naman natin sa artikulo natin ngayon ay
hindi naman kasinglikot ng iba bata ngunit daig pa ang mga batang madalas
mabunggo at madapat. Kaunting bangga lang kasi sa kanya ay magkakapaltos at
magkakasugat na siya. Ito ay dahil sa kakaiba niyang karamdaman.
Ang dalawang taong gulang na si Hugo Tornqvist,
taga-Sweden, ay mayroong rare genetic
disorder na tinatawag na Junctional Herlitz Epidermolysis
Bullosa.
Ibig sabihin ay napakanipis ng
kanyang tissue skin kaya naman madali siyang magkasugat o magkapaltos kapag
siya ay nabubunggo. Kaya naman
kahit cute na cute at napakalusog ni Hugo, makakaramdam ka pa rin ng awa sa
kanya kapag siya ay iyong mapagmamasdan. Kahit naman kasi dampi lang ang paraan
ng pagkakabunggo sa kanya ay agad lilitaw ang paltos at sugat sa kanyang balat.
Kahit naman kasi anong pag-iingat ang gawin ng isang ina o
yaya sa batang may ganitong karamdaman ay sufuradong magkakasugat pa rin siya.
Likas kasi sa bata ang pagiging malikot. At kung minsan pa nga ay sila rin ang
nanakit sa kanilang sarili lalo na’t wala silang magawa. Maaari kasing
mapagbalingan nila ang kanilang sarili at tapik-tapikin pa ang kanilang sarili.
Ang mga batang nasa gulang ni Hugo ay hindi pa magawang
maunawaan ang kanilang sakit, kaya balewala kung makikita nilang
nagkakasugat-sugat ang kanilang balat.
Dahil tuloy sa kakaibang sakit ni Hugo ay may ilang docor na
nagsasabi na maaaring hindi na abutin pa ng 1 taon ang batang may ganitong
karamdaman. Bukod kasi sa maaari siyang mamatay sa malakas-lakas na bunggo ay
may ibang implikasyon ang ganitong karamdaman, kabilang na sa kanilang
respiratoty system. Sabi kasi ng mga doctor, maaaring magsara ang daanan ng
hangin. Kung mangyayari nga iyon, tiyak na mapupugto ang kanilang hininga.
Kaya naman noong summer vacation ay agad siyang isinugod sa
ospital dahil hindi siya makahinga at dalawang linggo rin na nagsara ang
namamaga niyang mata.
Kung sinasabi ng mga doctor na hindi na tatagal ang buhay ng
batang may ganitong karamdaman, pinatunayan ni Hugo na mali sila sapagkat kahit na marami
siyang sugat at paltos ay hindi niya inaalintana. Kaya naman ang kanyang mga
magulang ay pinag-iingatan din siya ng husto. Inalis nito sa kanyang silid ang
mga bagay na maaaring makapagdulot ng sugat sa kanya. Bawat bagay na naroroon
ay malalambot. Gayunman, kinakailangan pa rin siyempreng may nakatutok sa kanya
at hindi siya maaaring makihalubilo sa mga bata.
Kung dama man nilang nalulungkot si Hugo dahil wala siyang
makalaro, tinitiis na lang nila. Ang importante sa kanyang mga magulang ay
manatiling buhay ang kanilang anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento