DAHIL sa tambak ang ating trabaho at iniisip, madalas tayong
nakakaramdam ng pagkahilo. Kaya naman kung hindi natin mababalanse ang
ating katawan, sigurado na matutumba tayo. At kung sakali na babagsak tayo sa
marmol, siguradong magkakaroon ng malaking disgrasya. Maaari tayong mapilayan
at kung ulo ang babalibag sa semento, hindi lang bukol ang maaaring mangyari sa
atin.
Nanaisin mo pa bang mangyari ito sa’yo?
Sa aking palagay, ‘hindi’ ang agad mong isasagot. Wala naman
kasing tao na gugustuhing madisgrasya kaya kung maaari nga lang lahat ng
pag-iingat ay kanyang gagawin. Tila napakaimposible lang na mangyari iyon kung napapabayaan mo na ang iyong sarili.
Kung minsan kasi ay wala kang ibang naiisip kundi ang magkaroon ng maraming
salapi. Sa pamamagitan kasi nito ay mabibigyan mo ng magandang buhay ang iyong
pamilya.
Ngunit, paano naman mangyayari ito kung bigla ka na lang
magkaroon ng karamdaman. Ah, maiging basahin mo ang artikulo na ito dahil sa
bagong imbensyon na makakatulong sa’yo para maging masigla ka sa lahat ng oras.
Dahil sa laging napapagod ang ating mata ay may tendensiya
na manlabo agad ito lalo na kung pirmi kang nakatitig sa computer at video
games. Sa labis kasing pagtatrabah at paglalaro, binabalewala natin ang sakit
na nararamdaman n gating mata. Hanggang sa huli ay mapagtatanto natin na Malabo nap ala an gating
mata.
Huwag mo sanang pabayaan ang iyong mata dahil kung manlalabo
ito ay marami ka ng hindi magagawa. Napakaimportante ng paningin kaya
kailangang lagi malinaw an gating mata.
Hay, mabuti na lang at mayroon ng high tech glasses na
iniimbento. Hindi lang ito makakatulong para luminaw ang iyong mga mata. Sa
pamamagitan nito ay makarinig ka nang
maayos, makatulog ka ng sapat at laging may sigla. Sa pamamagitan noon ay
magiging okay na okay ang pakiramdam mo kahit na maghapon kang nasa trabaho.
O, nanaisin mo bang magkaroon nito?
Sabi nga ni Dr. Frank Eperjesi, head of optometry sa Aston
University , na matatagpuan sa Birmingham .
Kapag malinaw ang mata ng isang tao ay magiging masigla ang kanyang katawan.
Siguro naman ay alam mo na ang mata ng tao ay nakakunekta sa kanyang utak.
Kapag nanlalabo ang iyong mga mata, may tendensiya na sumakit ang iyong ulo.
Kaya, huwag mo na naisin pang mangyari iyon.
Ang kailangan nga ay magkaroon ka ng salamin na ito dahil
ang lente nito ay makakahagilap din ng kung anu-ano pang sakit na mararamdaman
ng ating katawan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento